"Huy! Kainin mo na kaya 'yan Te, ayaw mo ba ng bread?" Sabi ni Mica. Pero hindi ko siya pinansin dahil naaalala ko yung mukha ni Sr. Mateo kanina, nakakainlove. Siguro nga nahulog na 'ko ng tuluyan sa kanya.
"Ate? Ano? Male-late na tayo pero hindi ka pa kumakain. Gugutumin ka niyan." Sabi niya sabay abot ng bread.
"Ito na kakain na. Naalala ko lang yung kinuwento ko sa'yo kanina." Sagot ko sabay kagat sa tinapay.
"Pwede mo siya maging inspiration, masarap mag-aral pag gano'n." Aniya sabay subo ng fries. "What if magkagusto siya sa'yo? Papatulan mo ba siya?"
Medyo napaisip ako. Papatulan ko nga ba siya once na magkagusto siya sakin?
"Hindi siguro, bawal 'yon eh. Pagpalagay natin na kami nga, matatanggalan naman siya ng trabaho tapos ako for sure mapapagalitan and worst ay matanggalan ako ng scholarship." Possible senario once na nagka-inlovan kami. "Tsaka alam mo, imposible na magkagusto 'yon sakin. Imposible talaga." Dagdag ko.
"It's not imposible ate, your beautiful and attractive. Sa hubog mo, hindi ka mukhang highschool. Tsaka madaming pwedeng mangyari. 1 year mo siyang makakasalamuha." She said habang sinisimot ang flavor ng fries sa daliri niya.
Naguluhan lang ang isip ko sa usapan na 'to.
Inaya ko na siya pumasok at baka malate pa kami kay Mr. Manalo.
Nakarating kami sa classroom, swerte at pagkaupo na pagkaupo namin ay dumating si Sir.
"Okay Class, dahil sa tapos na ang bakasyon niyo ay tapos nadin ang maliligayang araw niyo. Ngayon ko ipapamigay ang books niyo sa subject ko." Kasunod no'n ay pinapasok na niya ang mga lalake sa faculty dala-dala ang books. "Hindi ito itatambay sa Room or locker ha?" Pabiro niyang sabi.
Isa-isang inabot ng mga lalake ang books.
"Sa nakikita niyo, iba ang design ng books compare noon. Just write your name, magpaprint na din ng 1x1 picture at i-indicate sa tabi ng pangalan." Turo niya sa amin.
Ang astig lang ng design, iba ang kulay ng para sa babae at lalake. Cool talaga.
Tapos na ipamigay ng mga lalake ang books. At mukhang magagamit na din 'to ngayong araw.
"Of course, sayang naman yung ganda ng books kung hindi masusulatan hindi ba?" Sabi niya. May sinulat siya sa black board na talaga namang kinalungkot ng lahat.
What you know about Music. How Music change the mood of you. How Music affects the culture. Essay writing.
Ito na, umpisa na.
--
Natapos ang dalawang subject, nagpamigay na din ng books ang second subject which is Math pero luckily, walang assignment. Makakatulog ako ng mahimbing.
"Anong trip mo kainin?" Tanong ko kay Mica. Nandito kami ngayon sa tapat ng canteen. Sa totoo lang hindi ako nabusog kanina kakaisip.
"Busog ako eh. Ikaw? Kakain ka ba? Samahan nalang kita." Sagot niya sakin. Umiling ako at hinila siya sa isa sa mga upuan.
"Bigyan mo nga ako ng payo. Paano ko maiaalis si Sr. Mateo sa isip ko. Sa totoo lang, ayoko madevelop ang feelings na 'to eh." Tanong ko sa kanya.
"Maging busy ka sa ibang bagay. Alam mo 'yun, magworking student ka. Ako balak ko mag-side line sa library." Sagot naman niya sa'kin.
Maging busy? Pwede. Sakto naghahanap ng magbabantay sa Canteen tuwing hapon at sabado, pwede akong pumasok.
"Sige. Doon nalang ako sa Canteen. Bukas na bukas kakausapin ko si Ateng nagtitinda." Sabi ko sa kanya.
Sa gitna ng pag-uusap namin, nakita ko si Sr. Mateo na may kinakausap na studyante, malanding studyante. Kung makangiti kay Sr. Charming wagas. Kagigil ah.
"Anong itsura 'yan te?" Nakatingin si Mica sakin. Nang mapansin kung saan ako nakatingin. "Nangangamoy selos ah?" Pang-aasar niya sakin.
"Ako? Hindi ah. Mainit kasi kaya nakakunot yung noo ko." Palusot ko. Pero sa totoo lang naiinis ako. Alam ko wala akong karapatan pero may feelings ako noh.
"Sus. Obvious na obvious kaya. Sakin ka pa tatanggi." Ngiting sagot ni Mica.
"Tara sa room, doon nalang tayo tumambay." Aya ko kay Mica.
Nakasimangot padin akong nakatingin sa kanya ng bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Naabutan niya akong nakasimangot at nakita ko pa ang reaksyon niya na parang nag-alala. Lagot!
Agad kong inalis ang tingin ko sa kanya tsaka lumabas sa Canteen.
Naloloka na ako sa nagaganap. Dapat talaga magpakabusy na 'ko para matigil na 'tong kahibangan ko.
---
Sabay sabay tayong mainlove kay Sir. Mateo! Jusq
BINABASA MO ANG
I Think I Love You, Sir.
RomansaFirst story to publish. Medyo may mga maling english kasi sinusubukan kong maging matalino. Haha Isang POV lang po ito. Sa bida lang, pwede niyo ako imessage para sa corrections and advice para makasulat ng magandang story. Dedicated ang story na it...