Veril's POV
"Dito tayo mag iinsayo." sabi ni Kate
Really? Dito? Ang ganda ng tanawin. May mga magagandang bulaklak pa na nakapaligid rito.
"Si-sigurado kaba jan?" tanong ni Andrei
"OO, kung nagtataka kayo kung bakit dito, hmmm, dahil gusto ko lang Hahaha" sabi niya sabay tawa
Kaming dalawa, naiwang nganga.
Kinuha ni Kate ang kanyang Magical Wand at winagayway at may lumabas na mga equipment sa pag iinsayo. May mga cauldron, wands, swords, at mga magical tools. Nilibot namin ang tingin sa paligid, at di napigilang mamangha na kanina na ang plain na lugar na ito, may mga kung anong mga bagay na lumutang sa harapan namin - not literally.
"okay, sa ngayon, Since di ko pa alam ang inyong mga kapangyarihan, maiging magsimula tayo sa pagtuklas ng inyong kapangyarihan. Unang-una, pumili kayo ng kahit anong bagay na makikita niyo sa paligid at dalhin sa akin. Bibigyan ko kayo ng Isang oras para makapag isip-isip kung anong bagay." sabi ni Kate
"hehehe simula na ngayon!" tapos nawala na sya.
Una ko pinuntahan ang gitna at tiningnan ang mga nakahilera na punyal at matatalim na mga materyales. Ti-nrace ko ang aking daliri sa tulis ng kutsilyo. Napaka tulis nito aah
"Hindi ko inaasahan na iyan ang nakakuha ng iyong atensyon Veril. Hehehe" sabi niya
Nagulat ako sa bigla niyang pagsalita. Kaya nabitawan ko ang hawak kong kutsilyo.
"Nakakagulat ka naman Kate!" binalik ko ang aking tingin. Pero di ko talaga gusto dito eh.
Pumunta ako sa ibang mesa at ramdam ko parin na nakasunod si Kate sakin.
"Wands! Alam ko na kapangyarihan mo! Di kaya isa kang Fairy!?" galak niyang sabi
Nginitian ko lang siya at kinuha ang isang kakaibang wand. Winawagayway ko ito at saktong naitapat ko sa may pwetan ni Andrei na nasa kabila habang masayang tinitingnan ang mga bagay na nasa kabilang mesa. Napa igting naman ito sa bigla.
"Sino yun aah?!" Sigaw niya na may halong pagkainis
Tumawa naman ako bahagya. Narinig siguro nya ang pagtawa naming dalawa ni Kate, kaya lumingon sya sa amin at sinimangutan ng tingin.
"Hoy! Kayo ah! Pinagkakaisahan nyo ako!" sigaw niya sa amin.
"hahahahahaha" tawa lang kami ng tawa
Binalik ko ang aking ginagawa at itinuon ang pansin sa isang Puting may kulay pula na wand. Parang kakaiba. Kinuha ko yun.
"Swords eh?, " Sabi ni Kate sa kabila. Nandun na pala sya kay Andrei.
Dinig na dinig ko ang irita sa boses ni Andrei sa Pagsasagot niya kay Kate. Nakinig lang ako sa kanilang usapan.
"Isang oras na pala hehe!" sigaw ni Kate
"Ha? Parang ang bilis naman ata?" tanong ni Andrei
Pinakita ni Kate ang isang orasan at kitang kita ko na talagang isang oras na ang nakalipas.
Pumunta na kami sa harapan niya. "Wand pala ang napili mo Veril? At sa iyo Andrei, isang punyal at sword."
"Sabi nila, kung anong bagay ang napili niyo sa lahat ay ito ang daan kung paano natin matutuklasan ang inyong mga kapangyarihan.--" sabi niya
Nakinig lang kami sa kanya na parang scout leader.
"Ang Wand na napili ni Veril ay nagsisimbolo na ikaw ay may kapangyarihan ng isang Wzard/Witch at ikaw naman Andrei na napili mo ay punyal at isang espada ay masasabi ko na ikaw ay isang swordsmen, pero hindi ako sigurado na ito talaga kayo-- na meron talaga kayo nito na kapangyarihan. May kakaiba kasi akong nararamdaman. Oh well, success ang unang hakbang!" sabi niya at tumalon-talon sa ere. Habang kami palakpak lang ng palakpak.
BINABASA MO ANG
The Last Tale of XPA Student (ON-GOING SLOW UPDATE)
FantasíaXPA (Xander Power Academy) Student. Isang babae na namumuhay ng ordinaryo sa mortal na mundo ngunit nang mapunta sa isang misteryosong mundo ay nag iba na. Alamin ang paglalakbay ni Veril sa mundo ng mga Extraordinaryo. 👸🕵 #617 in Fantasy January...