Kidnap ( P A R T 2)

10 2 2
                                    

Veril's Point of View

Nandito ako ngayon sa room namin. Ang lakas ng ulan sa labas. Sarap matulog.

Kinuha ko ang bag at ginawang unan.

ZZZZZZzzzzzzzzzz -,-

Lumipas ang ilang oras, nagising ako sa tahimik na paligid. Wala na pala akong mga kaklase dito. Lumingon ako sa kaliwa't kanan pero wala na talaga sila lahat. Ang lakas parin ng ulan at hangin.

Baka may program sa baba. Dito na nga muna ako sa room. Ang sarap matulog eh.

Matutulog na sana ko ng maramdaman kong gumagalaw ang paligid. Parang lumilindol. Kaya lumakad ako papuntang pintuan, at pilit binuksan, pero hindi na talaga mabuksan. Patuloy parin sa pagshake ang building.

This is a trap. Wala ng pag-asa.

Napa upo na lang ako sa pagka dismaya. 😢 Sana di bumigay tong building.

Mga ilang minuto, huminto na ang paggalaw ng building. Umupo muna ako sa isang upuan para matulog ng ilang mga minuto. Lowbat rin kasi yung phone ko kaya, walang rescue.

Mga ilang oras ang nakalipas, nagising ako dahil sa mga yabag na naririnig. Tila, parang nag-iingat na tumatakbo. Siguro, mga sekyu to.

Pinihit na nila ang doorknob at binuksan ang pinto.

"Ms. Helix? Ba't kapa nandito?" tanong ng isang sekyu

"Ah eh, ano kasi guard--" naputol yung pagsasalita ko ng may isang napakalamig na presensya ang naramdaman ko sa aking likod at hinablot ang kamay ko.

"Manoooong!! Tuu-loooonnn--" Parang hinihigop ako ng isang ipo-ipo. Nawala na sa aking paningin ang presensya ng sekyu. Wala na rin akong makita, matapos hilahin ako ng maitim na hangin.

Veril Veril Veril

Mamatay na ba ako? Oh no😢 Paano na Studies ko? Si Lola? 😢😭

Unti-unting minulat ang mga mata ko.

"hemuni jadifa khalhif Verilha?"

"aone"

"shh genish hemuni"

Napatakip ako ng kumot ng makita ko na may dalawang nilalang ang nag-uusap. Hindi ko naiintindihan lahat ng mga sinasabi nila. Pero, parang familiar yung wika nila. Tanging sa mga movies ko lang to sila na aano. Aaaahh Basta.

Malabo-labo yung paningin ko. Hindi ko alam. Malinaw naman yung mga mata ko kanina ah. Wala naman sigurong muta. 😂 Kinuha ko yung isang eyeglasses. 'Di ko alam kung pano ko nalaman na may kibido doon. Kusang, sinasabi lang talaga ng utak ko.

Sinilip ko muli at --------

"Waaaaaaahhhhh!!"

"Huwah"

"Sino kaayoo?!"

"Nasa'n ako?!"

"Hemuni! Hemuni! Veerilha! Hemuni"

Sino-sino ba to sila? Mga tao pero may pakpak! Mga Fairy ba to? Nanaginip ba ako? OMG! Puro squeak lang ang naririnig ko sa paligid. Natataranta na ako.

"Waaaaaahhh!? Bakit iba natong suot ko?😢😭" Nakasuot na ako ng blue miniskirt at long sleeves na blue blouse.

"Ang ingay! Ingay!"

Nagulat ako sa bagong gising na nilalang. Pakingsht ang gwapo aah. Haa? Teka, kilala ko to aah.

"AHHHHHHHHHH" sigaw nya

"Nasan ako? Ba't iba na suot ko? Teka, Kilala kita haa! Ikaw yung babaeng laging nagbabasa na nasa hallwaay. Kidnap for Ransom ba to? Magkano ba? Sayang Kidnapper ka pala. Ano? Sag-"

"Hoy! FYI. Unang-una, hindi ko alam, Wala rin akong alam. Anong Kidnap? Hindi ko  nga alam, kung bakit ako nandito. At saka, ba't mo ako nakilala sa pagbabasa. Tekaa, ikaw yung nagtanong sakin, 😅"

"Eh-h ano! Basta, nasan ba tayo kasi?"

Nagulat ako ng may isang middle-aged na babae ang kakapasok. May pakpak rin sya.

"WAAAAAAHHH! Halloween Party ba to?" sigaw ni boy-di-kilala

"onaone, Lehart holif reth. Luminhere shola!"

Ano ba sinasabi nito?

"I'm sorry, but we can't understand what you are trying to say." Sabi ko

"aj hele-" may kinuha sya sa isang twig. Parang wand.

"Hemuni, maxima abeh leheferal jeshschi memer" at winagayway nya ang kanyang wand samin. May mga glitters na nahuhulog, Ang ganda.

"Ano? Naiintindihan nyo na ba ako?" sabi niya.

Nagulat ako. May Power ba talaga sya? My ghad na engkanto kamii. 😢😭 Nagkatinginan kaming dalawa ng lalaking nasa katabi ko. At sabay-sabay na sumigaw.

"WAAAAAAAAAAAHHHHH! AAAAAAAHHHHH"

"Magsitigil!" isang ma awtoridad na sigaw ang umalingaw-ngaw sa kwarto. Na hinto naman kami sa kasisigaw.

"Hi Ms. Veril at Mr. Andrei! Welcome to Lehart!" masiglang sabi ng Fairy

"Sino po kayo?" tanong ni Andrei

"Ako si Limquin, Ang Guardian ng mga Fairies. Nasa lupain ko kayo."

Lumakad papalapit si Andrei kay Limquin at hinawakan ang kanyang mga pakpak. Kita mo sa kanyang mukha ang pagkamangha na totoo talaga ito.

Tumikhim si Limquin at bumalik naman sa pakakaupo si Andrei.

Lumapit sya sakin bago bumalik at may sinabi.

"Nababaliw na ba tayo?" tanong niya

"Mukhang hindi eh."

Kitang-kita ko na pilit hinahampas ang sarili ni Andrei, na sana panaginip lang ang lahat na ito. Pero hindi talaga. Totoo ang lahat na ito.

Ano nangyayari?

The Last Tale of XPA Student (ON-GOING SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon