#2 Meet Mr. Charming

18 0 0
                                    

"Yes, Jhanna was one of my favorite student. She's talented and pursigido na dito grumaduate." Sagot naman ni Sir.

Nakatingin naman ang iilan sa akin na nakangiti. Ako ba ang new classmate? Haha.

"Sana maka-graduate ako dito, kasabay niyong lahat." Pahabol ni Mica at nagbow. Naglakad siya pabalik sa tabi ko.

"Dreamed to be me talaga, hah? Is that a compliment." Sabi ko sabay smile.

"Syempre dream ko y'on for now. Habang hindi ako nakaka-graduate. Kailangan ko ng inspirasyon, and you are the right person." Sagot niya and she smiled back. "Can i call you ate?" She asked.

"Sure. Besides, i'm three years older sa'yo. I think it's okay." Tinapik ko siya sa balikat.

Natapos ang Music and Arts at Mathematics, 3 hours kaming nakatunganga dahil wala pa naman masyadong itinuro ang naunang teachers.

"Tour mo naman ako sa Canteen." Pag-aaya ni Mica.

"Sige, ituro ko sa'yo ang ilan sa magiging teachers natin." Hinawakan ko siya sa braso at naglakad kami.

Pagpasok namin sa canteen. Nakita ko ang ilan sa mga teachers, at ang dalawang new teachers.

I was shocked when one of new teachers looked at me. Omg! Artista ba siya o teacher. Ang gwapo myghad. Nakatulala ako sa isa sa magiging teacher namin. Siya naman ay ngumiti sakin. Nakatulala ba 'ko? Hala. Omg, nakatulala ako sa kanya. Erase erase! Nginitian ko muna siya pabalik at hinila si Mica sa counter.

"Uhm, ano. Mica pili kana ng kakainin natin." Sabi ko sa kanya at humanap ako ng vacant seat.

Sounds corny pero nung nakatingin siya sakin, kinilig ako. He's like a bench model, yung kapag nauntog ka sa dibdib niya e mabubukulan ka. Ganon!.

Sa dami ng students, halos wala kong makitang bakante. Luckily, meron pala. Sa tabi lang naman ng mga teachers, kung saan kumakain si Mr. Charming. May callsign na agad, hahaha. Baka hindi ako makakain ng maayos. Nakaka-intimidate.

"Mica! Here." I called her nang mapansin na naghahanap siya.

"Oh! Ms. Suarez, you looked pretty on your hair." One of my teachers approached me.

"Hello Mrs. Domingo, thankyou po. You looked younger now ma'am. Hehe." Pang-uuto ko sa kanya. Medyo masungit kasi siya sa room.

"You never changed, iha. Don't get late on next subject. Si Mr. Mateo ang susunod niyong teacher." Sabi ni Mrs. Domingo. Umalis na sila after a few minutes.

"Do you heared it? Si Mr. Charming ang next teacher." Mukha akong timang na naka-smile habang sinasabi 'yon.

"Hala siya? Mr. Charming? Sino ba, si Sr. Mateo ba 'yon?" Pagtatanong na na nakataas ang kilay. "Ayiiiieh! Crush ni Ate. Hahahaha." Pang-aasar niya.

"Hindi noh? He's still our teacher, hindi pwede magkaroon ng feelings. Bawal 'yon." Sabi ko sa kanya sabay kagat sa burger na binili niya sakin.

"Bawal? Kung secret crush lang naman, why not. Hindi ba?" She smiled. Nga naman? Why not?

After 10 minutes of talking about stuffs. Bumalik na kami sa classroom.

Habang naglalakad kami palapit sa classroom, i felt strange. I'm nervous. Mas lumalakas ang kabog sa dibdib ko, mas naririnig ko ang boses niya. Mas naaaninag ko ang tindig niya.

"Masama ba pakiramdam mo, ate?" Mica asked sabay dampi sa noo ko. "Wala ka naman lagnat, ang putla mo eh." She looked at me. Ng maiisip niya ang reason ba't ako namumutla, "Oh, Kasi si Mr. Mateo na ang teacher ngayon. Ba't ka kinakabahan? Ayaw mo n'on, chance mo na 'to para makilala ng husto si Sr." Pang-aasar niya sakin. Hindi naman ako sumagot. Dahil nandito na kami sa tapat ng room.

I saw Mr. Charming writing on white board. Nang mapansin na nasa pintuan kami, "Oh, Ms. Suarez. You are late."

Pumasok ako sa loob ng hindi siya nililingon.

"Jhanna!" He said.

When he called my name, i felt cold as ice.

I Think I Love You, Sir.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon