Chapter 2

18 0 0
                                    

Technically, high school pa din lang ako pero kasi may grade 12 kami so ayun. Grade 12 na ako; I’m a senior sa Santos High. Ang classes namin ay naka focus na sa kukunin namin sa college kaya ang schedule namin ay naka depende sa mga time slot ng subject na kinukuha namin. Pero nag-advance na ako ng ibang classes and naisipan ko na ilagay na lang sa summer since wala naman ako masyadong ginagawa tuwing summer. Unlike others...

“Lei!” Bakit andaming tumatawag sakin ngayong araw…

“Anna!” Best friend ko nga pala, si Annalleide Peres. Isa sya sa mga nakaka alam na kasal nga kami ni Joe, naging one week stand din sya dati ni Joe bago kami naging best friends. Masakit nung una pero syempre, we both made it clear to each other what we both want from Joe. Anna wanted release and it was just that. No feelings attached. 

Sabay na kami nag punta sa class namin ni Anna; same course kasi kami ng kukunin ni Anna.

“Bakit di ka lumabas kagabi sa party?! Hinahanap kaya kita!”

“Ano naman gagawin ko dun? Itsurang toh? Mag papakita sa isang popular guy’s party? Niloloko mo ba ako Anna?”

Pinalo ako nito sa braso, “Aray naman! Problema mo ba? Makapalo ka naman! Ano ba yang nasa kamay mo, ang bigat!”

“Sira ulo ka talaga, Lei!” Tinawanan ako nito. Yung totoo, mukha na ba talaga akong katawa-tawa?

“Di nga Anna… Ano nga yun?”

“Sira ka, bat ka naman mag tatago sa party ng asawa mo?” Tumawa muna ito saka tumingin sakin ulit, “Ano ba problema mo at ayaw mo mag pakita sa party?”

At biglang nanlaki mata nito at saka ako niyugyog. “Anong katangahan yan ha, Anna? Problema ng buchi mo ha?!”

“OMG, don’t tell me buntis ka at di ka lumabas kasi baka malaglag?!”

Biglang nanahimik ang classroom. Oh God. Hinila ko palabas ng room si Anna at binatukan ko ito. Nag tawanan ng malakas lahat ng tao sa classroom.

“Sira ulo ka Anna!” At bigla itong tumawa. Anak ng tokwa itong si Anna! Doble kara lang ang peg? Magagalit tapos biglang tawang-tawa. Sira ulo kaibigan ko shocks.

“Malay ko ba kung may nangyare na sa inyo ni hubby Joe!”

“Sira ka, Anna. Bat ako papatulan nun? Di naman ako type nun.” Kibit balikat ko dito. Biglang may humawak sa bewang ko at hinalikan ako sa cheeks.

“Malay mo type nga kita,” bulong ni Joe sa tenga ko. Ugh grabe namannnnnnn…

Tinulak ko ito palayo at pumunta ako sa classroom. Tokwang patola naman! Ay jusme…

Di ko na narinig sinabi ni Joe, di ko na inantay ang sarcastic comments nito na alam kong di nya mapipigilang sabihin. Bakit ganito na lang turi nito sakin? Ako na lang kasi, sa pag karamihan, ang di pa nakaka-relasyon ni Joe. Well, mali sila. Ako ang asawa kaya… okay. Ayokong mang-away, wag na lang.

Tinabihan ako ni Anna at saka naniko. “Problema mo girl?”

“Wala, best.”

“Wag mong sabihin di ka ginaganyan ni Joe sa bahay nyo?”

Tinitigan ko ito ng mariin. “Sa paanong banda nya sa akin gagawin yun? Medyo kasi di ako type nung pangit na yun. Itsurang toh?” sabay turo sa sarili.

“Pag di ka nun nagustuan, bulag na yun. Ganda mo kaya, girl. Drop-dead-gorgeous ang label mo girl!”

Sa school kasi, tahimik ako. Books, glasses, and quiet. Di ako mahilig sa maraming tao kasi nakakasuffocate. I want my personal space. Others use you, sometimes they judge you with no basis. Yung iba lang, di naman lahat. I’m more of the one-on-one relationships. Naka-focus ka lang sa isang tao sa bawat relationship. Basta. Siguro sa pagkamahiyain ko di ko din alam kung ano tingin sakin ng iba. Ay ewan. Epekto ni Joe sa’yo kaya ka ganyan. Baliw. 

“Di kaya…” nanahimik na kaming dalawa dahil pumasok na rin ang teacher namin.

Natapos na din ang classes. 5pm na nang matapos ang classes namin at naghiwalay na din kami ni Anna. Sinundo kasi sya ni Marty, boyfriend ni Anna at kabarkada din ni Joe.

Di ko na pinansin ang mga tumatawag sa pangalan ko, sobrang wala ako sa mood kausapin ni isa sa kanila. Sumakay ako sa car at saka umalis sa car park. At dahil sobrang distracted ako, muntik na ako maka-bangga.

“OMG!” nag mamadali akong bumaba ng car at pinuntahan ang lalaking nakatayo sa harap ng sasakyan.

“OMG! Are you alright, mister?! Are you fine, are you okay?!” Sobra akong nag- papanic. Hala! Oh my gosh!

“Yeah… yeah… I’m… I’m alright…” Di pa din nya ako tinitignan sa mata. Naka tingin ito sa hood ng car ko.

“Are you sure you are alright? I mean, pwede kita dalhin sa hospital or something…” Panic was still coursing through my veins. Grabe shocks!

“No, I’m really alright miss.” Finally, tumingin na ito sa akin. Ang ganda ng mata nya pero bakit parang ang lungkot tignan…

“Do you need a lift? Or gusto mo ng kausap… you look like you were struck by something.” Tinanong ko sya ulit.

“Come on, get inside the car. Let’s go for a coffee,” tumungo na lang yung lalaki at sumakay sa passenger seat.

Nag-park ako sa harap ng Seattle’s Best at bumaba kasama yung lalaki. Nilingon ko sya at nakatingin pa din ito sa pavement. Ano kaya problem nito?

Nag-order na ako ng coffee namin at umupo kami sa isa sa mga seats.

“Are you alright, mister? Im Leila, by the way.” I extended my arms at nagshake hands kami.

“I’m Drew, Andrew Rodriguez”

Nag pakalma muna kaming dalawa, uminom ng coffee. Naku-curious na ako sa story nya… please talk already! Pero wait... ba’t ang familiar nya... or ako lang talaga ang baliw ngayon?

“Sorry about a while ago, Leila. I hope you’re not that shaken up about sa nangyari kanina…” Bigla akong napatingala sa pagsasalita nya.

“No, no. Okay lang yun, parehas tayong at fault. Sobrang distracted kasi ako ngayon eh… ikaw? Okay ka lang ba? Gusto mo bang pag-usapan?” I looked at him, nakatitig sya. Sparks na ituuuu!!! HAHAHA dejokes lang po.

“Well… kasi… wait what did you say your name was again?” tanong nito.

“Leila. Leila… Cruz.”

At biglang nanlaki ang mata nito. Ano, mukha na ba akong gurang ngayon?

What We HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon