7

2.4K 129 27
                                    

Rumors

I kind of knew people were talking about me behind my back.

I overheard people talking about me being close to Dylan. I didn't mind. Ganoon talaga ang mga tao. Marami silang nasasabi tungkol sa mga bagay na hindi naman nila alam. Hindi kasi sapat iyong nakikita lang ng mga mata mo ang nangyayari. There's always a story behind every scene.

It wasn't that bad, though. Simpleng tsismis lang. Nagtataka lang ang lahat kung bakit ganoon kami kabilis magkasundo ni Dylan. Some say we're childhood friends, some say Dylan intentionally transferred to this school para lang sa akin...while some say na simpleng malandi lang daw talaga ako.

I'm not affected by the rumors. Honestly, I tried not to laugh when I heard about it from one of my classmates. Hindi ko alam kung sinong nagpapakalat nito, pero wala na akong pakialam. Una, hindi naman totoo ang lahat ng kumakalat. Pangalawa, only immature people spread rumors. Pangatlo, it's better than having mean girls beat the hell out of you.

"Balita ko girlfriend daw kita, ah?" Pagbibiro ng walanghiyang dahilan kung bakit may kumakalat na tsismis tungkol sa akin.

Kasalanan niya 'to. Hindi kasi siya nawala sa tabi ko. Laging nakadikit at nakasunod. Hindi naman ako hihimatayin sa daan.

Malakas ko siyang pinalo sa kanyang kaliwang braso.

"Lumayo ka kasi sa akin! You're being too overprotective. People are mistaking us for something we are not."

Tumawa naman siya ng napakalakas it was echoing all over the hallway. "Ano ka ba! Where's the fun in that? Mas okay nang mag assume sila para mapahiya sila kapag nalaman nila iyong totoo."

Agad akong huminto sa paglalakad. Ang totoo?

I smirked with bitterness. "Ang totoo..na may sakit ako kaya nandyan ka para umalalay?"

He's about to say something. Umawang ang bibig niya pero agad niya rin itong sinara.

"It's okay, Dylan." I said, "Okay lang ako."

He sighed and held my hand. "Tara na."

And together, we walked in the empty hallway. With no people whispering around and no one to see how close we are.

Mabilis na sumikat si Dylan sa school. Eh paano ba naman kasi, maliban sa may itsura siya ay madali rin siyang nagkakaroon ng kaibigan. Everybody's so fond of him.

As for me, hindi ako ganoon kasikat sa school. Kilala ako ng marami dahil class secretary ako ng highest section dito, pero wala ng ibang dahilan kung di iyon lang.

Bago pa kami lumiko sa kaliwang hallway patungo sa classroom namin, kinalas ko na ang aking kamay sa pagkakahawak ni Dylan. Baka kung ano na naman ang masabi ng iba. Hindi nga ako naaapektuhan ng mga tsismis, pero hindi ko naman hahayaang magpatuloy sila sa mga pinaniniwalaan nilang hindi naman totoo. The best way to do is to prove everyone wrong.

Nauna akong pumasok sa room saka sumunod si Dylan. My classmates aren't the type of people who would talk and whisper things about you while you're around. Saka ka lang nila pag uusapan kapag wala ka na. Kaya naman nang pumasok kami, wala akong ibang narinig. Tanging mga titig lang nila ang naramdaman ko.

"Okay I know it's been a few months since class started but I guess it's not too late to do this..." Panimula ng aming guro.

"We're going to have a seating arrangement." Everyone started groaning.

I wanted to disagree. Gusto ko ang pwesto ko rito sa may bintana. Gusto kong nakikita ang mga taong dumadaan sa labas, ang mga halaman at mga puno na pinapahid ng hangin. Payapa at maaliwalas sa paningin.

But it wasn't actually the only reason. Kilala ko na kung sinong makakatabi ko. I'm the class secretary, may classlist ako at magkasunod ang mga pangalan namin ni Dylan.

I mentally rolled my eyes. This day is not good.

"Let's start! Angeles, dito ka sa first seat. Next to you is Arches, Audrano...."

Tumayo kaming lahat at nag antay matawag ang mga pangalan namin para sa bagong upuan na ibibigay sa 'min.

And just as what I expected, "Fierro and Flores. Doon kayo sa may bintana."

I almost jumped out of glee. Doon parin ako sa pwesto ko sa may binatana! At least this day wasn't as bad as I thought.

Iyon nga lang. Nagsimula nang tumingin ng may kahulugan ang mga kaklase ko. May ibang ngumisi at may iba namang nanukso. Ang iba... nagtaray.

Mahina akong siniko ng aking bagong katabi at nang-aasar na tinaas baba ang kanyang mga kilay. "Swerte mo naman, miss. Gwapo ng katabi mo."

I tried to suppress my smile by rolling my eyes. Siraulo.

-----
Sorry if it's too short! Babawi ako sa next chapters. Promise.

Did not proofread this. Basta ko lang sinulat sorry 😔

Dedicated to emblaxx2

Wanna ask me questions? Tweet me up! My username's anonymousrosewp.

When Death Fell In Love With LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon