Wala na siyang nagawa ng mga oras na yun kundi ang hamagulgol ng iyak.Oktubre ng araw na yun.Dalawang buwan na lamang at pasko na.Ang hiling niya lang naman sa pagsapit ng araw na iyon, ay kapiling niya na ang kanyang ina.Subalit bigla siyang tumigil sa pag iyak,alam niya sa sarili niya na malapit na niyang makasama ang ina.Hindi siya dapat mawalan ng pag-asa.Ngayon pang nakita na niya ito.Paulit-ulit siyang bumabalik sa lugar na iyon,hinihintay na sana'y muli itong mapadaan doon.Makalipas lamang ang dalawang linggo ng matiyagang paghihintay ay sa wakas nakita niya itong muli.Nang tatangkain na niyang lumapit ay tila ba napako siya sa kinatatayuan.Gusto niya sana itong yakapin,ipakilala ang kanyang sarili subalit,bigla siyang nahiya.Nakita niyang may mga kasama itong bata,na ang tawag dito ay mommy.Nangliit siya sa kanyang sarili.Nakita na siya nito,subalit hindi manlang siya binigyan ng pansin. "Ang aking ina,na noon ay mahal na mahal ako,na nangakong babalikan ako,ngayon ay masaya na,at may sarili nang pamilya.Ang masakit pa nito'y hindi na ako bahagi ng buhay niya"kasabay ng pagbigkas ng mga katagang yun ay ang pag-agos ng likidong nagmumula sa kanyang mga mata.Dahil sa pangyayaring iyon ay isang desisyon ang kanyang binuo.Hindi niya na hahangarin pang makasama ang ina sa araw ng pasko kahit gaano niya pa ito kagusto.Pipilitin na lamang niyang mabuhay ng mag isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/130262466-288-k26960.jpg)
BINABASA MO ANG
ANG PASKO NG ISANG PULUBI ✔
Historia CortaDISCLAMER* Hindi ko ginawa ang kwentong ito para patawanin kayo at pakiligin. Ginawa ko ito para paiyakin kayo. Kaya kung sakaling magtatangka kayong basahin ito, magtabi na rin kayo ng tissue ✌✌✌ ***** Bago sumapit ang kapaskuhan,marami sa atin ang...