Chloe
NAG-MULAT ako ng mga mata at umupo.
"Ouch ang sakit ng ulo ko"
Napahawak ako sa ulo ko. May hangover pa ata ako medyo naparami kasi ako ng ininom habang nag kwekwento ako kagabi.
Tumingin naman ako sa wall clock na barney na ni regalo pa sa akin ni jay. 5:00 Am pa pala.
Sobrang aga ko naman nagising. Tumayo ako at bumaba. Dumiretsyo ako sa kusina para kumuha ng malamig na maiinom.
Binuksan ko yung ref at naghanap ng pwedeng inomin. Nakakita naman ako ng Fresh milk kaya kinuha ko yun at nag salin sa baso.
Umakyat ako ulit dala-dala ang gatas. Binusan ko naman ang facebook ko dahil di ko na nabubuksan baka amagin na. Whoah!
968 friend request
103 message
856 notification
Tinignan ko naman ang friend request. May apat na naka kuha ng atensyon ko.
Ezekiel louise Wayne
Confirm | Delete
Poging Raven Imperial
Confirm | Delete
Russel Drake Favager
Confirm | Delete
Kean Zachari Clifford
Confirm | Delete
So ezekiel louise pala pangalan nong baliw na yun tsk. Pinindot ko naman ang confirm. Pumunta naman ako sa message.
Puro papuri at mga lalaki lang naman at di naman importante kaya di ko na lang din binasa. Pumunta naman akong notification.
Ezeckiel louise wayne uploaded photo with you. Dali dali ko namang binuksan.
Tumambad sa akin ang picture namin sa mall habang naka yakap ako sa barney at sya naman ay nasa harap ng camera. Tinignan ko naman ang comment.
'Omg!Magkakilala sila ?!'
'Bagay sila ni Ms.President Hart Hart'
'Whaa!nakaka inggit naman si girl'
'Bitch! Ang landi mo rin pala'
Yan ang mga nag comment at marami pang iba pero ang pinaka huli kong binasa ay galing kay mitch. Remember yung babaeng tinapunan ako ng spaghetti na nasapak ko.
Nag out na ako at napag desisyonan kong mag jogging. Nagsuot naman ako ng short at sports bra at black na adidas. Pinusod ko rin ang buhok ko at kumuha ng pamunas at tubig siguradong mauhaw ako sa daan.
Lumabas na ako at sinimulang mag jogging dito sa subdivission. Marami ding akong nakikitang nag jojogging katulad ko na napapatingin sa akin.
May humarang naman sa akin na lalaking singkit,pointed nose,mapupulang labi,makapal ang kilay at naka jogging attire rin sya.
"Uhm miss what's your name" Nahihiya nyang saad at nag blush pa. God he is so cute!
" Chloe madrigal" Nginitian ko naman sya kaya pati tenga nya namula haha.
"I'm Jules Collin" Habang nakangiti.
"Pwede bang sumabay sayo mag jogging?kung pwede lang naman" nahihiya nyang saad.
Bago pa ako maka sagot ay may nag salita sa likod ko.
"No,Hindi pwede dahil kasama nya ako" Hinapit naman nya ang bewang ko at hinalikan ako sa noo .