Part 35

37.3K 1.1K 137
                                    


"C-can you come here little girl?" bulalas ni Ma'am Edna sa mas mababang tinig kaysa kanina.

Humigpit ang yakap ni Maja at tumingin sa kanya. Nginitian ni Lorie ang bata. "Sila ang lolo at lola mo, Maja. Lumapit ka sa kanila at bigyan sila ng hug at kiss, okay?" masuyong sabi niya rito at ibinaba ito. Bantulot na bumitaw si Maja kay Lorie at alanganing tumingin sa mag-asawa. Si Choi naman ang sunod na tiningala ng bata. Tinapik ng binata ang ulo ni Maja at bahagyang ngumiti rito. "Go on, brat. Give them a hug." Noon lamang tumalima si Maja at lumapit sa mga magulang ni Choi.

Sa isang iglap ay nakita uli ni Lorie ang mabait na ekspresyon ni Edna Montemayor nang abutin nito si Maja at yakapin. Maging si Don Jaime ay lumambot ang ekspresyon ng mukha habang nakatingin kay Maja na tila ba nais din nitong yakapin ang bata ngunit nagpigil sa huling sandali. Nakahinga nang maluwag si Lorie dahil alam niyang hindi itatakwil ng mag-asawa ang bata.

"And this woman is Lorie. She's the one I want to marry," pinal na pakilala ni Choi sa mga magulang nito.

Muling bumalik ang tingin ng mag-asawa sa kanila. Bumalik ang pagka-tense ni Lorie nang makitang tumiim uli ang mukha ng mga ito, lalo na si Don Jaime. "At sa tingin mo ay papayag ako?" mataginting na tanong ng don.

Nakita ni Lorie sa gilid ng mata niya ang pagtiim ng mga bagang ni Choi. "I'm not asking for your permission, Papa. I'm informing you."

Naningkit ang mga mata ng don at tumingin kay Lorie na para siyang inaarok. "Paano ka naman nakakasigurong hindi pera mo lang ang habol ng babaeng 'yan? What made you think that the rumor about her seducing you by using your child is not true?"

Sinasabi na nga ba ni Lorie at ganoon ang mangyayari. Alam na niya iyon pero sumama pa rin siya, umasa na baka sa kabila ng yaman at kapangyarihan ng pamilya Montemayor ay hindi papansinin ng mga magulang ni Choi ang malaking pagkakaiba ng katayuan nila sa buhay. Na hahayaan ng mag-asawa na maging masaya sila ni Choi. Subalit mali si Lorie.

"I told you that was an exaggeration," ani Choi.

"Pero hindi iyan ang nakikita ko ngayon, Pocholo. You look so smitten with her. What's so good about her anyway?" tanong ng don.

Hindi na nakatiis si Lorie na manahimik lang sa sinabi ni Don Jaime. Buong tapang na sinalubong niya ang tingin ng don at saka nagsalita. "Mawalang galang na ho pero hindi ko kailangan ang pera ni Choi o ng pamilya ninyo. Katunayan kasama ang mga iyon sa dahilan kung bakit hindi ko siya gusto noong una kaming nagkita. Pero minahal ko siya dahil nakita ko na sa kabila ng akala kong pagiging spoiled at iresponsable niya ay kaya niyang manindigan para sa taong mahalaga sa kanya—para kay Maja. Na kahit sinasabi niya na hindi siya magiging mabuting ama at mas gusto niya ang buhay niya bago ko siya makilala, pinatunayan niya na alam niya kung ano ang mas importante sa kanya. Nakita ng dalawang mata ko kung paano lumabas ang pagiging responsible at maalaga niya. Lumabas ang tunay na ugali niya na alam kong namana niya sa mga magulang niyang kilalang mabubuting tao," mahabang pahayag ni Lorie.

Walang nagsalita sa mga Montemayor. Huminga nang malalim si Lorie at pilit pinakalma ang sarili at bahagyang ngumiti. "Alam ko na mahal ninyo si Choi at alam ko rin na inaalala ninyo lang siya kaya kayo nagagalit ng ganyan. Hindi ko kayo masisisi kung ayaw ninyo sa akin para sa anak ninyo. N-naiintindihan ko." Napahinto na si Lorie sa pagsasalita dahil may bumikig sa lalamunan niya.

"I don't like what you are getting at, Lorie," mariing usal ni Choi kasabay ng paghigpit ng hawak ng binata sa kamay niya. Napatingala si Lorie rito. Seryoso ang mukha nito. "I'm not planning to give you up and I will not let you do it either," matatag sa sabi ni Choi sa kanya. Bumaling uli ang binata sa mga magulang nito. "And if you think she seduced me then yes, she did. Kung ganoon ang tingin ninyo."

The Prince's Scandal Trilogy: CHOI AND THE BABYSITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon