Chapter 27

1.5K 39 2
                                    

Chapter 27

----

Ethan's POV

Pucha! Umuwi syang mag-isa?! Kanina pa ako asar na asar! Pinabayaan ko syang umalis kanina dahil akala ko ay didiretso sya ng room dahil magi-start na ang klase, tapos pagdating ng room wala sya!

“Where is she? May kasama ba sya?!”

Walang kahit isang sumagot. Kaya tinanong ko sila ulit. This time, nagsalita ang kaibigan nyang si Cath. Pero hindi naman nya sinagot 'yong mga tanong ko.

“Pabayaan mo na muna sya. Masyadong mainit ang ulo n'on. Kahit ako kanina hindi ako pinansin eh, dinaanan nya lang ako.”

Shit! Hindi sya pwedeng mag-isa! Mainit sya sa mga mata ng mga kaaway namin!

Pumasok naman ang professor namin. Matapos ang dalawang oras na klase namin, hindi talaga ako mapalagay. Kaya tumayo na ako.

“Hey! Saan ka pupunta?”

Hindi ko na pinansin ang mga tanong nina Bryan at naglakad na ako palabas. Dumiretso na ako ng parking lot at sumakay sa aking kotse.

Shit! Sana nasa bahay na sya! Kinakabahan talaga ako. Alam kong hindi talaga ako mapapalagay hanggat hindi ko sya nakikita. Kahit na sa oras na makita nya ako ay malamang mamisikal pa 'yon. I don't care! Kahit bugbugin nya pa ako. Basta okay lang sya.

Pagka-park ko sa tapat ng bahay nila, nakita ko agad ang nanay nya sa may carinderia nila. I wonder kung paano nila nakakayang makapagbayad ng tuition fee sa wilson's ngayong wala na ang scholarship nya. Siguradong hindi pa alam nina Blake ang nangyari sa scholarship nya kaya hindi pa 'yon nago-offer ng tulong.

Bumaling 'yong tingin ng nanay nya sa kotse ko kaya bumaba na rin ako. Nagmano ako sa kanya at tinanong ko kung nasaan si Ashley.

“Ha? Wala pa sya dito, hindi pa umuuwi, ijo. Hindi ba may pasok kayo? ”

Lalo akong kinabahan! Shit! May nangyari ba sa kanya?!

“Ah, opo. Umuwi po kasi sya kanina--”

Naputol 'yong sinasabi ko ng bumaling sya sa likuran ko.

“Oh! Ayan na pala sya!”

Kaya tumingin na rin ako. At nakita ko nga sya. Nakahinga ako ng maluwag nang nakita sya, pero tumigil din ulit 'yon ng mapansin kong may mga galos sya sa braso, at may punit rin sa may jeans nya. May nangyari ba sa kanya? May humarang ba sa kanya kanina kaya ngayon lamang sya nakauwi? May nanakit na naman ba sa kanya?! Fuck! I swear, i'll break every single bone of that person, kung sino man 'yon!

“Anong nangyari sa'yo?!”

“Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na.” Hindi nya man lang pinansin ang tanong ko.

AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon