Chloe
ANDITO kami ngayon sa office dahil may pag uusapan kaming mga SSG Officers.
"Mag ca-camping tayo next week sa bundok at gagawa tayo ng mga activities kasama ang mga seniors" saad ko habang nakatingin sa kanila.
"Duh!Bakit sa bundok pa like omg!maraming animals at insects dun baka kagatin ako" Maarteng saad ni mitch na may kasamang irap. Yes, kasama sya sa SSG Officers kahit sya ang pasimuno ng pang bubully dito tsk.
"Tumigil ka nga sa kaartehan mo. Di ka namin pinipilit kung ayaw mo sumama edi maiwan ka tsk" naiiritang saad ni selene.
Tahimik na babae pero pag si mitch nag-iinarte babarahin nya agad. Di na lang nag salita si mitch at umismid na lang.
"So ganito gagawin natin. Hahatiin natin sa tatlong grupo ang mga seniors at may mga activities silang gagawin like riddles and logic silang sasagutin pero may twist" ngumisi naman ako.
"Ang tatlong grupo ay may ibat ibang kulay na panyo. Yun ay Blue, Red and Green. Itatali nila yun sa kahit saang parte ng katawan nila at dapat hindi yun makuha ng ibang grupo. Kung nakuha ng ibang grupo ang panyo ay ma-aalis na sa laro" Napangiti naman sila at tumango.
"That's a Good Idea pero ano naman ang prize ng mananalo?" nakangiting tanong ni Adrian.
"Kayo na bahala kung anong premyo susuportahan ko kayo"
"Pa bida talaga tsk" Saad naman ni mitch pero di ko na lang pinansin.
"Shut up bitch" pambabara naman ni selene. Nilingon ko naman ang secretary ko.
"Naisulat mo ba lahat ng sinabi ko?" tanong ko
"Y-Yes Ms.Chloe"
"Good,dahil ikaw magpapaliwanag sa mga seniors kung ano ang gagawin" Tumingin naman ako sa mga Officers. Nakatingin sila sa secretary ko na parang nangaasar.
"Sus ito talagang si Elliot pag si Ms. Secretary ang kaharap na uutal na haha" pangaasar naman ni jake. Binato naman sya ng eraser ni Mr. Secretary.
"Ulol mo"
"Mag lunch na tayo" yaya ko at lumabas. Sumunod naman sila.
"Wow Ms. President kakain ka sa canteen?" tanong naman nila maliban kay mitch na naka simangot.
"Yeah, Pang second time na ito" saad ko at tumango naman sila. Dumiretsyo na kaming canteen.
Pagbukas namin ng pinto lahat ng mga studyante ay nahinto at naka nganga sa amin. Di naman maitatangging maga-ganda At mga gwapo ang mga kasama ko.
"Whoo!Ang ho-hot nilang lahat!"
"First time nilang kumain ditong magkakasama!"
"Elliot My loves!Notice me!"
"Bat parang uminit dito?"
"shitt ang ganda talaga ni Ms. President!"
Ngayon lang kasi kami kumain dito. Palagi kasing sa labas o sa office na lang kami kumakain. Trip ko lang naman kumain dito. Lumapit naman sa amin ang waitress.
Di na namin kailangan pumila dahil anjan naman na sila. Um-order naman na sila at ako na lang ang hindi pa nakaka order.
"1 spaghetti,2 slice of pizza,1 fries,1 ice cream and 1 Big Chuckie" nakaka nganga naman sa akin ang mga officer at ang waitress.
"Mauubos mo yun?!" pasigaw naman na tanong nila kaya naman na papikit ako. Sinamaan ko naman sila ng tingin.
"Sorry pero mauubos mo talaga yun?" tanong ulit nila. Tumango lang ako bilang sagot.
"Grabi saan kaya napupunta mga kinakain mo?" tanong naman ni selene.
" Ang takaw mo pero di ka naman tumataba at napapa natili mo yung maganda mong katawan" dagdag nya pa habang naka nguso. Nagkibit balikat na lang ako.
Di nagtagal ay dumating na rin ang mga pagkain.Habang kumakain napansin ko naman sa akin sila naka tingin.
"What?" tanong ko habang isinasaw-saw yung fries sa ice cream at isinubo.
"Anong lasa?" tanong naman nila kaya kumunot naman ang noo ko. Di pa yata sila nakatikim nito.
"Oo naman. Try nyo pero bumili kayo ng sarili nyo" sabi ko kaya naman bumili rin sila ng kamila pwera lang kay mitch. Sumubo naman sila
"Wow ang sarap pala nito!" sabi nila. Imismid naman si mitch.
" Yuck!ano namang ka abno--" di na nya naituloy ang sasabihin nya ng nilagyan ni jake yung bibig nya ng fries na isinawsaw sa ice cream.
Dahan-dahan naman nyang nginuya hanggang sa nagustuhan na din nya. Akmang kukuha sya kila jake pero inilayo agad nila.
"Akala ko ba ayaw mo?Tapos bumili ka ng sarili mong fries at ice cream" pang-aasar naman ni selene kaya naman napa simangot na lang sya.
Bumukas naman ang pinto at iniluwa si Raven,Russel at si sisiw.
Nagsimula na namang umingay sa canteen tsk. Nang magtama mga mata namin ay ngumiti agad sya ng malawak.
"Babe ko!" patakbo syang lumapit sa akin pero sinalubong sya ni mitch kaya naman napakunot ang noo ni sisiw habang si mitch naman kumapit sa braso nya.
" Bakit babe?" malanding saad ni mitch.
"Di ikaw ang babe ko" Tinanggal naman ni sisiw ang pagkaka-kapit ni mitch sa braso nya.
"Whoo Boom napahiya!assuming kasi haha" saad ni selene habang tumatawa na sinabayan rin ng mga studyanteng nakakita. Nakita ko namang lumabas si mitch.
"Babe ko!" Akmang yayakap naman sa akin si sisiw pero iniharang ko naman ang kamay ko sa muka nya.
"Babe naman eh" parang batang saad nya habang naka nguso.
"Kyah!ang sweet nila!"
"Huhuhu nagtaksil sa akin si Ezeckiel my loves"
"Kya!kya!pengeng wamport haha"
Binatukan naman ni raven si sisiw.
"Ulol walang sayo!akin lang si Chloe!" sabi naman ni raven.
"Akin sya!akin!akin!akin!gets mo?!" habang sinasabi ni sisiw yung 'akin!akin!akin!' Inilalapit nya ang muka nya kay raven tas yung bandang 'gets mo!' isinigaw nya sa tenga ni raven. binatukan naman sya ni raven.
"Di mo kailangan manigaw!" sigaw naman sa kanya ni raven.
"eh bakit moko sinisigawan?!" sigaw rin pabalik ni sisiw.
"Ano papalag ka?" maangas naman na sabi ni raven at itinaas ang manggas ng tshirt nya at humakbang ng dalawang beses na katulad sa ginagawa ng mga sumo wrestler.
"Hiyah!Payt me !payt me!" saad naman ni sisiw habang nakataas ang paa at nakataas ang kamay habang ang isa naman nyang kamay ay naghahamon na parang sa mga karate na napapanood ko kay jackie chan. Tsk mga baliw talaga.
Bago naman sila mag kalapit ay nahila agad sila sa kwelyo ni Russel at ginuyod papalapit sa kanya. Wala naman silang magawa dahil mas matangkad si Russel sa kanila haha.
"Sorry sa abala" paumanhin naman nya kaya tinanguan naman namin sya.
"Tsk Bakit ba sila pa naging kaibigan ko?" narinig ko pang bulong ni Russel pero narinig ko.
Ginuyod na nya yung dalawa nakanguso. Narinig pa namin silang nag sisisihang dalawa.
"Ang cute naman nila!" sabi ni selene.
" No. Hindi sila cute kasi mga abnormal sila" naka simangot na sabi ni elliot.
"Aysus!selos lang to sa dalawang yun haha" pang aasar naman nila na mas lalong ikina simangot nya. Tapos naman na kami kumain kaya naman naghiwalay-hiwalay na kami..
