Veril's Point of View
XPA
Xander Power Academy
Tsk.tsk.tsk.
Kahit kailan, walang naidulot na maganda sa buhay ko.
(-,-)
Nasa Hallway ako ngayon ng XPA naglalakad. Ang tahimik ng Paligid, tanging Ibon na parang umaawit lang ang maririnig mo.
Napakahirap kasing mag adjust ng isang KATULAD KO sa mga taong mas mataas pa sayo na di gaya ko na di hamak isang ORDINARYONG ESTUDYANTE na ang tanging alam ay Ipaglaban ang pag-aaral at Guluhin ang mga taong nakapalibot sakin.
"OMG! Di ba, sya yung babaeng kahapon?"
"Oo. Nakakaloka! Napaka wirdo nya. Tingnan mo nga yung suot nya, Parang di nagbibihis. Ewww"
"Ayokong makita sya! "
"Nakakadiri!"
"Girls!Girls! Wag niyo masyadong Lakasan boses nyo baka marinig nya kayo. Balita ko ang lakas ng pandinig nyan. "
(-.-)
'haaay
"Subukan nya lang lumapit dito. Lilipad talaga sya gamit tong power ko."
"Huy. Echosera, parang may kapangyarihan!.Wag mo na nga patulan ang mga FREAK na gaya nya! 'di mo ba nakita kahapon? nung kinausap sya ng isang lalaki kahapon bigla nalang natameme?"
"OO nga. Sinagot lang naman sya ng lalaki kahapon ah. Tapos parang naging statwa na. Grabe naman sya. Natatakot ako! huhuhu"
"Kaya nga!"
Huminto ako saglit, at nag aalangang lumakad sa harap nila. Tinaas ko yung ulo ko at isa isang tinignan ang pagmumukha nila.
'napaka mga walang kwenta
"Oh my Goshh! tumingin sya sakin"
"I'm outta here!" nawala kaagad yung babae na parang bula.
"Me too, Bye Girls!" nawala din sya kaagad, at mabilis na lumakad papalayo.
Hindi ko na hinintay na mawala pa silang lahat. Tinuon ko ang aking paglalakad papunta sa Building namin habang ang mga kamay ko nasa bulsa.
'maka showbiz naman tong mga tao, daig pa Celebrity.
Masyadong maaga pa dito sa XPA. Alas sais pa ng umaga. Inisa isa kong tignan yung mga Hanging plants na naka sabit sa taas.
'napaka refreshing ng ganda
Nagtuloy ako sa paglalakad at Pumunta sa Room namin. Pinihit ko yung Doorknob at naka lock pa rin. Gaya ng Dati, umupo ako sa harap ng Pintuan at nagbasa ng libro.
Lumipas ang ilang minuto at di ko namalayang 7:30 na pala, pero wala parin yung mga tao.
Tumayo ako at pinagpag yung puwetan ko. Sinandal ko ang sarili ko sa pintuan at binuksan muli ang Libro.
"Ba't ang aga mo?"
Tiniklop ko muna ang Libro ko at Tiningnan ang mukha niya.
"Ikaw palang ba dito?" deretsong pagtatanong niya habang di parin inaalis ang tingin sa akin.
'mukha bang may kasama ako rito? tsk. Parang tanga lang?
Bakas sa pagmumukha niya ang paghintay ng sagot. Pero tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa dulo ng building.
BINABASA MO ANG
The Last Tale of XPA Student (ON-GOING SLOW UPDATE)
FantastikXPA (Xander Power Academy) Student. Isang babae na namumuhay ng ordinaryo sa mortal na mundo ngunit nang mapunta sa isang misteryosong mundo ay nag iba na. Alamin ang paglalakbay ni Veril sa mundo ng mga Extraordinaryo. 👸🕵 #617 in Fantasy January...