Isang araw ay nasa bahay lamang si Alicia,abala ito sa pagbabasa sa kanilang veranda.naisipan ni Fe na ipagtimpla ito ng kape.Naalala niya kasi nung bata siya,hilig nito ang uminom ng kape. "ma'am Alicia,magkape po muna kayo."nginitian lamang siya nito at inabot ang tasa ng kape mula sa kanya.
"Maupo ka Felly,magkuwentuhan muna tayo."yaya nito sa kanya.agad naman siyang naupo.
"Oo nga pala,hindi ka pa nagkukwento saakin tungkol sa buhay mo.asan na nga pala yung mga magulang mo,bakit mag isa ka lang dito?pa'no mo nakakaya ang tumira sa kalsada?"
"wala na po ang tatay ko,namatay siya nung bata palang ako,yung nanay ko naman po...."bigla siyang natigilan.
Nagtaka si Alicia kung bakit hindi niya tinuloy ang dapat sana'y sasabihin niya. "bakit Felly,anong nangyari sa nanay mo?"
"w-wala narin po siya" payuko niyang sagot dito.
"ayos lang yan,dito ka nalang saamin.welcome ka dito,kung hindi dahil sa'yo,napahamak ako."
Gustung-gusto niya nang ipakilala ang sarili sa ina,subalit may kung anong bagay ang pumipigil sa kanya.Para sa kanya,masaya na ang kanyang ina,at ayaw niyang sirain iyon.
Samantalang sa di kalayuan, ay nakamasid pala sa kanila si Lisa.Naiinis siya kay Felly,para sa kanya ay para itong mapapel,at gagawa siya ng paraan para mapalayas ito.
BINABASA MO ANG
ANG PASKO NG ISANG PULUBI ✔
Historia CortaDISCLAMER* Hindi ko ginawa ang kwentong ito para patawanin kayo at pakiligin. Ginawa ko ito para paiyakin kayo. Kaya kung sakaling magtatangka kayong basahin ito, magtabi na rin kayo ng tissue ✌✌✌ ***** Bago sumapit ang kapaskuhan,marami sa atin ang...