Chapter 4

15 0 0
                                    

“Darling, we’ll be going ahead too.” Hinug muna ako ng mahigpit nina Mommy and Daddy bago sila sumakay sa car at umalis na din.

“Uh, Lei. Iaakyat ko na itong mga pasalubong sayo nina Mama at Papa.” Tumingin ito sa sahig at saka pinulot ang mga paperbag ng mga pasalubong.

“Joe… Di wag na. Kaya ko na yan.” Kinuha ko sa kanya yung mga paper bag pero kinuha ulit ni Joe.

“Okay na, Lei. Ako na. Sige na. Akyat ka na, sina Lala na at Lo ang mag sasara ng mga pinto.” Tinulak ako pataas ng hagdan ni Joe at di na ako nag namatigas pa baka matisod pa ako.

“Lala, akyat na po kami.”

“Sige, good night na mga anak.” Ngumiti si Lala at saka hinila ni Lo. Sila Lala at Lo talaga… ang cute nila.

Pumasok na ako sa kwarto ko at sumunod si Joe para ipasok yung mga gamit.

“Paiwan na lang sa table. Sige, thank you. Good night.” Ibinaba nya at umalis na sa kwarto. Huminga ako ng malalim. Bakit ba laging nawawalan ng hangin ngayong araw!

Nag bihis na ako at humiga. Sobrang dami nangyari ngayon araw. Si Andrew, sina tita Eve at tito Ronald, si Joe…

Makakatulog na ako nang biglang may sumigaw at sabay nalaglag. Si Joe! Bumangon ako at tumakbo sa kawrto ni Joe. Hindi narinig nina Lala at Lo si Joe kaya ako na lang ang sumilip.

“Joe? Okay ka lang?” Walang sumagot.

“Joe? Si Lei toh. Okay ka lang?” Wala ulit sumagot. Iiwanan ko ba sya… or papasok ako?

Pumasok ako sa kwarto since wala naman sumasagot at nagulat ako sa itsura ni Joe. Umiiyak sa sahig habang ang higaan ay sobrang gulo, para bang nag pa-ikot-ikot ito sa higaan. Tumakbo ako sa tabi ni Joe at inalo ko ito.

“Sshhh… Joe. Andito na ako, si Lei. Okay lang yan…” hinaplos-haplos ko ang likod nito para tumigil na sa pag iyak.

After ilang minutes ay parang tumigil na ito sa pag-iyak. He looks so vulnerable, so fragile… Hinila ko na ito paakyat sa bed nito at hiniga sya. Kinumutan ko na ito at papaalis na dapat ako pero hinawakan nya kamay ko.

“Lei… please stay?” Yes or no? Yes. No.

“Okay…” Tumabi ako dito at humiga akong nakatalikod dito. Nagulat ako nang ipilupot nito ang mga kamay sa aking beywang at hilahin ako palapit sa kanya. He snuggled closer at ako naman ay di na naka galaw pa sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Patulog na ako nang bigla itong bumulong sa tenga ko…

“I love you, Leila…”

Ha- ano daw? What… di-

Nagising ako, ang sarap ng tulog ko. Nag-inat ako ng konti at biglang may gumalaw sa tabi ko. Nanlaki mata ko at napatingin ako sa katabi ko. OH MY GOSH MAY KATABI AKOOOOO!!!! Ay okay. Si Joe lang pala. OH MY GOSH SI JOE!!!!!!!!!!

“Lei, please… wag kang malikot… inaantok pa ako, babe.” Lalong humigpit yakap nito sa akin.

“Joe… kailangan ko na bumangon…” sinubukan kong tanggalin ang braso nito sa waist ko.

“Babe, wala kang pasok ngayon.” Pano nya nalaman yun!

“Joe, bitiw na habang maaga pa. Kung hindi matutuluyan ka na…” Nag mulat na ito ng mata at tumingin sa akin. Nginitian ako at sinabi, “Good morning, misis.” Anak ng patola ka!

Itinulak ko ito palayo at bumitaw na si Joe. Bumangon ako at kinuha ko ang robe ko sa sofa pero bago pa ako makalayo ay may bumuhat sa akin.

“Aaaahhh!” Inikot ako nito at hinalikan ang pisngi ko nang maibaba na ako.

“Di man lang makapag-good morning ang misis ko,” Sinimangutan ko ito habang sya naman ay naka-ngiti na. “Ang aga-aga naka-simangot na asawa ko!” Nanliit na mga mata nito sa pag ngiti.

“Bleh!” Nang belat muna ako at saka ako tumakbo palabas ng kwarto. Bago pa ako maka layo ay tumawa na ito. Sira ulo.

Habang nag tutuyo ako ng buhok ay biglang nag-ring ang phone ko. Caller ID: Anna

“OH MY GOSH LEILA TOMAS CRUZ!” Big news yan panigurado, ginamit nya buong pangalan ko eh.

“Ano? Ang aga- aga mo mang gulo Anna!”

“Eh kasi naman! May nabalitaan ako!” Naririnig ako ang kilig sa boses nya.

“Ano naman yun? Ano nanganak na daw si Santa Claus?”

“Tongak ka, Lei.”

“Oh dali, ano na nga yung kwento mo? Dami mo pang daldal eh!”

“Ano kasi! May bago daw tayong kaklase!”

“Oh ano ngayon? Di na makapag antay yang mga taba mo ikwento sakin ganon ba?”

“Tokwa ka Lei ha! HAHAHA you are so cray cray puh-leaseeee”

“Uy Anna!”

“Oh?”

“Shopping naman tayo oh, mag-cu-“

“OKAY! SEE YOU IN 20 MINUTES!” click.

Nako, pag dating talaga lagi sa shopping… ang bilis ni Anna. Ewan ko ba kung bakit! Di ko nga ma-enjoy- enjoy ang pag shoshopping eh! Jusme. Sayang lang sa pera, pare-parehas lang naman sinusuot yun!

Nag palit na ako into shorts and blue blouse plus yung brown boots from France na pasalubong ni Mommy. Bracelets. Body Bag. Little make-up. O-kidokes. I’m all good.

“Lei?” Oh, si Joe.

“Yeah?” Nakita kong pumasok ito ng kwarto habang nag lalagay ako ng mascara.

“I heard you were going out…” Napatigil ako sa pag-aayos. Uhm… seryoso ba toh? Or nang titrip lang toh? At para bang narinig ako nito, “Hey, I’m not joking. I want to come with you… wherever you’ll be going.” He smiled.

He smiled. As in smile! Hindi smirk or grin, smile. As in smile talaga. Oh gosh shit. I got it bad.

“Oh okay, sure. But it will be a whole day thing so… I’m warning you, kasama ko si Anna. It’s a crazy business,” Nag lagay na ako ng pabango. “I’m giving you an exit habang maaga pa…” Tinignan ko reacton nya sa three-way mirror ko, bakit di sya umaalis? Seryosong gusto nya talaga sumama?

“No, no…” Lumapit ito sa akin at hinug ako sa waist. “I really want to go out with you… well you know, “ Ihinarap ako nito sa kanya. Thump thump. Thump thump. “Well, I’ve been neglecting you. You are my wife and I haven’t been a good husband to you… so you know, maybe ito na yung chance ko na to make you happy. Make you feel like we are good together… kahit na,” Binaba nito ang tingin nya sa sahig. Ano kaya problema nito?

IM SORRY FOR NOT UPDATING :( Ngayon ngayon lang ulit dumating inspiration ko to update and write. SORRY ULIT :( anyway, will be posting 3 chapters tonight para naman di na kayo magalit. :( sorry and thank you for still reading and being one of my abangerz :( xx

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What We HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon