Chloe
"HEY!bar tayo pakisabi na rin kay stacey,pakisundo nyo na lang rin ako. Thank you" kahit hindi pa sya nakaka sagot ay pinatayan ko na siya ng tawag.
Pumunta ako sa walk-in-closet ko at kinuha ang kulay gold tube na dress. Simple lang pero hapit na hapit sa katawan ko na nakita ang hugis ng katawan ko.
Nag lagay naman ako sa muka ko ng light make-up at kinulot ko rin ang dulo ng buhok ko.
Pag katapos ko mag-ayos ay bumaba na ako at nakita sila mom and dad sa sala na nanonood.
"Saan lakad mo?" naka taas kilay na tanong ni mom .
"Sa party po pero kasama ko naman sila jay at stacey kaya wala kayong dapat ipag-alala"
"Okay,take care and enjoy" lumapit naman ako sa kanila at humalik.
"thanks mom!" nakarinig naman ako ng busina kaya naman nag paalam na ako sa kanila..
Lumabas naman ako at nakita ko sila na nasa loob ng sasakyan kaya pumasok na rin ako.
"Anong naisipan mo at nag-aya kang mag bar?" naka taas kilay na tanong ni stacey.
"Wala. Gusto ko lang uminom at magpakasaya,masama ba? " Pina- ningkitan naman ako ng mata ni stacey.
"Sigurado ka ba jan?" nanghihinala na tanong nya kaya kinunotan ko siya ng noo.
"Sabi ko nga sigurado ka" naka nguso nyang saad. Tsk sarap hilain yung nguso nya.
Tumingin naman ako kay jay na nakatingin pala sa akin at agad nag-iwas ng tingin.
"Dun tayo sa Bar mo" Sabi ko kay jay .
"Hays mauubos na naman stock ko ng alak" bumuntong hininga sya. Tumingin na lang ako sa labas at may nakita akong isang bulto ng tao sa ilalim ng puno kaya nilingon ko ulit pero wala na. Guni-guni ko lang siguro hayss.
Pero bumalik na ba talaga sya?Para saan pa?iniwan na nya ako kaya wala na syang babalikan pa! Iniwan nya ako ng walang paalam tsk!
"Andito na tayo" sabi ni jay na nakapag pabalik ng senses ko. Bumaba na kami at pinapasok na kami ng bouncer dahil kilala naman na kami..
Umupo na ako at um-order " bigyan mo ako ng chuckiee dali!magpapaka lasing ako!" napa tanga naman sa akin yung bartender.
"E-excuse me mam?chuckie?" gulat na tanong ng bartender.
"Bakit may angal ka?" maangas kong tanong.
"A-ah wala!wala! ito na po chuckie nyo!" binigyan naman ako ng isang baso. I took a sip to my chuckie at tumingin sa paligid.
Merong nag mamake-out sa gilid,naglalasing,nag sasayaw sa dance floor at ito ako nag papakalasing sa chuckie.
Inilibot ko naman ang tingin ko para mahanap sila jay at stacey. Nakita ko si stacey na nakikipag sayaw sa matangkad na lalaki pero di ko makita si jay. Asan na kaya yun?
Naramdaman kong may tumabi sa akin pero di ko nilingon.
"Are you alone?" sabi ng lalaki sa likod ko pero di ko nilingon baka iba kausap nya.
"Hey miss mag-isa ka ba?" sigurado na akong ako ang kinakausap nito kaya naman humarap ako sa kanya.
"May nakikita ka bang hindi namin nakikita?" pag susungit ko at tinawag yung bartender.
"Ikaw,may nakikita ka bang kasama ko?" tanong ko sa bartender
"w-wala po mam" Tumawa lang yung lalaki sa pag susungit ko.
