CHAPTER I

426 8 0
                                    

Si Felicia,o kilala sa tawag na Fe,isang pulubing natutulog lamang sa ilalim ng tulay sa kahabaan ng Edsa.Mag isa lamang siya sa buhay,wala siyang pamilya.Anim na taon lamang siya ng pumanaw ang kanyang ama,at ang kanyang ina naman ay iniwan siya sa pangangalaga ng kapatid nito.Ngunit hindi naging maganda ang trato ng mga tiyahin niya sa kanya,kaya napagdesisyunan niyang lumayas upang hanapin ang kanyang ina.Narinig niya minsan sa pag-uusap ng kanyang mga tiyahin na ang ina niya ay nakatira sa Maynila,at doon na nakapag asawa.Kaya naman,mula sa probinsya nila sa Quezon ay naisipan niyang bumiyahe pa Maynila sa edad lamang na labing pitong taon.Anim na buwan na siya dito sa Maynila,wala siyang mapasukang trabaho kaya naman,tanging ang pamamalimos lamang ang kanyang ikinabubuhay.Isang araw,habang abala siya sa pagbubungkal ng basura,ay may babaeng nakatawag ng kanyang pansin.Hindi siya maaring magkamali,ito ang kanyang ina.Maayos ang pustura ng babae.halatang sa kilos ay may kaya ito.Sinubukan niya itong habulin ngunit,nakasakay na ito sa isang kotseng nag-aabang.Sigaw siya ng sigaw habang habul-habol ang kotse. "mama,mama"sigaw niya. "ako po ito mama."patuloy siya sa pagsigaw,ngunit hindi manlang huminto ang sasakyan.

                                                                

ANG PASKO NG ISANG PULUBI ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon