#6 I'm trapped like a rat

6 0 0
                                    

Nabored ako matapos ang buong klase except sa subject ni Sr. Mateo. Talagang nagpakabusy ako. Ginawa ko na agad ang assignment kay Mr. Manalo.

"May program mamaya sa Ground, narinig ko lang." Sabi ni Mica.

Parang gusto ko lang magkulong ngayon dito.

"I'm not interested Be. Balak kong kunin yung laptop ko sa faculty. Para hindi ako mabored sa weekend." Sabi ko naman sa kanya.

Hindi na rin sumama si Mica at sinamahan niya ako sa faculty.

Pinagkukrus talaga ang landas namin ni Sir.

"Hi Sir." Bati ni Mica.

Ngumiti lang si Sir kay Mica pero..

"Ms. Suarez, can we talk?" Aya sa akin si Sir.

Hala bakit. Tungkol kaya kanina?

Wala na akong nagawa kundi sundan siya patungo sa hagdan paakyat sa third floor. Pumasok naman si Mica sa faculty para hiramin ang phone niya.

"About kanina. Bakit ka nakasimangot habang nakatingin sakin? Is there something you wanna tell me?" Diretsong tanong ni Sir sakin.

"Uhm. Wala Sir, sakto lang na napatingin ako sa inyo.." ilang kong sagot. "Mauna na po ako." Akma na akong aalis ng hablutin ni Sir ang braso ko.

"I know you have a feelings for me." Aniya. Nagulantang naman ako.

"Hala Sir. Wala po, saan niyo naman po narinig 'yan?" Palusot kong sagot.

"Hindi ako nag-eexpect from you. I know your past, at alam ko na masakit pa 'yon sa'yo. It's fine to have a crush on someone, but don't let your feelings control you. I'm not saying na tama 'yan pero i think nasa tamang edad kana, alam mo na ang dapat at hindi dapat..." habang pinakikinggan ko siya, parang hinila ako ng sarili kong katawan para yakapin siya. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mukha ko pero mas naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ni Sir.

It's sound so fast, pero inlove na nga talaga ako sa kanya.

Bumitaw ako agad ng makaramdam ng awkwardness sa ginawa ko.

"Sorry Sir. Hindi ko sinasadya, I'm sorry talaga. Mauna na po ako." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at umalis na.

Dumiretso ako sa faculty at hiniram ang laptop at phone ko. Tutal, weekend naman bukas, sa monday ko na 'to ibabalik.

--

"I don't know kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya. Nakakahiya yung ginawa ko." Sabi ko habang nagbabasa sa wattpad.

"Hay nako ate. Magwork nalang tayo bukas para mawala yang iniisip mo, sa sunday naman lalabas ako. Isasama nalang kita." Sagot sa'kin ni Mica.

Sounds interesting.

"Saan ka pupunta sa sunday?" Tanong ko sa kanya.

"Una magsisimba, tapos pupunta sa dati kong school. Kukunin ko mga kulang kong documents specially report card nung 1st and 2nd grading then gagala. Nakakaboring kaya dito, wala naman ding work sa sundays." Sagot niya sakin.

Sa isang buwan. Pwede kang lumabas ng limang beses at dapat weekend 'yon. Yung walang pasok.

Nalilibang ako sa binabasa ko. Bigla namang may nag pop-up na notification. Sa facebook.

Matt Peña sent you a friend request.

Namula ang pisngi ko. Medyo uminit sa kwarto kahit naka-aircon kami. Alam kong si Sr. Mateo 'to, obvious naman sa name and profile picture.

Finollow ko siya pero hindi ko pa siya inaccept. Pag ginawa ko 'yun, pinapapasok ko na talaga siya sa buhay ko.

Bakit niya ako in-add? What's the reason?

Ini-stalk ko ang facebook niya. Tumingin ako sa mutual friends, wala akong makita na nag-aaral dito except sa ibang teachers na friends ko din. Means ako palang ang ini-add niya na students niya. Meaning ako palang ang gusto niyang maging friend sa fb? Gaga! Sige asa pa.

Malay ko ba kung kaka-add lang din niya sa iba, diba. Sus Jhanna, huwag feelingera. Masasaktan ka lang.

Naghanap ako ng ibang pagkakaabalahan, nag-message ako kay Analyn na friend ko padin sa facebook. Hindi naman ako mahilig mam-block.

Hello. How are you, missed you.
Sent...

Scroll dito, scroll doon. Tinignan ko si Mica, busy din sa phone niya.

Maya-maya ay may nagchat sakin. I expected na reply ito ni Ana, pero nagulat ako kung sino...

Accept me, Jhanna. Accept me as your friend.
Matt Peña

Wala na ata talaga akong kawala sa'yo. Trap na 'ko sa patibong mo Mateo....

I Think I Love You, Sir.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon