Part 18

31.2K 960 16
                                    

MAHIGIT tatlong oras pang nagpaikot-ikot sina Choi, Lorie at ang mga bata bago sa wakas ay nakaramdam ng pagod sina Kai at Maja. Magtatanghalian na rin naman kaya nagtungo na sila sa isang kainan na naroon sa loob ng amusement park. Halos puno na ng mga tao roon kaya sa pinakamalapit sa labas sila pumuwesto.

"Ano ang gusto ninyong kainin?" malambing na tanong ni Lorie sa mga bata na ikinatitig ni Choi sa babae. Ganoon palagi ang nangyayari sa kanya tuwing ginagamit ni Lorie ang tonong iyon. Well hell, kahit ano ang gawin ng babae ay napapatitig pa rin si Choi rito. O mas tamang sabihin, nakakapagpaalis sa lohika niya. Wasn't it the only reason why he kissed her last night?

Maalala pa lamang iyon ni Choi ay nabubuhay na naman ang dugo niya. Malinaw pa rin niyang naaalala kung gaano kalambot at katamis ang mga labi ni Lorie. At kung hindi pa nagising si Kai ay hindi alam ni Choi kung ititigil niya ang paghalik dito. O kung titigil siya sa halik lang. Choi knew it was crazy but hell, he loved the way she felt in his arms last night and he was intoxicated by her lips.

Ngunit alam ni Choi na hindi na niya dapat gawin iyon. Unfair iyon para kay Lorie dahil alam niyang hindi niya maidya-justify rito kung bakit niya iyon ginawa dahil kahit siya ay hindi niya alam. Choi just felt the urge to get close to her and kiss her. At alam niyang hindi iyon magandang dahilan upang halikan si Lorie.

Pinagmasdan na lamang ni Choi ang mga kasama niya at pilit kinalimutan ang nangyari kagabi habang nagtuturo ang mga bata sa menu. Pagkatapos ay bumaling sa kanya si Lorie at ngumiti na tila nahihiya pa. "Ah... Okay lang ba na order-in ang lahat ng sinabi nila? Ikaw kasi ang magbabayad," sabi ni Lorie.

Napansin ni Choi na nakatingin na rin sa kanya ang dalawang bata na parang nanghihingi ng candy tuwing Pasko. Kahit si Lorie ay ganoon ang hitsura. And Choi had realized once again that he could never win with that look on their faces. "Fine," sagot niya.

Magkakapanabay pang gumuhit ang matatamis na ngiti sa mga labi ng tatlo na nagpainit sa dibdib ni Choi. Nagulat pa siya nang mabilis na bumaba sa upuan nito si Maja at biglang yumakap sa baywang niya. "Thank you, Daddy!" nakangising bulalas ng bata habang nakatingala sa kanya.

Choi then felt that familiar sweet pain in his chest again. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagkabata noong napuri siya ng kanyang ama dahil sa isang bagay na nagawa niya nang mabuti. Ngumiti si Choi at wala sa loob na nahaplos ang buhok ni Maja. "You're welcome, brat," sagot niya rito.

Nawala ang ngiti ni Choi nang tila may narinig siyang tunog ng pag-click ng kung ano. Napatingala siya at iginala ang tingin sa paligid. Wala naman siyang nakitang kakaiba. Itinigil lang ni Choi ang pagmamasid nang lumapit na sa kanila ang waiter. Saglit pa ay kumakain na sila. Halos hindi makakain nang maayos si Lorie dahil inaasikaso pa nito ang pagkain ni Maja na kapag hinayaang mag-isa ay tiyak na magkakalat. Si Choi naman ay hindi maintindihan kung bakit aliw na aliw siyang pagmasdan lamang ang mga ito.

Tapos na silang kumain at nabayaran na rin ni Choi ang bill nang mapansin niyang nakatingin sa kung saan ang dalawang bata. Mukhang maging si Lorie ay napansin iyon dahil tinanong ng babae ang mga bata kung ano ang problema ngunit sa halip na sumagot ay nanatiling nakatingin lang sina Kai at Maja sa kung saan.

Halos magkapanabay pang napatingin sina Choi at Lorie sa tinitingnan ng mga ito. Napaderetso si Choi ng upo nang makita ang isang pamilya na nasa di-kalayuan. Karga-karga ng lalaki ang isang batang sa tingin niya ay isang taon lamang ang tanda kay Maja habang sa isang kamay ay hawak ng lalaki ang kamay ng isang babaeng siguradong asawa nito. They were the picture of a complete family.

Napasulyap uli si Choi sa tatlong babaeng kaharap niya sa mesa. Na-tense siya nang makitang nakatingin pa rin si Lorie sa pamilya at may malungkot na ekspresyon sa mukha habang may munting ngiti sa mga labi. Pagkatapos ay nakita ni Choi nang tila wala sa loob na ikinulong ni Lorie ang dalawang bata sa mga bisig nito.

"O tama na. Sasakay pa tayo sa rides," malambing na sabi ni Lorie sa mga bata. Ngumiti ang babae at nakita ni Choi kung paano nito pilit itinago ang lungkot na nakita niya sa mga mata nito. "Tara na, ha?"

Hindi nakatiis si Choi. He cursed himself inside for being too soft when it came to them. Hindi lang sa mga bata kung hindi pati sa nag-aalaga. Tumayo si Choi at napatingin ang tatlo sa kanya. "Let's go," aniya at binuhat si Maja na agad na kumapit sa leeg niya. Pagkatapos ay niyuko ni Choi si Lorie na maang na nakatingala sa kanya. "What are you waiting for?"

Kumurap si Lorie at tumayo na rin. Hinawakan nito sa kamay si Kai at akmang magpapatiuna na sa paglakad nang masulyapan ni Choi ang malayang kamay ng babae at hinayaan ang sariling gawin ang kanina pa niya gustong gawin. Inabot niya ang kamay nito at ginagap iyon. Napaigtad si Lorie at gulat na napatingala sa kanya. Humigpit lang ang hawak ni Choi sa kamay ng babae at nagsimulang maglakad.

Kompara sa mga kamay na nahawakan na ni Choi sa buong buhay niya, hers was rough. Ngunit nakapagtatakang mas gusto ni Choi ang pakiramdam ng kamay ni Lorie. Marahil ay dahil alam niyang kaya iyon magaspang ay dahil sa kasipagan at pagsisikap nito na itaguyod si Kai. At ngayon ay dahil pinapanatili ni Lorie na maayos ang bahay niya at inaalagaan ang anak niya.

"A-ano ang ginagawa mo?" pabulong na tanong ni Lorie kay Choi.

Sinulyapan niya ito. "Making the kids happy," tipid na sagot ni Choi. Nang bumakas ang pagkalito sa mukha ni Lorie ay tiningnan niya si Maja na nakangiti habang nakatingin sa kanilang dalawa at pagkatapos ay kay Kai na nakatingala rin at may ngiti sa mga labi. Dahil doon kaya tila wala nang masabi pa si Lorie at bumuntong-hininga na lang.

Choi smiled, satisfied.

The Prince's Scandal Trilogy: CHOI AND THE BABYSITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon