Hi there. :) So, this is my first story that I will publish. I hope you will help me, as the story progresses, with your great and positive comments and suggestions. I hope you enjoy this story of mine.
Anyone or anything that maybe read here and is part of someone's life, it is completely unintentional and freaking cool.
Eto nanaman ako. Nag tatago sa bahay.
Maririnig mo sa labas ang iba’t ibang party songs. Thump thump thump. Lakas kaya ng sounds nila! Jusme, pano kaya ako di mag tatago sa ingay? I mean, pwede naman ako lumabas. It’s also my house, for heaven’s sake! Pero ayoko kasi ng ganitong social events eh. I’m not that kind of girl.
Bakit may party sa bahay namin? Si John Felipe Cruz lang naman ay nagpa-party rito. Si Joe. Joe. Joe.
Ang natatanging basketball player ng school namin, Santos High. Gwapo, matipuno, matangkad. All-in-one package ba kamo. Pero sa looks lang yun! Asa ka pa dun. Ultimate player yan. Di nag tatagal ang isang relationship nya. Ang pag kakaalam ko, a month lang ang pinakamatagal. So much for a gorgeous guy. Cliche pakinggan pero kasi, ganon talaga eh. :/
Epic no? Everyday ko nakikita; almusal, tanghalian at hapunan. Nakaka-sawa kaya makita na every day may panibagong babae na mukhang anino nya, laging sumusunod. Nakaka-suka kaya makita na every day may kahalikan sya sa corridors, sa mga classrooms at sa mga public places. Nakakahiya kaya makita na every day may sasalubong sa kanya na girl tapos mag kakasalubong kayo ng mata at ngingisian ka lang.
Knock knock. “Lei?” Si Mr. Lo, ang aming butler slash tatay-tatayan sa bahay. Tawag ko sa kanya Lo. Close kami eh, bat ba.
“What is it, Lo?” Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang tray ng pagkain! Wow!
“Ginawa ni Lala para sayo.” Nginitian nya ako; hay, ang bait bait talaga ni Lo! Sayang lang di ko sya tunay na daddy. “Your favorite, sopas na kasing init ng pagmamahal namin sayo!”
Ipinatong ni Lo ang pagkain sa table sa gitna ng room. Papaalis na ito nung lumingon ulit, “Pwede ka naman kasi bumaba, Lei. Di naman magagalit sayo si Joe.” Nagpaalam na ito at lumabas na ng kwarto.
Pagkasarado ng pinto ay kumain na ako ng hapunan. Pwede nga ako bumaba pero ayoko kasi… baka masira ko lang pangalan ni Joe sa school. Ayoko…
Pumunta ako sa rooftop garden para mag pahangin. Ang init kasi, summer kaya ngayon! Summer nga pero ayun, heto ako. Basing basa sa ulan~ lol. Kumanta ba naman! :)) jokes lang. Eh summer nga, nag kukulong naman ako. Ano kaya yun? Shunga lang ang peg?
“Joe… “ may tunog ng halik. “Joe… alis na tayo dito… Ah…”
O-kay. Maka-alis na. Nasira na ang mood ko ng pag rerelax sa garden. Anak ng patola naman!
“Joe, may tao… Uh..” Nag madali na akong bumaba papunta sa room ko. Ayokong malaman ni Joe na lumabas ako ng kwarto para istorbohin ang party nya.
Nga pala, di ko pa nasasabi. Mag kasama kami sa house kasi…uhm.. ganito kasi yun. Yung daddy ko at ang daddy ni Joe ay mag best friends nung college. They had their separate lives after college then yun, business ni papa nag-flourish nang husto. May businesses sya abroad at dun nya nakilala si Mommy. Si mommy ay isang European, Half Spanish, one-fourth French and one-fourth British. Ganda nya noh? Dyosa kamo. Oh di ayun, nagka-baby sila at ako yun. Leila Tomas. Then nagkita si daddy at yung best friend nya after a few years; may family na din yung best friend nya at si Joe yung anak nila. We were at each other’s throat nung bata kami; I despised him with all of my strength.
Going back to the story, nagkaron ng pact sina daddy at tito. Ito ay ang pag samahin ang businesses nila at bilang simbolo ng pagsasama ng mga company nila ay kami; Joe at ako. I know, it’s sort of absurd and weird pero they knew the moment that we, Joe and I, settled our eyes on each other… we were a match made in heaven. Match made in heaven! Yeah right.
So to make the story short, Joe and I are married. Civil wedding. The wedding happened during the summer before our third year in high school. I couldn’t say no, of course. I’m doing this for my mommy and daddy kahit sobrang ayoko. It made them happy seeing me married to someone they know from the tips of his toes to the strands of his hair. I was happy that they were happy. Yun lang yung nag tulak sakin para ituloy ang kasal. Si Joe? Gusto nya lang daw ako pag-tripan kaya nya itunuloy ang wedding.
“Lo, matutulog na po ako. Pakigising na lang po ako ng 8 am.” Sabi ko sa intercom.
“Sige Lei, good night. Sabihin ko na lang kay Lo na gisingin ka ng 8am…” Sagot naman ni Lala sa akin.
“Okay po, Lala. Goodnight din po!”
Humiga na ako para matulog, may klase pa ako ng 10am. Mahirap na umabsent, may major subject ako bukas.
Knock knock. “Lei, anak. Gising na!”
Minulat ko na yung mata ko. Hay, umaga nanaman… “Gising na po ako.”
Bumangon na ako at pumunta sa bathroom para maligo. Nagbihis na ako at nag-ayos.
“Lala! Si Lo po?” Umupo na ako sa breakfast bar, nakatalikod sa akin ngayon si Lala. Nagluluto ng almusal for sure.
“Alam mo naman, nag lilinis ng foyer. Andaming pumunta kagabi sa party ni Joe!” Hinain ni Lala ang French bread at cheese tapos ang sunny side-up na egg at may brown rice. May orange juice, water at isang bowl ng melon. Sarap!
Patuloy na nagkwento si Lala sa mga nangyari kagabi habang kumakain ako. I barely listened to what she was saying, bad ko pero wala talaga akong pakialam sa party kagabi.
“Thank you La, kumain na po ba si Joe? Or umalis na?” Napatigil si Lala sa pagsasalita.
“Gising na ako… at kakain na din po ako, Lala” Napalingon ako sa kanya, nakangiti sya. Buti naman at good mood ang pangit na toh.
“Good morning Lei,” sabi nito sakin. “Sabay ka sakin papuntang school?” tanong nito habang tinutusok ang prutas.
Uminom muna ako ng tubig at saka tumayo. “Nah, I’m alright. Two-seater lang car mo diba? Hatid mo na lang yung girl na natutulog sa room mo.” Kinuha ko ang nakasabit na leather jacket sa stool na inupuan ko at nag mano kay Lala. “La, alis na po ako! Thank you po sa breakfast!”
“Ingat sa pagda-drive, anak!” Di ko na narinig ang sinabi ni Joe nung tumalikod ako.
Lumabas ako ng main house at pumunta sa garage. Kinuha ko na ang susi ng car ko. White Hummer ito; regalo ni daddy at tito nung nag first anniversary kami ni Joe.
“Lei!” Si Joe. Ano problema nito ngayon?
“Ano?”
“Pano mo nalaman na may kasama ako sa kwarto?” Anong klaseng tanong yan? Di na kelangan ng tanungin yan!
“Uhm, medyo may party kasi kagabi at may 101 possibility na may kasama ka sa higaan kagabi…” Sagot ko na para bang ang tinanong nya ay kung may limang ulo ba ako.
Naka-upo na ako sa driver’s side nang tumungtong ito sa steps, “And how sure are you again, Mrs. Leila Tomas Cruz?” Ang sarap i-smash ng mukha nya! Nakayanan pang mag-smirk ng pangit na toh.
“101 percent positive but then I wasn’t sure if she was the same girl that I saw you with last night… Now, get off my car Mr. John Felipe Cruz. Your wife will be late for school,” tinaasan ko muna sya ng kilay at saka ito bumaba.
Bumusina muna ako bago umalis para ipaalam kina Lala at Lo na paalis na ako. Binuksan ng guard ang gate at nagtungo na ako sa school.
BINABASA MO ANG
What We Have
Teen Fiction"Lei?" Oh, si Joe. "Yeah?" Nakita kong pumasok ito ng kwarto habang nag lalagay ako ng mascara. "I heard you were going out..." Napatigil ako sa pag-aayos. Uhm... seryoso ba toh? Or nang titrip lang toh? At para bang narinig ako nito, "Hey, I'm not...