Chloe
NADATNAN ko naman si Kleo sa sala na nanood ng spongebob habang kumakain ng fries. Lumapit naman ako agad sa kanya at kumuha ng Fries.
"Hoy akin yan! Mag luto ka ng sayo!" sabi nya habang inilalayo sa akin yung fries.
"Tsk ang damot" yamot kong sabi at tumabi sa kanya.
"Hey balita ko mag cacamping daw kayo nextweek sa bundok" sabi nya habang ngumunguya ng fries. Tsk mabulunan ka sana.
"Oh ano naman sayo" tamad kong tanong at pasimpleng kumuha ng fries at sinubo agad kaya wala na siyang nagawa.
"Wala naman,makikita mo doon nyong mga kauri mong unggoy" sabi nya at bumunghalit ng tawa.
Sa inis ko naman ay sinapak ko sya at tinamaan siya sa ilong.Di naman masyadong malakas ang. Pagkakasapak ko sa kanya kaya okay lang.
"Aray,ang sakit!bwesit ka talaga!Pag ang matangos kong ilong naging plat lagot ka talaga sa akin" sabi nya habang may hawak ng salamin.
"Dibale,okay lang yan Kleo, Kahit anong gawin nila gwapo ka pa rin HAHA" nakangisi nyang sabi habang kinakausap ang sarili sa salamin. Tsk abnormal talaga. Umakyat ako at iniwan ko na sya sa baba.
Dumiretsyo naman na ako sa banyo at naligo. Nagsuot ako ng Black pants na tinirnuhan ng white shirt na may print sa gitna na 'Fuck Off' then naka converse na black. Naglagay lang ako ng powder para sa muka at lipbalm para sa lips ko at nag lagay rin ako ng eyeliner.
Bumaba naman na ako at nadatnan si Kleo na naka black adidas,naka long sleeve na kulay pula na itinupi nya hanggang siko at tinirnuhan nya ito ng black maong short na hanggang tuhod. Lumingon naman sya sa gawi ko.
"Saan punta mo sis?" tanong nya habang itinaas bahagya ang shades nya.
"Pupunta akong mall. Titignan ko yung shop ko. Eh ikaw saan ka ba pupunta?"tanong ko naman.
"Pareho pala tayo ng pupuntahan, tara sumabay ka na lang sa akin" sabi nya kaya naman lumabas na kami.
"Bakit ka ba kasi nag pahuli kila mom na sumasama ka sa race?yan tuloy nag cocommute ka lang" iling iling na sabi ni kleo habang nakatutok pa rin sa kalsada.
"Eh sa hindi ko alam na nanunuod yung kumpare nila tsk" baka busangot kong sabi.
Yung sinabi ko na di pa ako pwedeng mag drive charot ko lang yun HAHA. Lagi kaya ako sa Drag Race at ako ang laging champion.
"Ang tanga mo rin kasi minsan di ka nag-iingat" sabi nya tsk. Di ko na lang pinansin.
Andito na kami kaya naman pinark naman ni kleo ang kotse nya sa may naka sulat na 'No Parking' tsk baliw talaga. Nong minsan tinanong ko sya kung bakit sya nagpaparking eh halata namang bawal.
Ang sagot naman nya 'Basta No Parking' sa akin nakalaan yan at sinabayan nya pa ng halakhak . Tsk napaka abnormal talaga.
Pumasok naman na kami. Pinag titinginan at pinag uusapan na naman kami hays. May lumapit namang babae kay kleo. Maganda, sexy, supistikada manamit na parang model.
Tsk kaya naman pala andito tong abnormal na to meron na naman syang bago. Umalis naman na ako ng hindi nag pa-paalam.
Pumunta naman na ako ng shop ko. Ang shop ko ay mga tindahan ng mga armas tulad ng guns and knifes.
"Morning Miss Chloe" bati naman ng mga tauhan ko dito sa shop. Puro lalaki lang ang mga impleyado ko dito sa shop, di naman maganda sa babae na magtinda ng mga baril diba?
Dumiretsyo naman ako sa mini office ko at umupo. Tinawag ko naman ang isa sa mga tauhan ko.
"Yes Miss Chloe may kailangan po ba kayo?" magalang na tanong naman nya.
"Bilihan mo ako ng ice cream at fries" umalis naman na sya at bumili.
Sumandal naman ako at pumikit. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng katok. Andyan na siguro.
"Pasok!"
Iniluwa naman yung lalaking inutusan ko bumili ng pagkain ko. Inilapag naman nya sa mesa ko ang pinabili ko. Nagpasalamat naman ako sa kanya. Habang kumakain ako ay may kumatok.
"Pasok,bukas yan" saad ko. Pumasok naman ang isa ko pang empleyado.
"Ano kailangan mo?"
"Mam may lalaki po sa labas na gustong mag pagawa ng dagger"
"papasokin mo" saad ko at sumubo ulit ng fries. Lumabas naman sya. Nang pumasok sya ay may kasama na syang pamilyar na lalaki.
Nagulat naman yung kasama nya nong nakita ako. Pati nga rin ako nagulat pero di ko pinahalata.
"Chloe?ikaw ang mayari nitong shop?" gulat na gulat na tanong ni Russel. Yes,si russel nga ang nasa harap ko..
"Yeah" tipid na sagot ko at sumubo ng ice cream.
"So anong gusto mong design ng dagger mo?" Umupo naman sya sa upuan na nasa harap ko.
"Ang gusto kong gawin nyo sa dagger ko, yung handle ay iniikutan ng dalawang dragon na magkaibang kulay. Ang gusto kong kulay ay Gold at Red."
"May gusto ka pang idagdag?"
"iukit nyo rin sa patalim ang pangalang freeze " Napangisi naman ako dahil dun.
"Next week mo na makukuha. Pwede bang magtanong?"
"oo naman,basta kaya kong sagutin"
" saan mo gagamitin ang dagger na pinapagawa mo?" tanong ko naman.
"I don't know. Sa kaibigan ko kasi yan." napangisi na naman ako. Liar.
"Ano namang pangalan ng kaibigan mong yan?"
" bakit ka ba interesado?" balik na tanong nya na alam kong inililihis nya lang ang tanong ko.
"Wala naman. Ang ganda lang ng gusto nyang design" naka ngisi kong saad.
"Ah yes" tango naman nya.
"Nag lunch ka na ba?" tanong naman nya.
"Hindi pa" sagot ko naman.
"Tara,sabay na tayong mag lunch" tumango naman ako. Sabay kaming lumabas. Pumunta naman kami sa pulang bubuyog.
"Find a table for us. Ako na o-order" tumango naman ako habang sya naman ay umorder na.
Nakita ko naman si sisiw na may dalang tray ng mga pagkain at parang naghahanap ng mauupuan. Nang makita nya ako ay ngumiti agad sya at lumapit sa akin at umupo sa harap ko.
"Dito na lang ako tutal wala ng bakante at wala ka ring kasama"
"May kasama ako at ayan na sya."
"Sorry kung natagalan ako " sabi naman ni russel at lumingon sa kaharap ko.
" Andito ka pala" sabi nya kay sisiw.
Umupo naman sa tabi ko si russel dahil ito na lang bakante dahil single na upuan lang yung kay sisiw. Sinamaan namn nya ng tingin si Russel at sumimangot.
