11

1.9K 100 25
                                    

Wasted lunch and sulkiness




Pumasok ako sa clinic para kumustahin sana si Dylan pero hindi ko siya nakita. Bakit wala siya dito? Hindi naman makakalakad ng maayos 'yon!

Nag aalala akong mabilis na pumunta sa table ng school nurse para tanungin siya kung nasaan si Dylan.

"Ah 'yong matangkad na gwapo?" Ngumiti ang nurse.

"Errmm.." Hindi ko alam isasagot ko. Gwapo? Sasabihin ko bang oo? Gwapo pero siraulo?

Hindi ako makapaniwalang halos lumiwanag ang mukha ng nurse nang banggitin niya ang pangalan ni Dylan galing sa record book niya. Matamis siyang ngumiti pero hindi nakatingin sa akin. This is gross. How old is she, 25? 27? 18 palang kami ni Dylan! Don't tell me may pagnanasa siya sa mas bata sa kanya?

I rolled my eyes and the nurse noticed. Agad siyang tumikhim at muling ibinuklat ang record book niya para tingnan ang oras ng pag alis ni Dylan.

"Kanina pa siya nakaalis." Mas mahinahon ang boses niya ngayon.

"Wala ba siyang sinabi kung saan siya pupunta? Uuwi na raw ba siya?" Tanong ko na may halong irita. Pag may nangyaring masama sa pilay na 'yon, kasalanan mong maharot ka.

Malamang ay madaling napaikot ni Dylan 'to. Isang sabi pa lang siguro niya ay tumiklop na agad 'tong nurse namin.

Huminga ng malalim ang nurse. "Wala siyang sinabi. Oo nga, ano? Dapat tinanong ko siya. Nawala na kasi sa isip ko, e.. Eh kasi naman–" Tumigil siyang bigla sa sasabihin niya kaya napataas ako ng kilay. She cleared her throat before continuing. "Kasi naman.. busy ako. Nawala sa isip ko."

Kung may itataas pa ang kilay ko ay baka mas tumaas pa ito. Umirap na lamang ako. Sabi ko na nga ba. Tumiklop 'to kay Dylan. Isa din 'yong siraulong 'yon. Humanda siya sakin.

Hindi ko na siya sinagot at agad binuksan ang pinto ng clinic para hanapin si Dylan. Saan na naman kaya 'yon pumunta? Naiinis na ako. Sinayang ko ang oras ko para lang bilhan siya ng pagkain at puntahan siya dito when I should have went with Harry and Allyssa instead! Nakakairita pa 'yong nurse na hindi makausap nang matino!

Saktong pagkalabas ko ng clinic, agad kong nasalubong ang natatarantang mga mata niya. Halatang nagmadali kahit iika-ika maglakad. Pawisan ito at may bitbit na paperbag na halatang pagkain ang lamang.

Agad na uminit ang ulo ko at nagbabadya nang lumabas ang mga luha ko. Hindi ako iiyak. Hindi pa ako umiyak dahil lang sa mababaw na dahilan.

Pero di ko alam! Bakit ako nagagalit? Eh nagsayang lang naman ako ng oras. Edi sana kausap ko na ngayon ang mga dati kong kaibigan. Who knows? Baka naayos ko na ang pagsasama namin ngayon. Nakakapanghinayang iyon. Pero ito ako, nagmadali at nag alala sa kanya.

Malinaw na sinabi ko sakanya na magpahinga nalang siya ngayong araw dito sa clinic! Sinabi kong wag siyang aalis dito. Bakit ba hindi siya marunong makinig?

"Zy.." Hingal niyang sabi. "K–kumain ka na ba?" Humugot siya ng hangin bago dahan-dahang lumapit sa akin.

It was a wrong move. Dapat di siya lumapit sa akin.

"Ow!"

Agad ko siyang sinuntok sa braso niya. "San ka ba galing?! Di ba sabi ko sayo wag kang aalis dito?!" Sabay turo ko sa pinto ng clinic.

Dalawa lang ang tanong ko sa kanya pero parang marami na akong sinabi dahil tulad niya, hinihingal na rin ako sa galit ko.

"Bumili lang ako ng pagkain.." He explained. Lalo lang ako nainis.

When Death Fell In Love With LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon