Troy
Nagpunta ako ng Baguio. Hindi para magbakasyon pero para sa family business namin. I'm the only child kaya nasa akin lahat ng responsibilities. Nasa Italy pa ang parents ko ngayon kaya ako muna ang magaattend sa iilang events dito sa Baguio.
Ayoko sanang umalis ng Manila dahil ayokong iwanan si Ashley sa ganoong kalagayan. Pero wala eh, kailangan ko talagang magattend ng event na 'to. Sana ay ayos lang si Ashley. Tatlong araw lang naman ako dito.
Nandoon nga sina Bryan at Blake pero hindi sila nakakapasok ngayon dahil may kailangan silang ayusin sa D Street. Since, wala si Ethan at wala rin ako, silang dalawa ang inaasahan ngayon doon.
Opening ng isang country club ngayon kaya ako nandito. Partner nina Dad si Mr. Nuevas na siyang may-ari nito sa isang business nila sa Japan. Hindi nga sila makakarating kaya ako muna ang pumunta.
Bukas naman isang Party ang gaganapin dito. Anniversary ng isa sa mga kompanyang may shares sina daddy. Ako rin ang pupunta bilang representative.
Argh!
Bati dito, bati doon. 'Yong iba hindi ko naman kilala pero kung maka Troy parang mga kababata ko. Lalo na 'yong mga babaeng nandito? Ang sarap itulak sa zigzag road papuntang baguio.
After ng speech ng may-ari ng country club, lumapit ako sa kanya at binati sya.
Dahil sa wala naman akong gaanong kakilala ay hindi na ako nagtagal. Nagpaalam na ako agad kay Mr. Nuevas.
Wooooohhhh!! Parang gusto pa kong sundan nung mga babae!
Parang bar 'yong pinanggalingan ko na maraming babaeng gusto kang pikutin? Tapos natakbuhan mo dahil muntik ka ng magahasa? Shit! 'Yon 'yong feeling ko ngayon!
Nagdrive na ako papuntang hotel na tinutuluyan ko dito sa Baguio.
Kapagod!
Pagdating ko ng hotel ay nakatulog ako. Dahil na rin siguro sa pagod at puyat. Nagising ako ng pasado alas-otso ng gabi. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako at naghanap muna ng makakain sa labas.
Naisipan kong sa isang fastfood na lang kumain.
Ng nasa harapan ko na ang fried chicken na inorder ko na may kasamang coke, isang tao ang naalala ko. 'Yong babaeng hindi kumakain ng gulay at gustong-gusto ang softdrinks. Napangiti ako ng malungkot.
Naisipan kong tawagan sya at kamustahin pero ng kapain ko ang cellphone ko sa bulsa, napamura na lang ako sa isip ko.
Nakalimutan kong dalhin. Naiwan ko sa kama ko sa hotel. Putek.
Binilisan ko na lang ang pagkain ko at nagmadaling bumalik ng hotel.
Pagpasok ko ng hotel room ko, dumeretso agad ako sa kama at tiningnan ang cellphone ko.
May nakita akong missed call galing kay Ashley. Shit! May problema kaya?
Tinawagan ko na siya.
Ilang beses kong inulit ang pagdial ng number nya pero wala talagang sumasagot. Bakit ko ba kasi naiwan ang cellphone ko?!
Hindi ko na alam kung paano ako nakatulog kagabi sa pag-iisip sa kalagayan ni Ashley. Sobrang nag-aalala talaga ako. Kaya medyo napuyat ako. Magaalas-dose na ako ng tanghali nagising ng sumunod na araw.
Nagorder na lang ako ng pagkain dito sa kwarto ko dahil tinatamad akong lumabas.
Dahil sa nag-aalala talaga ako kung kamusta na si Ashley at kung bakit sya tumawag kagabi, tinawagan ko na si Cath.
Ilang beses ko ring dinial pero busy lagi 'yong linya. Malamang magkausap sila ni Blake.
Si Bryan? Malamang nasa bar nya 'yon kagabi kaya napuyat at tulog ngayon, sa oras na ito malamang kinalimutan nya munang may cellphone sya at siguradong hindi nya sasagutin, kaya wala syang kwenta sa mga ganitong pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Ashley
AksiyonA girl trying to hide herself from the mysery that she gets herself into. Trying to fit in a world where she knows she could ruin any moment. This is a story of a Gang Leader.