Chapter 3

20 0 0
                                    

“You’re… you are Leila… You’re Lei.”

“Uhm… yeah. I’m Lei.” Pano ako nito nakilala? “But how do you know me… or something?” huhu creepy luhhh :((

“UY! Di mo na ba ako makilala?” biglang nanlaki mata nito at ngumiti. Mood shift agad?

“Ha?”

“Popeye?” Oh my gosh! Tumayo ako bigla at hinug ito ng mahigpit.

“Oh my gosh, Popeye! Ikaw na toh?” Nilayo ko mukha ko dito at tinignan ito. Sabi ko na nga ba eh, he looks so familiar.

Si Popeye ay kababata ko. Nag-abroad sila and nawalan na kami ng contact after nun. Popeye nickname ko sa kanya kasi yun yung una naming show na pinag awayan.

“Di kaya masarap ang spinach! Di totoo yang sinasabi nyan!” isang bata ang sumigaw mula sa pinto. Yung anak pala ng kapitbahay namin.

“Masarap kaya! Lumalakas kaya lalo si Popeye dahil dun!” galit kong sinagot ang batang kumakalaban sakin nung oras na yun.

“Geh, magpahain ka ng spinach! Tignan natin!” Nagpahain nga ako kay Lala kinabukasan at tinawag ko ulit yung batang lalaki. Nasa may breakfast bar na kami nakaupo at tinitignan ang mangkok ng spinach.

“Sabi mo masarap diba, oh tikim na. Duga mo naman bata ka eh!” Sa inis ko ay sumubo ako ng isang handful ng spinach. Wala pang 5 segundo ay tumakbo na ako sa lababo para idura ang pesteng gulay.

“Sabi ko sayo eh! HAHAHA!” tumawa lang ito ng tumawa ang hanggang sa dumating si Lo at pinagtimpla na lang kami ng juice. Naglaro ako ng play station ko at sinabi kong maglaro na lang kami nun.

Yun ang unang beses kong nakilala si Popeye. Si Andrew Rodriguez.

“I didn’t know na you’ll be back here sa Philippines! You could’ve messaged me!” Umupo na kaming dalawa.

“I didn’t know na sobrang ganda mo na! I should’ve known na magiging sobrang ganda ka na after so many years! Di kita nakilala kanina!” Tumawa ito. Ang ganda ng tawa nya…

“Uy, ano na nangyari sayo? What happened to you sa road kanina? You could’ve been hit!”

“Sira ka, Lei!” galit na ang boses nito.

“Ano nanaman?”

“Nalaman ko lang kanina kina mama na kasal ka na pala.” Parehas na nanglugmok ang mga mukha namin.

“Ah… ganon ba? Ha. Ha. Eh…”

“Wag mo na i-explain, Leilei. Kinuwento na sakin ni mama at papa ang nangyari.”

“Ah ganon ba?... Hehe…”

“Pero wala akong pakialam sa kanya. Gusto ko mapa sa akin ka.”

Nasamid ako sa kape na iniinom ko. Tinitigan ko sya na parang naging dalawa na ang ulo nito. Hala ano daw?

“Ano kamo? Uhm, Popeye… Medyo mali ata yung gus-”

“Hindi Lei. Walang mali sa pag kakagusto ko sayo… antagal kitang hinanap pero nalaman ko na lang na kasal ka na.”

“Pero Drew, di ko pwede gawin yun kay Joe. Hindi ako stupid para mangaliwa kay Joe.”

What We HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon