II. Magic of Life

5.2K 250 42
                                    

In my 18 years of existence, nothing and no one made me doubt my beliefs. Lumaki akong matatag at ipinaglalaban ang paniniwala.

I believe in the magic of life. No, not the kind of magic where fairy tales exist. I believe life is something more. It's not just the oxygen we breathe, not just the ability to move and wake up every single day.

For me, it was something beyond that.

Life is magical. You know, the special moments. Magical like how the way birds sing in the morning. How the trees sway on a windy afternoon, the warm breeze with the setting sun. The little things. The big things. Small circumstances, big events. Life.... is everything. And yet I believe it's still beyond 'everything'. It's more precious and valuable than any gem. And I believe it shouldn't be wasted.

I enjoyed living despite the inconveniencies of being always sick. I was a happy girl back then. I made friends, loved someone, broke my heart, and still trusted life's flow and went along with it. I believed that everything happens for a reason, because that's just how life is – there's always a reason for every single thing. Sometimes, you just have to figure out those reasons. Other times, our brains are not capable of deciphering the reasons and we question things, but that's life – it's complicated and unique at the same time.


I believed, but then I started to question things. I started to doubt the magic of life.

Ano pa nga bang panghahawakan ko sa paniniwala ko, kung ang buhay na mismo ang mawawala sa akin?

Ano pa nga bang magpapatibay ng paniniwala ko sa buhay, kung mismong sarili kong kalagayan ay hindi matibay at paunti unti nang naglalagas?

Maybe I'll die never knowing, but now I find it unfair. Life's unique? In what way? I'm dying. There's nothing unique about my life, only that it's complicated.


Hindi ko alam kung paano ako nakauwi matapos kong malaman ang sakit ko. Noon kasi, wala pa kaming alam sa sitwasyon ko. Akala naming lahat masyado lang akong napapagod kaya umaabot sa puntong madalas ako mag-nosebleed, kaya naman hindi gaanong nag alala ang mga magulang ko. Alam nilang sakitin ako, madali akong dapuan ng mga sakit. Simpleng sakit lang tulad ng trangkaso, lagnat, at kung ano pa.

Hindi ko inasahang may mas ilalala pa ang lagay ko. Nagsimula 'to isang taon na ang nakalipas. I started getting bruises. Mas dumami nga lang ang mga ito noong nakaraang buwan, nagsimula na ring dumugo ang ilong ko. Pero ang nakapagpasugod lang sa amin sa ospital ay nang nagsimula narin akong magsuka ng dugo na ikinatakot nila mama.

At dahil alam nilang madalas akong magkasakit, nawala ang pangamba nila nang magpacheck up na ako. Hindi nila alam na maaaring humantong sa ganito ang sakit ko. I mean, who doesn't worry when someone throws up blood, right? Parents ko lang. Nakasanayan na kasi nilang may sakit ako.

Agad akong bumagsak sa kama pagpasok ko ng aking kwarto. Kasabay din nito ang mabilis na pagbagsak ng mga luha galing sa pagod kong mga mata.

When I was little, I imagined how I'd live until I grow old. I'll graduate and have a stable job, I'll marry the one I love at the age of 28, have kids at 30, have grandkids and die peacefully.

Pero lahat ng iyan ay hindi na mangyayari. Hindi na ako aasa. Ngayon pa na may sakit ako. Anong sasabihin nila mommy sakin? Anong gagawin nila? Ayokong makita silang iiyak. They just celebrated the birth of Zara.

Si Zara kaya? Paano kaya siya sa kanyang paglaki? Sana hindi rin siya sakitin tulad ko. Sana hindi siya matulad sa akin. I hope she's healthy when she grows up.

Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko nang marinig ko ang ingay ng tawag mula sa cellphone ko. Nang tingnan ko kung sinong tumatawag, agad kong pinatay ito at nagsimula nang ayusin ang kama para komportableng makatulog. Bukas ko na sasagutin ang mga tawag ng mga kaklase ko. Wala ako sa sarili pa kausapin sila ngayon. Marahil ay nagtataka sila kung bakit ako wala sa school ngayon pero sa susunod ko na ipapaliwanag ang lahat sa kanila.

As I fell asleep, I dreamed of living until 90.

~*~

Two days passed at nakauwi narin sila mama sa bahay. Nasa kwarto lang naman sila buong magdamag at dinadalhan lang namin siya ng pagkain. Kailangan niya ng pahinga dahil hindi biro ang panganganak.

I haven't told them about the results. Not yet. Hindi pa rin naman nagtetext si Doc Frank sa kanila para sa update tungkol sa akin kaya hindi ko muna binabanggit. Siguro kapag maayos si mama ay saka nalang. Sa ngayon, hahayaan ko munang maghilom si mama at mag ipon ng lakas.. physically and emotionally.

I can't help but feel guilty. Palagi ko nalang sila pinag aalala. Lahat na ata ng klase ng sakit sa ulo nabigay ko na. This is going to be the worst headache kapag nalaman nila.

Ilang araw narin akong nagkukulong sa kwarto ko. Ang tanging dinadahilan ko nalang ay masama ang pakiramdam ko. Pero ang totoo, hindi. Wala na akong maramdaman. Hindi ko nga maramdamang may sakit ako, e. Ang hirap paniwalaan dahil wala naman akong nararamdaman. Siguro sa mga susunod na araw, aatake nalang ito bigla at magsusuka na naman ako ng dugo.

The next day, I took the courage to go to school.

Pagpasok ko palang, may lumapit na agad para magtanong kung bakit ilang araw akong wala. Sinabi ko naman ang totoo na nanganak na si mama at sinuklian naman nila iyon ng mga ngiti at pagbati.

Sinubukan kong ngumiti pabalik pero alam kong halos ngiwi lang ang nagawa ko. Malamang ay magtataka na ang mga kaklase ko kapag nanatili akong tahimik kaya susubukan kong maging maayos ngayon. Hindi naman ako tulad ng iba na kilalang maingay at masiyahin sa school pero kilala ako dahil mahilig akong ngumiti at class secretary ako.

Kapansin pansin ang pagiging masaya ng klase nang makarating ako sa classroom. For a second, I wished I could smile like how they do. Pero alam kong di ko kaya.

Sa likod ng classroom kung nasaan ang tambayan ng mga maiingay ay may mga nakapalibot sa isang upuan. Mukhang may kinakausap sila doon. Malapit doon ang upuan ko kaya madadaanan ko sila.

Ah. May bago kaming kaklase at pinalibutan nila ito para kausapin. Madalas na gumagawa ng mga ganyang bagay ay ang officers ng klase. Inoorient namin ang bagong mga kaklase. Pero ngayon, mukhang di naman na nila kailangan ng tulong dahil dinaldal na siya ng mga kaklase namin at mukhang nagkakasundo na silang lahat.

Sinilip ko kung sinong pinalilibutan ng mga kaklase ko. Mabuti nga't tumabi pa ang isa para makita ko.

Nang makita ko kung sinong kausap nila, agad din siyang tumingin sa akin at ngumiti.

"Hi! Ikaw yung absent ng ilang araw na tinutukoy nila 'no? Yung secretary ng klase. Noong isang araw lang ako dumating dito at nabanggit ka nila" Pagbati na sa 'kin.

Ngumiti ako. "Yes, that's me. Anong pangalan mo?" Para maidagdag ko na siya sa class list ko at makapagcheck na ng attendance.

"Dylan," naglahad siya ng kamay, "Dylan Fierro."

I stretched my arm for a handshake, "Zyra Flores."

Tumagal ang titig niya sa 'kin bago magsalitang muli. "I hope we get along well, Zyra."

Sinuklian ko lamang siya ng ngiti at umupo na sa aking silya, isang pagitan mula sa kanya.

Habang sinusulat ang pangalan niya sa class list, dinig ko ang masayang usapan nila ng mga kaklase ko. Puno ng tawanan at masasayang kwento. Malakas ang boses ni Dylan. Dinig ng buong klase. His laugh ringing in my ears.

Napakamasiyahin niya namang tao. Parang sobrang saya niya sa buhay niya.

I sighed and silently wished I could laugh just the same. I just hope the magic of life would turn everything upside down.


~

When Death Fell In Love With LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon