Part 25

32.2K 968 23
                                    

SANDALING tila napako sa kinatatayuan niya si Choi nang makita ang matamis na ngiti sa mga labi ni Lorie. A strange feeling washed over his chest. Bigla ay parang nais ni Choi tawirin ang ilang dipang pagitan nilang dalawa, higitin si Lorie at ilapat ang mga labi niya sa nakangiting mga labi nito hanggang sa kapusin sila ng hininga. Paanong nangyari na siya, si Choi Montemayor, na hinahabol ng naggagandahang mga babae ay nakakaramdam ng mga paruparong nagliliparan sa sikmura niya habang nakatingin sa isang babaeng naka-T-shirt at pantalon? Nakabalunbon ang buhok sa likod ng ulo ni Lorie na parang hindi pa sinuklay. How was it possible that only a sweet smile could turn him on like he never felt before?

Shit, am I falling for this woman? Hindi iyon kayang tanggapin ng pride ni Choi. Ngunit habang nakatingin siya kay Lorie na nakangiting nakatingin na sa mga bata ay hindi maiwasan ni Choi pigilan ang paghinga niya. How could someone be so simple and yet so beautiful?

"Kai, Maja, gusto ninyo bang manood muna ng tv?" tanong ni Lorie sa mga batang masayang sumang-ayon sa suhestiyon nito. Binuksan ni Lorie ang telebisyon at nang nakatuon na roon ang atensiyon ng mga bata ay noon lamang uli siya binalingan nito. "Ang sabi mo mag-uusap tayo, hindi ba? Doon tayo sa kusina," sabi ni Lorie na nagpatiuna na sa pagpunta sa tinutukoy nitong kusina na mas maliit pa sa banyo niya.

Noon lamang nagkaroon ng pagkakataon si Choi na igala ang paningin sa bahay ni Lorie dahil kanina, nasa mukha lang nito ang buong atensiyon niya. Masyadong maliit ang bahay ng babae. Malinis man iyon ay halatang luma na ang mga gamit doon. Wala ring kulay ang maninipis na dingding na humahati sa kabahayan.

"Alam ko na walang sinabi ang bahay ko sa condo unit mo pero huwag mong tangkaing laitin ito at hindi tayo magkakaroon ng matinong pag-uusap," nagbabantang sabi ni Lorie na nagpabalik dito ng tingin niya.

Bumuntong-hininga si Choi at umiling. "I'm not going to do that. I'm here to... apologize."

Napaderetso ng tayo si Lorie at napamaang sa kanya. Nakaramdam si Choi ng inis kahit na naiintindihan niya kung bakit palaging nagugulat si Lorie sa tuwing humihingi siya ng tawad. Kahit kasi si Choi ay nagugulat sa sarili niya.

"Anyway, I apologize for the way I talked to you bago kayo umalis ni Maja. Alam ko na masyadong masakit ang mga nasabi ko and you don't deserve it. Alam ko rin na hindi tamang itaboy ko kayo, lalo na si Maja. I understand what you said to me back then. Nang mawala kayo na-realize ko na nakakabingi pala ang katahimikan ng condo unit ko tuwing umuuwi ako at wala kayo. Nakakatamad ding bumangon sa umaga na hindi ako nagigising sa tawanan ninyo. At nang mag-isa ako na-realize ko na tama lahat ng sinabi mo at hindi ko pala kayang i-give up si Maja," patuloy ni Choi nang hindi pa rin nagsalita si Lorie.

Kumurap ito. Makalipas ang ilang segundo ay saka lang mahinang nagsalita si Lorie. "Hindi mo na siya ibabalik sa nanay niya? Hindi mo na siya itataboy at mamahalin mo na siya?"

Huminga nang malalim si Choi dahil sa mga oras na iyon ay wala siyang ibang nais sabihin kundi ang mga salitang alam niyang magpapabalik ng ngiti ni Lorie. "Yes. I will keep her for good," sagot niya kahit hindi niya alam kung ano ang susunod niyang hakbang pagkasabi niya niyon. Binale-wala na rin ni Choi ang pang-iinis ng isang bahagi ng isip niya sa biglaang pagbawi niya sa sinabi niya noon na hindi mapagbabago ni Lorie ang isip niya tungkol sa pagbabalik niya kay Maja kay Sheila.

Ngunit nang makita ni Choi na lumiwanag ang mukha ni Lorie at gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi nito ay nakalimutan na niyang problemahin pa ang bagay na iyon. Huminga nang malalim si Choi dahil bigla ay parang nais na naman niyang tawirin ang pagitan nila. And so he did. Nakita niyang namilog ang mga mata ni Lorie at nawala ang ngiti nang sa dalawang hakbang ay makalapit siya rito. Choi wanted to touch her face. Hindi na niya pinigilan ang sarili. Umangat ang isang kamay ni Choi at maingat na hinaplos ang pisngi ni Lorie gamit ang mga daliri niya. Napasinghap ito na ikinaangat ng isang sulok ng labi niya. "And you as well. I plan to keep you, too," mahinang dugtong ni Choi.

Saglit na bumakas ang pagkalito sa mga mata ni Lorie bago nakita ni Choi na namilog ang mga iyon at mamula ang mga pisngi nito. Umawang ang mga labi ng babae na tila may sasabihin ngunit hindi na nito iyon naituloy dahil magkapanabay silang napalingon nang may tumawag sa pangalan ni Lorie mula sa labas ng bahay.

Nainis si Choi sa umistorbo sa kanila. Nabaling lang uli ang atensiyon niya kay Lorie nang umigtad ito. Nakaawang na ang mga labi ni Lorie at kumikislap ang mga mata sa antisipasyon.

"Lorie," tawag uli ng tinig ng isang babae mula sa labas ng bahay.

Kumurap si Lorie at tuluyan nang lumayo sa kanya.

"Who is it?" hindi nakatiis na tanong ni Choi.

Tumingin sa kanya si Lorie na tila noon lamang nito naalalang naroon siya. "Ang ate ko," sagot nito sa namimilog na mga mata.

Kumunot ang noo ni Choi. "Akala ko ba matagal na siyang wala?"

"Oo nga pero sumulat siya sa akin noong nakaraan para sabihing darating siya ngayon. Ano ang sasabihin ko kapag nakita niyang may kasama akong lalaki rito? Naku wrong timing ka kasi dumating," natatarantang sagot ni Lorie.

Napangiti si Choi dahil hindi niya maiwasang maaliw sa inaasal ni Lorie. Nagkibit-balikat siya at kalmadong umupo sa isang silya roon. "Worry about that later. Buksan mo na ang pinto bago pa siya lalong magtaka kung bakit matagal kang magbukas ng pinto," ani Choi na sinadyang lagyan ng malisya ang tinig.

Lalong nanlaki ang mga mata ni Lorie at mabilis na lumapit sa pinto. Bubuksan na lang nito iyon nang tila may maalala at lumapit uli kay Choi. "Puwede bang kargahin mo muna si Maja? Baka kasi magulat si Ate kapag nakitang dalawa na ang bata rito," mahinang sabi ni Lorie.

Kumunot ang noo ni Choi, nagkibit-balikat at saka tumayo para sundin ito. Lumapit siya sa mga bata at binuhat si Maja na agad namang yumakap sa leeg niya. "Be good, brat, and stay quiet while your mama is talking with her sister, okay?" mahinang kausap ni Choi sa anak niya. Agad namang tumango si Maja.

Sumulyap siya kay Lorie. Nakamaang na naman sa kanya ang babae. "What?" tanong ni Choi.

Kumurap at tumikhim ito. "Ah, ang weird kasi kapag sa 'yo nanggagaling," mahinang sagot ni Lorie na tila nahihiya.

Umangat ang isang kilay ni Choi. "Ang ano?"

Nag-iwas ng tingin si Lorie. "Na mama ako ni Maja. Basta doon na lang muna kayo sa kusina. Ipapakilala ko rin naman kayo sa ate ko mamaya," anitong bago tuluyang tumalikod sa kanya.

Pinagmasdan ni Choi si Lorie pero hindi niya naiwasan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. That moment he realized something. He was really falling for this woman. It was out of his character but hell, at that moment, he didn't care.

The Prince's Scandal Trilogy: CHOI AND THE BABYSITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon