Andrei's POV
Medyo naliwanagan na ako. Hindi na ako masyadong nag-aalinlangan at nagsisigaw, kakahiya naman sa kasama ko.
tsk.tsk. bawas pogi points
Tahimik lang kami nakatitig sa daraanan. Habang nasa unahan si Ms. Limquin. Nung una akala ko nanaginip ako, pero hindi talaga eh. Totoo lahat.
"Sa'n mo ba kami dadalhin Ms. Limquin?" tanong ni Veril
Tumitingin-tingin lang ako sa paligid na sobrang napakaganda. Papunta kami ngayon sa isang Malaking Mansion na parang luma.
"Nandito tayo sa Library ng Fairies' House of Wisdom" sabi niya.
Nakakamangha na lugar. May Fountain sa tapat ng House na ito at saka nagsimulang naglabas ng tubig. Namumulaklak muli ang mga mala dahon nitong paligid.
"Wow!" yan lang ang salitang nailabas sa bibig ko.
Pumasok na kaming dalawa at sumunod kay Ms. Limquin. Pagpasok palang namin, napakamangha ang mga gamit na nasa loob. Napakakintab ng sahig, kulay green ito na may kulay violet. Ang bubong naman kulay golden brown, pero may white na mga stripes sa gilid. Napansin ko ang lawak ng lugar dito sa loob. Nagtatayoang bookshelves na animoy parang nagtatayog na mga puno ng niyog sa sobrang taas. Maayos ang paglalagay ng mga libro sa mga lagayan niyo. May mga fairy naman na lumilipad sa kahit saan at may dalang mga libro.
Tumingin ako kay Veril, at di nalalayo na parehas kami ng iniisip. Kamangha-mangha talaga.
Lumakad kami papalapit sa isang babaeng fairy na may edad. Hindi ko masyadong naiintindihan ang nakasulat sa harapan pero, hula ko para itong Librarian.
"Ms. Lackey, pwede muna ba kaming gumamit ng special room?" sabi nito sa Librarian.
Naiintindihan na namin ang mga sinasabi nila, epekto siguro ng incantation kanina.
"No problem Ms. Limquin" ngumiti lamang si Ms. Lackey at may kung anong sinulat si Ms. Limquin sa parang malaking libro sa kanyang kanan.
Sumenyas na si Ms. Limquin na sumunod kami. Naglakad kami patungo sa isang malaking chamber.
Napansin ko na , 'di talaga masyadong madaldal tong babaeng kasama ko.
Pumasok kami sa isang Malaking Chamber. Pagpasok namin, namangha naman kami sa mga bagay na naka display.
May mga cauldron na may mga kung anu-anong tubig na nagbubukal. May kulay green, blue, yellow at kung anu-ano pa.
This place is so amazing!
May napansin din akong isang malaking globo na may nakabaluktot na mga bakal. May aparador din na naglalaman ng kakaibang mga halaman.
Naupo kami sa isang mahabang mesa. Dahil sa haba nito, dun ako pumuwesto sa unang upuan malapit sa middle na chair. Habang si Veril naman sa tapat ko.
May hinahanap si Ms. Limquin sa isang bookshelf.
"Hindi ka ba nahihiwagaan?" tanong ko kay veril
"Anong hindi? Syempre nahihiwagaan. Meron ba nito satin?"
"Wala ka kasing imik eh. Kanina ka pa!"
"Do you know the word 'SPEECHLESS' duh" inirapan nya lang ako. Ang sunget naman nito.
"Sungit nito" sabi ko at tumingin-tingin sa paligid.
Lumapit na si Ms. Limquin na may dalang napakapal na libro. Pinagpag niya muna ito at inilapag sa harap namin.
"Pwede mo ba e-explain lahat ng nangyayari dito?" tanong ni Veril
BINABASA MO ANG
The Last Tale of XPA Student (ON-GOING SLOW UPDATE)
FantasyXPA (Xander Power Academy) Student. Isang babae na namumuhay ng ordinaryo sa mortal na mundo ngunit nang mapunta sa isang misteryosong mundo ay nag iba na. Alamin ang paglalakbay ni Veril sa mundo ng mga Extraordinaryo. 👸🕵 #617 in Fantasy January...