Chloe
Kring~kring~kring
INIS ko namang ibinalibag yung maingay na bagay na iyon. Taena sino na naman naglagay ng panibagong alarm clock? May narinig naman ako na nagpipigil ng tawa pero di ko na lang pinansin dahil alam ko naman na kung sino yun. Sino pa nga ba ang sumisira ng araw ko tuwing umaga?
"GOOD MORNING MAHAL KONG KAPATID GISING NA!!!" napa balikwas naman ako at tumingin sa kanya ng masama habang sya naman ay naka ngiti ng malawak habang may hawak na dalawang takip ng kaldero na ginamit nya para sa pagiingay.
"KLEO HADEN MADRIGAL!!" kumaripas naman sya ng takbo dahil alam nya na galit na talaga ako dahil binanggit ko na ang second name nya.
"SORRY NA KAPATID!!" pahabol nya pa.
"kahit kailan talaga!" I groaned
" lord bakit binigyan nyo ko ng abnormal na kapatid?" habang naka tingin sa kisame. Nang matapos ako sa pag mumuni-muni ay naligo na ako.
bumaba na ako at dinatnan si kleo na nag aalmusal.
"Good morning kapatid! Sorry na" habang naka nguso. Sarap talaga hampasin ng tubo tsk.
"Where's mom and dad?"i ask while putting a food to my plate..
"umalis sila ng maaga may aasikasuhin lang daw sila" he said while munching.
Kahit kailan talaga walang table manners. Tumango na lang ako at tahimik na kumain.
Di na ata natiis ni kleo ang katahimikan kaya nag salita sya.
"Sorry na princess, please?" he said while doing a puppy eyes tsk!
"Tsk okay" tapos na ako kumain kaya kinuha ko na bag ko.
" Got to go,bye"
"Di ka sasabay sakin princess?" nilingon ko naman sya .
"hindi na. Mag tataxi na lang ako tsk" lumabas na ako at pumara ng taxi.
"saan po tayo mam?" tanong ng driver. " Madrigal University"
Yes. Sa amin ang school pero si tanda ang nag ma-manage, sabi nila mom and dad dapat daw ako ang mag manage pero tinanggihan ko.
"Andito na tayo mam.ang na kunsumo ay 250 po" Inilabas ko naman yung wallet ko at dumukot ng 500.
"Ito manong yung sukli pang kape nyo na lang po" tapos lumabas na ako ng taxi. Narinig ko naman syang nag pasalamat at tinanguan ko na lang.
"Good morning Ms.President!" bati naman ng mga studyante. Isang tipid na ngiti lang ang naisagot ko sa kanila.
Nag lalakad ako nang may bumunggo sa akin na muntik ko ng ikinatumba. Binigyan ko naman sya ng malamig na tingin.
"Tumingin ka sa dinadaanan mo"
"Whoaa! Ang sunget tol" sabi naman ng kulay red ang buhok tsk. Mukang playboy.
" Shut up!" sabi naman ng lalaking naka headset. Halatang silent type sya. Don't get me wrong,sadyang observable lang akong tao at hindi ako judgemental.
Aalis na sana ako kaso hinawakan ako ng lalaking blonde sa kamay.
" Hindi pa tayo tapos" naka ngisi nyang sabi. Umismid lang ako sa sinabi nya at tinangal ang pagkaka hawak nya.
Dumiretsyo naman na ako sa room at umidlip dahil kulang ako sa tulog tutal wala pa namang teacher.
"Good morning Ma'am Lomandas" andyan na si mam kaya naman tumunghay ako.
Tumingin naman ako sa gilid ko at muntik na akong mahulog sa kina-uupuan ko dahil katabi ko pala yung playboy.
Nakatingin pa rin sya sa akin habang naka ngiti. Isa lang masasabi ko, Creepy.
"Hi! Im raven the pogi" saad nya at nag pogi sign tsk.
"Not interested" Tumingin na lang ako sa harap at di na lang sya pinansin.
Poke poke poke
sinusundot naman nya ang pisnge ko. Inis na lumingon ako sa kanya habang sya naman ay naka pout na mukang nag papa cute tsk.
Bumungisngis naman sya. "Hi again! I'm raven and you are?"
Kring~kring
save by the bell!Kaya naman sinukbit ko agad ang bag ko at lumabas.
"Hey Miss Sunget!what's your name?!" narinig ko pang sigaw nya. Binilisan ko na ang paglalakad at dumiretsyo sa hideout.
Pagbukas ko ng pinto wala akong nadatnan. Nagutom naman ako kaya pumunta ako sa kitchen.
"Argg! Di pa pala kami nakaka pag grocery bwesit!!" kaya naman lumabas ako. No choice,kaya naman sa canteen bagsak ko nito.
Pag bukas ko ng pinto nasa akin lahat ng atensyon nila.
"Whooa!Ngayon lang si Ms.President pumunta dito!!"
"Shitt! Pre ang ganda talaga ni Ms.President"
"Why so perfect Ms.President huhu!!mas maganda pa sya sa akin"
"Im gonna make her mine dude"
"Asa ka naman!eh hindi naman yan namamansin pwera lang dun sa dalawa at kapatid nya"
Di ko na lang sila pinansin at pumila na lang.
"Nababagay lang sayo yan bitch!attention seeker" naka ngising sabi ni mitch. Mitch the bully bitch.
"My god!Ms.President" Gulat na sabi ng mga studyante at akmang pupunasan ang damit ko na natapunan ng spaghetti.
"No. Im okay" at nilingon ko naman si mitch.
"Tsk lunatic bitch" naka ngisi kong saad. Namula naman sya sa inis.
"How dare you?!" sasampalin nya na sana ako pero inunahan ko na sya. Napalakas yata kaya naman na himatay sya. Lahat ay gulat na gulat sa nangyari.
"tsk!Dalhin nyo na yan sa clinic" sabi ko sa mga alipores nya na shock pa rin hanggang ngayon.
"Dadalhin nyo ba siya o guguyudin ko na lang siya papuntang clinic o baka naman gusto niyo matulad sa kanya?" nakataas kilay kong tanong sa kanila.
Natakot naman sila kaya naman dali dali nilang inalalayan si mitch. Kinuha ko na lang yung order ko at dumiretsyo sa garden.
Umupo ako sa ilalim ng puno at sumubo ng tatlong fries pero nabilaukan naman ako kaya naman ubo ako ng ubo.
"tsk Ang takaw kasi" Tumingala naman ako at nakita yung lalaking naka headset kanina. Bumaba naman sya at kumuha rin ng fries!
"akin 'to, bumili ka ng sayo" sabi ko habang pino-protektahan ang mga pagkain ko.
"tsk eh gutom na ako tsaka pang tatlong tao ito. di mo naman to mauubos" at kumuha ng pizza.
"Ngayon lang to" and take a sip to my shake. Tahimik naman kaming kumakain ng sumipsip rin sya sa shake ko kaya nanlaki naman ang mata kong nakatingin sa kanya.
"What?dont tell me na niniwala ka sa indirect kiss?" nang-aasar nyang sabi.
"tsk h-hindi" Thats a fucking big lie.
Nagiwas naman ako ng tingin habang sya naman ay natatawa. Kaya naman sinamaan ko sya ng tingin pero di pa rin sya tumitigil sa kakatawa kaya naman binatukan ko sya..
"aray naman!ang bigat ng kamay mo!" habang hinihimas ang ulo..
"Tsk jan ka na nga" saad ko at tinalikuran ko na sya bago pa ako makaalis ay may sinabi sya..
"Thanks for the food. By the way im Russel" di ko na sya nilingon. So russel pala pangalan nya.
