16

1.7K 93 15
                                    

Emotionless


Kaninang umaga, pagmulat ng mga mata ko ay nakangiti ako agad.

Pero sa muling pagmulat ko ngayon, natakot agad ako. Puting kisame ang bumungad sa akin. Hindi ito ang kwarto ko.

Agad akong napabangon. "Ah!" Daing ko dahil sa biglaang pagsakit ng ulo ko.

"Dahan-dahan kasi." Lumingon ako sa gawi ng nagsalita. His arms are crossed and he's leaning against the wall on my right. Madilim ang aura niya ngayon, tulad kahapon. Ito na naman siya.

Umirap ako kahit masakit ang ulo ko. "Sungit mo na naman ngayon."

Muntik ko nang makalimutan kung anong nangyari kanina. It all flashed back in my mind. Ah, oo nga pala. I walked out after my outburst.

Alam kong kahit hindi ako pilitin ng mga magulang ko, sa ospital pa rin ang bagsak ko at titigil na ako sa pagpasok sa school. Hindi ko maiiwasan ang mangyayari. Hindi ako pwedeng umilag. Kung gusto kong gumaling, kailangan ng iilang sakripisyo.

"You're not going nuts, are you?" Tanong ng kasama ko sa loob ng kwarto.

"Where are my parents?" Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Outside talking to the doctor." Mabilis niyang sagot. "Now tell me, what were you thinking?"

Umiling ako. Masakit ang ulo ko at ayokong pag-usapan ang nangyari kanina sa kalsada. Hindi ko alam kung paano ako inabutan ni Dylan. Baka simula palang nang umalis ako sa bahay ay sinusundan niya ako o baka mabilis lang talaga siyang tumakbo at inabutan ako.

Alam kong nababaliw na ako dahil sa mga nangyayari sa akin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong isasagot kay Dylan. Ano bang dapat kong sabihin? Na oo, nababaliw na ako at uunahan ko ang sakit ko sa pagpatay sa akin. Gano'n ba?

It dawned on me: I don't want to die of cancer. I don't want to die slowly. Death is inevitable, yes. But I won't let cancer kill me. I might as well kill myself before cancer does.

Naalala ko noong hindi pa kami gaanong malapit ni Dylan. He scolded me for not telling him I wasn't feeling well. Siya rin ang sumalo sa akin nang himatayin ako no'n. Pagkagising ko, pinagalitan niya ako dahil hindi ko sinabing may sakit ako at pinilit ko pa ring pumasok kahit nanghihina na ako.

Ngayon, siya ulit ang sumalo sa akin. At siya agad ang bumungad sa pagmulat ng mata ko.

Even though I woke up feeling dizzy in a hospital room, it still feels nice to wake up to that face. Gusto kong matawa dahil sa itsura niya ngayon. Halatang galit. Malayo sa palatawang Dylan na kilala ng lahat.

"Zyra!" He shouted in a frustrated tone. "Bakit? Bakit mo ginawa 'yon?" Mahina ngunit madiin niyang tanong sa 'kin.

Lahat ng pagod at lungkot, sabay-sabay na bumagsak sa akin.

Saka lang bumigat ang pakiramdam ko at parang gusto ko nalang ilabas lahat ng naipong emosyon sa loob ko. Tears started to roll down my cheeks and I started sobbing. Tinakpan ko ng mga palad ko ang aking mukha. Ayokong makita niya na umiiyak ako. I tried to be as quiet as possible. Hindi ako humagulhol.

Maya-maya'y naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Dylan sa balikat ko kasabay ng kanyang buntong hininga.

Nanginginig ang buong katawan ko. Ilang segundo ang lumipas at naramdaman kong mas lumapit si Dylan para yakapin ako. He enveloped me in a warm tight hug. It somehow made me feel better, but a single hug can't take all the pain away.

Maraming pumapasok sa isip ko. My thoughts are flooded with 'what ifs'. Anong gagawin ko kapag hindi na ako pumpasok sa school? What if I don't recover? What if I don't get the chance to go back to school? What if I die during the process of my therapies? What if... What if I kill myself first before cancer does? What if I don't die of cancer?

When Death Fell In Love With LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon