#7 He likes me, He likes me not

7 0 0
                                    

Nakatulugan kong nakabukas ang laptop kaya pagkagising ko, sobrang lowbat na kaya hindi ko agad mabuksan ang facebook ko.

Accept me... parang umeecho sa tenga ko yung salita na 'yon. Wala naman akong ibang iniisip pero sobrang kabog ng dibdib ko pag naaalala ko 'yong message niya.

Nag-asikaso kami ni Mica at pumunta na sa kanya-kanya part-time. Agad namang pumayag si Aling Dyosa na siyang nagmamanage sa food and bevarages.

"Magsisimula na po ako ngayon Aling Dyosa. Saan po ako pu-pwesto?" Nakangiti kong tanong.

Itinuro niya ako sa may drinks and dessert section, medyo madali lang daw dito kaya dito ako nilagay.

Wala masyadong tao maliban sa mga teachers, guards, janitors at faculty staff na may pasok kahit weekends.

"Isang coke nga iha, and dalawang salad." Sabi ni Kuyang guard. Iniabot niya sakin ang 50 pesos at sinuklian siya ng 20 sabay abot sa order niya. Nilingon ko ang ibang tindero-tindera na studyante katulad ko, mukhang graduating na ang mga ito dahil hindi sila familiar. At mukhang uwian na sila sa bahay nila.

"Isang sprite Ms. Suarez..." hindi pa ako lumilingon, kilala ko na agad kung sino.

Niready ko na ang sprite niya at iniabot ito sa kanya. Nag-abot siya ng 50. Iaabot ko na sana ang 40 niyang sukli pero hindi niya ito tinanggap.

"Keep the change." He said and smiled.

I smiled back. Walang salita na lumabas sa bibig ko. Titiisin ko siya hanggang sa makakaya ko.

Expected ko naman na magkikita kami ngayon, pero mukhang nananadya siya. Halos wala nang teachers dito sa Canteen pero dito talaga siya tumambay, at sa tapat pa ng station ko.

Umupo ako kaya medyo hindi niya ako matanaw, pero tanaw na tanaw ko siya. Busy siya sa ginagawa niya sa laptop.

Nagpaalam ako kay Aling Dyosa na mag-ccr muna, tutal naman mga hapon pa ulit ang balik ng mga tao. Nakita ako ni Sir na lumabas sa canteen.

Habang naglalakad sa hallway, naisip kong puntahan si Mica.

"Musta unang araw? Hindi ba stress?" Tanong ko sa kanya habang nakapangalumbaba sa desk.

"Petiks lang, wala naman akong ibang gagawin kundi sitahin ang maiingay. Hindi pa kasi umaalis yung papalitan ko sa counter kaya pansamantala muna na dito 'ko ilagay." Sagot niya.

Nagpaalam naman ako agad dahil sandali lang ang pinaalam ko. Natanaw ko naman na papasok ng library si Sir kaya nakayuko ako habang mabilis na lumakad palabas. Naramdaman ko naman na nauntog ako.

"Aw. Carefull." Boses niya.

"So-sorry Sir." Sabi ko sabay iwas sa dadaanan niya.

"Wait...." Pigil ni Sir.

Nilingon ko siya pero wala siyang sinabi. Tinignan lang niya 'ko sa mata. Titigan kung titigan.

"Stop doing this, Jhanna." Bigla niyang sabi. "Itigil mo na ang pag-iwas mo, nahihirapan ako." Seryosong sabi niya habang nakatitig sa mata ko.

Ano bang ginawa ko?

"Ako ata ang dapat magsabi niyan Sir. Mauna na po ako at kailangan ko pa pong magduty." Sagot ko sa kanya.

"Meet me tomorrow. On your favorite Coffee Shop." Pahabol niyang sabi.

Sa coffee shop? How did he know na tambayan ko ang coffee shop sa labas? And how did he know na lalabas ako. Obviously, walang kapehan dito kaya imposibleng dito siya nakikipagkita.

Lord! Pakiexplain po sakin kung ano na yung nagaganap sa amin.

---

Natapos ang duty ko. Kasunod ng duty ni Mica. Sabay na kaming pumasok sa boarding house.

"Really? Sinabi niya 'yon?" Bigla niyang tanong.

Tumango ako habang nakangiti.

"Hindi ka ba masaya? Mukhang may gusto sa'yo si Sir." Tanong niya.

"Sa totoo lang, nabibigla ako. Syempre masaya kasi biruin mo may gusto sakin yung taong gusto ko...pero paano siya nagkagusto sakin. Hindi pa naman kami nagkakasama, hindi pa kami nakakapag-usap ng matagal. Masyado ba 'kong obvious, ha?" Tanong ko sa kanya.

"To be honest, oo. Halatang halata na gusto mo siya lalo na pag subject na niya. Titig na titig ka sa kanya, late mo na napapansin na nakatingin na din siya sa'yo dahil sa daydreaming mo." Paliwanag niya sakin.

"Ganun ba? Pero ibig sabihin ba no'n nakakainlove na 'ko?" Tanong ko.

"Hindi ka mahirap mahalin. Mabait ka, for sure some of our classmate has a crush on you. Sa ibang section, alam ko meron din. Hindi malayo na kahit teachers hindi magkakainteres sa'yo." She said while smiling.

I'm flattered. Gano'n pala ang impression niya sakin. Yet i'm nervous. Hindi dahil sa magkikita kami bukas, kundi dahil sa message ni Sir, just now.

I know it's sounds random.. but can I have you number?
Matt Peña

My heart fell again, just now.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Think I Love You, Sir.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon