15

1.9K 88 8
                                    

I prefer accidents than cancer






Pagbukas pa lamang ng mga mata ko kinaumagahan ay nauna pang kumurba ang gilid ng aking labi. Hindi maitago ang saya sa akin. Kahapon, nagkaayos na kaming tatlo. Hindi ko inasahang magiging ganoon kadali ang pakikipag-usap sa kanila. Tinanggap nila akong muli.

I'm beyond happy. If there is such, I'm extremely beyond more that.

Maaga akong nagising. Paglingon ko sa orasan ko ay 4:30 pa lamang ng umaga. Masyado pang maaga.

So I decided to take a jog. Mamaya pa naman ang gising ng maids para magluto ng almusal. Kaya lalabas muna ako sandali.

Nagsuot ako ng maluwag na white shirt at shorts saka ko sinuot ang running shoes ko. I plugged my earphones and I'm ready to go. Okay lang naman daw ang mag exercise sabi ng doctor ko. Wag lang daw ako gaanong magpagod. Maybe a 10-minute jog would do.

Bago umalis ay napadaan ako sa salamin ng kwarto ko. Kahit sa maluwag na t-shirt lang, kitang kita ang laki ng pagbabago sa katawan ko. Halatang nabawasan ako ng timbang. Hindi naman ako ganoon kapayat noon, hindi rin mataba. Pero hindi ko inaasahang papayat ako ng ganito. Hindi pa naman malala tingnan, pero kung ikukumpara sa katawan ko dati ay malaki na ang pinagbago.

Pansin ko rin ang madalas kong pamumutla. Hindi naman ako mahilig maglagay noon ng make up pero napapadalas na ang paglagay ko nito para matakpan ang pamumutla ko.

Paunti-unti na akong kinakain ng sakit ko. Nakakatakot. Wala akong ibang magawa kung 'di ang maghintay. Maghintay na gagaling ako. Umaasa, nagbabakasakali na isa ako sa maswerteng malulunasan.

I shrugged at myself and walked outside my bedroom door.

Surprisingly, I don't feel anything strange today. Tuwing umaga kasi ay nahihilo ako. Ngayon, hindi masama ang pakiramdam ko. Maayos ang paghinga ko at hindi ako nahihilo o nasusuka.

"Good morning." Bati ng isang malalim na boses nang makalabas ako ng gate.

Lumingon ako sa aking kaliwa kung saan nanggaling ang boses. Kahit hindi ko siya lingunin ay kilala ko na agad siya. Kaya naman ay ngiti agad ang binungad ko sa kanya.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Ang aga pa!"

He shrugged. "Jogging."

Gusto kong tumawa dahil sa sinabi niya. His condo is a bit far from our house. Nakapagtatakang hanggang dito ay aabot siya para lang mag jog.

"Liar." I said and stuck my tongue out.

He laughed.

Ito. Ito ang Dylan na kilala ko.

He was different yesterday. Hindi ko siya matanong kung anong problema niya. Pakiramdam ko ay may pinagdadaanan siya. Hindi kasi siya tumatawa kahapon. Madali siyang naiirita at parang napaka-sarkastiko niya kausap. Ewan ko ba, ibang iba talaga siya kahapon. Madilim masyado ang aura niya.

Kapag tumatawa si Dylan, magaan ang paligid. Mapapatawa ka nalang rin. Pero ang seryosong Dylan, kakaiba. Hindi siya nakakatakot, pero nakakahawa ang simangot niya. Sana hindi na maulit 'yon. Kailangan ko ang masiyahing si Dylan.

I crossed my arms. "Tell me. Bakit ka nandito?"

Ngumiti muna siya saka pumikit at humugot ng buntong hininga. "Seriously, Zy. I jog here every single day. Kapag Sunday lang hindi."

Nagulat ako sa sagot niya. He goes here everyday to jog? Ang layo!

"What? Bakit hindi ko alam? And why would you come here to jog? Marami namang malapit na lugar sa inyo ha?" Sunod sunod kong tanong.

When Death Fell In Love With LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon