Power of Nature (Unedited)

8 1 0
                                    


Third Person's POV

"Maghanda tayo sa kung sino man ang unang lalabas mula sa lagusan na iyon" sabi ni Ms Limquin.

Kaba ang nadadama ng mga Fairies sa oras na yun. Lahat ay nagtitipon sa harap ng Hall at inilabas ang kanilang mga wands at Magic Sticks. May lumilipad din na mga Fairy, mga bulaklak na nagtransform na mga Kawal at pumwesto sa unahan ng mga Fairies.

May narinig silang unang kaluskos mula sa unahan at may lumabas na isang tao. Napaka itim ng aura na nanggagaling dito.

Itinapat ng mga Fairies ang kanilang mga wands sa taong ito, banta kung aatakihin ba nito sila. Lumapit lang ito at pumunta sa gitna.

"We meet again, Lily Limquin." sabi niya habang nakangiti.

"Ha! Nagkita tayo ulit Silver Cell. And what brings you here?" naka smirk na sabi ni Ms. Limquin

Ilang saglit pa, may mga pigura ng naka itim ang lumabas sa lagusan sa likod ni Silver. Napakarami nito, kasing rami ng Fairies na nakapwesto.

"Is this your way of Welcoming your FRIEND Limquin? It's been a while pagkatapos nyo akong iwanan, nevertheless, wala na ako paki-alam don. Haha" sabi niya habang palakad-lakad sa harap

"Kung hindi man ganito Silver, paano namin kayo iwewelcome? Haha."

"Talaga lang Limquin? Alam mo ang pakay namin. Ano, nasaan na sila?"

"Hindi mo sila makikita. Haha. Dadaan muna kayo sakin bago niyo sila makuha." galit na sabi ni Ms. Limquin

"Hahaha! Wala kayong laban samin. Mahina ang kawal mo Limquin, parang puyat na puyat" Nagtawanan naman yung mga naka itim na nasa likod ni Silver

"Mag-ingat ka sa sinasabi mo. Wala ka sa teritoryo niyo Silver."

"Talaga ba Limquin?Haha kung ganun, wala kaming ibang DAPAT gawin kundi labanan kayo! Haha"

"Tignan lang natin."

"Ano na? Sugurin sila!" sigaw ni Silver

"Brace yourselves Fairies!" sigaw naman ni Limquin.

Naghiyawan naman ang bawat koponan sa pag-atake. Yung mga Bulaklak ay may kinagat na kawal na itim. Merin ding lumabas sa ilalim ng lupa na mga vinewood at ginapos ang ibang kawal. Yung iba namang Fairies ay patuloy lang sa pagwasiwas ng kanilang mga magic sticks at tatamaan ang kalaban. Ngunit, marami sa mga fairies ang nasugatan dahil sa paggamit ng maitim na mahika na nagmumula sa mga itim na tao. Habang yung iba, tinatanggal ang mga pakpak ng mga fairies. Sigaw ang nadidinig pag tinanggal ng kalaban ang mga pakpak ng mga fairies.

Ilang oras sa pakikipaglaban at unti-unting nanghihina ang bawat koponan. Pero mas marami ng nasugatan na mga fairies kaysa sa mga taong itim.

"Ano Limquin? Di mo pa rin ba sasabihin?" tanong ni Silver

"Ano ako Tanga? Year 3000 sasabihin ko sayo! Haha" sabi ni Ms. Limquin at tutirahin niya si Silver

Lumaban naman si Silver at Kumuha ng maitim na enerhiya mula sa paligid at inambang kontrahin ang mahika ni Limquin. Naging maliwang ang gitna ng magtagpo ang mahika nila. Medyo nanghihina narin si Ms. Limquin kaya, unti-unting nawawala ang kanyang mahika.

Ngumisi naman si Silver at itinuloy ang pag atake. Tumilapon si Ms. Limquin ng tinamaan sya. Agad naman sinalo ng isa sa mga kawal ito.

"HAHAHA! Ano ngayon Limquin? Hanggang ngayon, di mo parin mapapantayan ang lakas ng kapangyarihan ko at kahit kailan hinding-hindi mangyayari yun. Hahahahah"

Napa asik naman ng dugo si Limquin at pinilit na tumayo pero nahihirapan talaga itong tumayo. Nagawa paring ngumisi ni Ms. Limquin at unti-unting nanghihina sa bisig ng kanyang kawal. Lumapit naman ang mga fairy na may kakayahang manggamot.

The Last Tale of XPA Student (ON-GOING SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon