First day of class in third year. Though, hindi na 'to first sa akin at halos lahat ng tao dito ay kilala ko na. Pati mga teachers and classmates ko ay halos ka-vibes ko na lahat. Kinakabahan padin ako dahil sa may tatlong teachers na dadating, at dalawa doon ay sa section ko.
"Jhanna?" Micaella called me.
Micaelle is my new boardmate, yes! St. De luna University has it own rooms for students. Malalayo ang bahay ng iilan, including me na nag-aaral dito. At kahit malapit lang ang bahay ng iba, they are required to stay here. Iwas absent, iwas cutting classes at iwas bulakbol. High-standard ang school na ito, kung matalino ka libre ka. Kung bobo ka magbayad ka. Ganun lang, 95,000 pesos na tuition fee? Keri lang sa mga rich kid, makapag-aral lang dito. At paglabas mo dito, matalino kana.
"Oh bakit? May kailangan ka ba?" Sagot ko sa kanya habang nag-aayos ako ng gamit ko.
"Wala naman, first time feels hehe. Medyo kinakabahan ako." Sabi niya sabay hawak sa dibdib.
"Ano ka ba? Mababait magiging kaklase mo, i know them all. Pag may umaway sa'yo, tell me. Ako'ng bahala." I smiled. Mabait siya at pala-kwento, kaya napalagayan ko agad ng loob.
"Thankyou." And she smiled back.
Sabay kaming pumasok sa room namin. Habang naglalakad, tinitignan kami ng mga nakakasalubong namin.
"Nice hair, Jhanna." Walter approached me.
Owww. Haha, from slight kulot to straight hair real quick.
"Mukhang famous ka dito Jhan, daming nakakakilala sa'yo." Bulong sa'kin ni Mica.
"Haha, i'm not famous. Since first year dito na 'ko nag-aaral. Kaya halos lahat, kilala na 'ko." Sagot ko naman sa kanya.
"Really?! Masyadong malaki ang tuition fee dito, mayaman ka siguro kasi kamo since freshmen nandito ka na." Gulat na sagot niya.
"No, na-maintain ko lang ang grades ko. Hindi ako ganun katalino, but madalas ako sumali sa mga presentation. Doon ako halos bumabawi." Sabi ko sa kanya.
Tumango lang siya at ngumiti. Nandito na kami sa loob ng room, pinaalis ko ang nakaupo sa dati kong pwesto, umupo ako at pinaupo ko siya sa tabi ko.
"Kinakabahan ka pa?" Tanong sa kanya na nakatingin lang iba naming kaklase.
"Hindi na masyado, medyo okay na 'ko. Masaya tignan yung mga kaklase natin, ang gaganda at ang gugwapo nila." Sabi niya ng hindi lumilingon sakin.
Napangiti lang ako. Mas bata siya sakin ng 3 years, maaga daw siyang nag-aral kaya maaga din siyang nakapag-highschool. From St. Patrick Campus na karatig lugar lang, lumipat siya dito for academic purpose. Halos wala daw siyang natututunan sa last school niya.
Maya-maya pa ay dumating na sa classroom namin si Sir. Manalo, ang teacher namin sa Music and Arts. Hindi bababa sa 95 ang grade na binibigay niya sa'kin dahil mula first to fourth grading ng 1st and 2nd year, ako ang representative niya sa singing competition and minsan sa folk dance. Syempre ako lagi ang nananalo. For sure ako na naman this year.
"Goodmorning Class. Mukhang masaya ang naging bakasyon niyo." Bati sa amin ni Sir. Manalo.
"Oo naman, Sir."
"Yes sir, gala to the max."
"Kayo Sir, kamusta bakasyon."
Sagot ng iilan sa mga kaklase ko.
"Okay naman, halos wala akong bakasyon kasi mas maaga akong pumasok kaysa sa inyo for this school-year." Sagot niya habang tumitingin sa attendance. "Okay, may new classmate pala kayo. Come here iha, introduce yourself." Tingin niya kay Mica na nasa tabi ko.
"Go, sabihin mo lang ang name mo and saang room ka. Dreams and hobbies, ganun lang." Turo ko sa kanya at pinatayo na siya sa harap. She looks so nervous, halos wala nang dugo ang dumadaloy sa kanya.
Naglakad siya sa harap at tumayo.
"I'm Micaella Sandoval, 16 years old. Room 017 with Jhanna Suarez. My dream is to become Jhanna." Sabi niya habang nakatingin sa akin, i'm shookt. Like me? Why? "She was so talented, base on what i heard in faculty room. When staff told me where my room is. They said i'm lucky to have her in the same room. She was so kind and down-to-earth. And i think they're all right."Mukhang may makakasama na naman ako palagi....
BINABASA MO ANG
I Think I Love You, Sir.
RomanceFirst story to publish. Medyo may mga maling english kasi sinusubukan kong maging matalino. Haha Isang POV lang po ito. Sa bida lang, pwede niyo ako imessage para sa corrections and advice para makasulat ng magandang story. Dedicated ang story na it...