Chapter 36

1.5K 44 1
                                    

Chapter 36

---

Kinabukasan, pagpasok ng school, normal naman. Pinagtitinginan ako at pinag-uusapan. Sikat lang?Siguradong kalat na kalat na ang nangyari RAW kahapon.

Dumiretso na ako ng classroom. Wala si Ethan at si Irish, may date siguro. Aray.

“Ash, you okay?” Tanong ni Cath pagkaupo ko sa tabi ni Troy.

“Yep. Sa tingin lang naman nila ako pinapatay, eh.” Pinilit kong ngumiti.

Tiningnan ko rin sina Troy na nakatingin rin sa akin.

“Ash, I told you--”

“Yes, Troy. I'm trying my best to show you guys a geuine smile. I'm sorry kung hindi ko magawa ng maayos.” Ngumiti pa rin ako.

Alam kong gusto nila akong tanungin tungkol sa nangyari kahapon pero pinipigalan lang nila. Mabuti na rin at hindi sila nagtatanong dahil baka pag sumagot ako, magmumukhang sinisiraan ko si Irish ngayong wala sya.

Pumunta kami ng cafeteria ng mag-lunch. Sabi ni Bryan ay sumabay na daw ako sa kanila dahil wala naman sina Ethan at Irish, tiningnan naman sya ng masama ng tatlo. Kahit papaano napapangiti nila ako.

“Talagang nagpakita pa sya matapos 'yong ginawa nya kay Irish kahapon, ah?” Sabi no'ng babaeng kaibigan ni Irish.

“Bea, tama na.” Sabi ni Troy. Ow. May pangalan pala sya?

“Bakit Troy? Tsk. Protecting her again, huh? Sana lang maprotektahan nyo rin sya kung sakaling malaman na ng kuya ni Irish ang nangyari..”

“I said, stop it!” Nagulat lahat ng tao sa caf sa biglaang pagtayo ni Troy at paghampas nya sa mesa namin.

“T-Troy.. tama na.. okay lang.. siguro hindi na lang muna ako dito magla-lunch..” Sabi ko kay Troy.

“Bakit?”

“Ayoko namang kumain ng may nakatingin ng masama sa akin.” Tapos ay pinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa caf na pinapatay na naman ako sa mga isip nila. Ganon rin ang ginawa ni Troy at nila Cath.

“Sa labas na lang siguro ako ng school kakain, Troy.”

“Sasamahan na kita.”

“Hindi na Troy. Okay lang ako.. sige na..” Hindi ko na hinintay na sumagot pa sya. Lumabas na ako ng caf.

Haaaaaayyyyyyy!

Sa labas na naman ako kakain. At mag-isa ulit ako. Pakshit!

Naglalakad ako papunta sa terminal ng jeep ng may humintong magarang kotse sa tabi ko. May lumabas na lalaking nakauniporme na pang driver sa may front seat at kinausap ako.

“Ma'am, pwede po ba raw kayong makusap ni sir?” Ano 'to? Indecent proposal? Tatakbo na ba ako?

“S-Sino?” Binuksan nya naman 'yong bintana ng kotse para makita ko 'yong boss nya.

Mr. Buenavista?! Daddy ni Ethan?

“Pwede ba kitang makausap Ms. Mercado? Let's have lunch.” Napakaformal talaga ng tatay ni Ethan! Tumango lang ako at pinagbuksan naman ako nung mama ng pinto.

Pumunta kami sa isang mamahaling restaurant. Paano ko nalamang mamahalin? Ang tahimik kasi, eh! Tapos 'yong mga customer nila dito naka dress pa, eh kakain lang naman.

Binigyan kami ng menu nung waiter.

“I guess, ako na lang ang oorder? Mukhang hindi ka familiar sa lugar, eh.” Ngumisi sya. Ininsulto nya ba ako?

AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon