Ashley
"Clark! Dylan! Raven! and Kyle! Warm-Up!!!" Tawag ni Coach sa nagtatangkarang mga players na nasa bench.
So, sineryoso nga talaga ni coach?
Ano ba? Bakit feeling ko sumugod ako sa isang giyera na ni hindi ko man lang alam kung sino yung kalaban? Argg!
Isang malakas na pito ang umalingawngaw sa buong Gym. Hudyat na maguumpisa na ang laro. Nagtipon ang mga players sa gitna ng court para sa mga rules nila.
Dalawa ang naging referee sa game ngayon, na pawang mga myembro ng Varsity team.
"Okay, just a 10 minute game.. same basketball rules. Just play fair and clean.." Anang isa sa mga referee.
Pumunta sina Bryan at Dylan sa gilid ng referee para sa jump ball. Pagtaas ng referee sa bola ay pumito siya at inihagis yon pataas.
Si Dylan ang nanalo roon, pero si Blake naman ang nakakuha ng bola..
Pinasa naman ni Blake kay Bryan..
Bryan is dribbling the ball habang seryoso syang nakikipagtitigan sa nagbabantay sa kanya.. Yung totoo Bryan?
Then, he took a step forward, pero hindi dumiretso sa court. Ipinasa nya sa may right side nya ang bola.
Troy was there.. he took a step back.
Then, the next thing I knew?
May 3 points na sila..
Binalot ng sigawan ang buong gym.
Akala ko bang walang tao dito kanina?!
Napatakip ako ng tenga dahil sa nakakabinging ingay ng mga babae.
Walang kahirap-hirap naka three points sila. Hindi naman siguro magtutuloy-tuloy ito, ano?
Nang pagkakataon naman ng mga varsity para sa bola, si Raven naman ang nagtawid nito patingong kabilang court. Siya ang ace player ng team. Yes, alam ko yan. Kilala ko sila. Lagi ako dito.
Nang nasa three point area na sya, ipinasa nya ang bola kay Clark na nasa ilalim ng basket. Sinalubong siya ni Bryan para pigilan pero naihagis niya na ang bola sa ring. Pumito ang referee at pumasok pa ang bola.
"Foul!! Number 6, basket count!"
Nashoot naman ni Clark yung freethrow shot nya kaya naging 3-3 ang score.
Ganoon ang nangyari sa buong laro nila. Palitan lang ng puntos ang magkabilang team.
Hindi ko talaga inexpect na kaya nilang tapatan ang pinaka magaling sa varsity team ng school. Masyado ko yata silang minaliit.
Nang nasa isang minuto nalang bago matapos ang sampung minuto na laro nila, naging 24-20 ang score, in favor the of Knights.
Gusto ko ng tumulong! Ano ba yan?!
What the hell? Pinagpawisan ang mga kamay ko. Hindi na ako mapakali. Parang gusto ko ng umuwi at magtago nalang sa bahay.
Pagkakataon na ng varsity ngayon para pumuntos. Si Raven ulit ang may hawak ng bola.
Last 45 seconds..
He dribbled the ball to the ring... at halos mapamura ako ng malakas dahil sa nangyari.
Halos lahat kami nagulat pero ako may kasamang inis na gusto ko na talagang mambato.
Naagawa ang bola kay Raven at mabilis yong lumipad pabalik sa kabilang court kung saan naman naghihintay si Ethan. Libre siya at walamg nagbabantay kaya madali niyang naishoot yon.
BINABASA MO ANG
Ashley
ActionA girl trying to hide herself from the mysery that she gets herself into. Trying to fit in a world where she knows she could ruin any moment. This is a story of a Gang Leader.