CHAPTER VI

169 7 0
                                    


Nang mga sumunod na araw ay naging abala sa mga gawaing bahay si Fe.Kadalasan ay nakikita niya si Alicia habang nilalambing ang mga anak nito.Dalawa ang anak ng ina sa pangalawang asawa nito.Si Vanessa na sampung taong gulang na,at si Felix na anim na taong gulang palang.Hindi niya maiwasang mainggit sa dalawa,lalo na tuwing tnatawag ng mga itong mommy si Alicia.Bagay na ipinagkakait sa kanya ng pagkakataon.

Lahat naman sa loob ng bahay na iyon ay naging kasundo ni Fe maliban lamang sa isa,si Lisa.Napapansin niyang may pagkatamad ito pag wala ang mga amo nila.May pagkapalautos din ito na tila ba siya ang may-ari ng bahay.Isang araw ay naiwan silang dalawa sa bahay.Si aling Sisa ay namalengke ng lulutuin para sa tanghalian. "Felly,dito pa oh,andaming kalat."utos sa kanya ni Lisa habang abala siya sa paglilinis at ito ay pinapanood lamang siya. "Oo sige babalikan ko lang mamaya tapusin ko lang 'to.Sagot niya naman dito.


ANG PASKO NG ISANG PULUBI ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon