Life is something abstract, something intangible. It's something one can't explain with facts and science. People can come up with many words to describe it and yet it still isn't concrete enough.
Birth, the first stage of life; death, its last. Sa araw na may isinisilang, somewhere out there ay hinahatid sa huling hantungan. May mga nagsasaya, mayroon namang nagluluksa. Life is unique that way – experiences vary from one person to another.
Life and Death. One is born, one dies. People tell it's something about balance.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Mahigit apat na oras na akong naghihintay sa labas ng delivery room. Nakaupo ako sa isang mahabang bench. Hindi ko naman alam na ganito pala katagal ang paghintay dito. Pilit ko ininda ang gutom, pagod at puyat sa pagbabakasakaling ako ang unang makaalam ng mangyayari pagkalabas ng doktor.
"Mrs. Flores' relatives?"
I instantly stood upon hearing a female voice. I looked over the delivery room's door to see a woman probably on her 50's still wearing her scrubs, a sign that she just finished doing her job.
"Yes, doc?" Mabilis kong sagot. I walked over to her with wide eyes. Magkahalong kaba at pagkasabik ang aking nararamdaman.
"Congratulations! She gave birth to a healthy baby girl!" The doctor beamed.
Nakahinga ako ng maluwag. She's fine. They're fine.
Marahan akong tumango bago buksan ang pinto ng ER. Hindi ako pumasok. Sinilip ko lamang kung anong kalagayan nila mama. I saw how her eyes tear up while holding the baby. Even from afar, I can see my mother's emotions, a mixture of happiness and relief. It must have hurt a lot to have a normal delivery. She's beaming and crying at the same time.
Tears of joy. I wonder what kind of tears she had when I was born.
Di ko namalayang may luha nang tumulo mula sa mga mata ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko gayong may kapatid na ako. 18 years. I have waited 18 years just to have a sister. Malayo ang agwat namin. Magkakasundo pa kaya kami kapag lumaki na siya at matanda na ako?
"Zy," dinig kong tawag sa akin ni Papa. Humihingal ito galing sa pagtakbo. Nagmadali siyang i-park ang kotse dahil bumili pa siya ng mga kakailanganin ni mama pagkapanganak, at binalikan ang iilang mga gamit sa bahay. Nanatili lamang ang tingin ko kay mama at sa kapatid ko.
"Hmm?"
"How's your mom?" Tanong niya bago sumilip sa pinto kung saan ako nakatingin. Hindi ako agad sumagot. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko siya marinig na nagpakawala ng buntong hininga.
"Thank God they're okay."
"They're good. She's really brave." I almost whispered. Hindi ko alam kung narinig ito ni papa o hindi pero hindi na ito nagsalita pa kaya lumingon ako sa kanya at nakita ko kung paano siya ngumiti.
Nakita ko kung paano linisan ng mga nurse ang kapatid ko. Dinig ko mula sa labas ng silid ang kanyang maliit na iyak. Makalipas ang halos tatlompung minuto ay inilipat na si mama sa isang pribadong kwarto para makapagpahinga ng maayos.
Pagpasok namin sa kwarto ay inabutan naming tulog si mama. Malamang ay pagod ito sa panganganak. Ilang oras rin ang labor niya. Siguradong kakailanganin niya ng mahabang tulog.
BINABASA MO ANG
When Death Fell In Love With Life
General FictionZy believes everything happens for a reason, but Dylan believes that living shouldn't be wasted in looking for reasons to go on. (Chapter 3 onwards are undergoing revision) Cover by snowysnoe Highest rank: #139 in Teen Fiction, #11 in newlove