Hindi mareklamo sa gawaing bahay si Fe,dahil lumaki iya sa puder ng mga tiyahin at siya ang gumagawa ng mga gawaing bahay. "saan ka nga pala napulot ni ma'am,pano mo siya nauto at nadala ka niya dito?"walang anu -ano'y tanong nito sa kanya.
"Sa isang insidente,muntik na kasi siyang mabangga ng motor buti nalang nailigtas ko siya."nakingiting sagot niya dito habang patuloy parin sa paglilinis.
"bakit ka agad sumama sa kanya dito? Hindi kaba papagalitan ng mga magulang mo? Wala ka bang bahay?"patuloy na pag uusisa nito sa kanya.
"w-wala.wala rin akong magulang." malungkot na sagot niya dito. Tinaasan lamang siya ng klay ni Lisa. "ibig sabihin pulubi ka?saan ka natutulog sa ilalim lang ng tulay?" tila nasusuyang tanong nito sa kanya. "o-oo" sagot niya parin dito.
"huh! Kaya pala hindi na ako nagtataka na niligtas mo si ma'am.para makatikim ka ng maginhawang buhay."
Nainis man sa tinurang iyon ng babae,ay hindi niya nalang ito pinansin.Alam niya kasing walang magandang maidudulot pag pinatulan pa niya ito.Maya-maya pa ay nakarinig sila ng tunog ng sasakyan,senyales ito na dumating na ang kanilang mga amo.Dali-dali ay dumampot si lisa nang walis at nagkunwaring naglilinis.

BINABASA MO ANG
ANG PASKO NG ISANG PULUBI ✔
Cerita PendekDISCLAMER* Hindi ko ginawa ang kwentong ito para patawanin kayo at pakiligin. Ginawa ko ito para paiyakin kayo. Kaya kung sakaling magtatangka kayong basahin ito, magtabi na rin kayo ng tissue ✌✌✌ ***** Bago sumapit ang kapaskuhan,marami sa atin ang...