CHAPTER IV

189 7 0
                                    

"Saan ka nga pala nakatira hija?"tanong nito sa kanya.

"wala po akong bahay,ulila na po kasi ako."nakayuko paring sagot niya dito.

"bueno,dahil utang ko sa'yo ang buhay ko,doon ka na lang muna tumuloy saamin.Tamang tama kailangan ko ng kasambahay,huwag kang mag alala susuwelduhan kita buwan buwan."alok nito sa kanya.

"talaga po?naku malaking tulong po yan saakin,maraming salamat po."dahil sa labis na galak ay nayakap niya ito.Ang isiping makakasama niya na ang ina sa pagsapit ng pasko kahit hindi siya nito kilala ay sapat na para sa kanya.

"oo nga pala hija,hindi ko pa natatanong,ano palang pangalan mo?" tanong nito sa kanya. "F-Felly po."sagot niya dito.

"Felly,ang gandang pangalan.Ako nga pala si Alicia."pagpapakilala naman nito sa kanya sabay ngiti.


ANG PASKO NG ISANG PULUBI ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon