Part 30

32.8K 858 33
                                    

"NAGKITA na ba kayo?"

Mula sa pagngiti sa kumukuha ng larawan niya ay napalingon si Choi sa tanong na iyon ni JT. Nasa launching sila ng bagong collection ng mamahaling sports wear apparel kung saan sila naimbitahan ng araw na iyon. Guest lamang sina Choi roon dahil ang tunay na bida sa araw na iyon ay ang kapatid niyang si Riki na siyang modelo ng bagong clothing collection na iyon na kasalukuyang nasa isang panig at pinalilibutan ng mga babae.

Choi also had a share of groupies tailing him a while ago pero nagawa niyang itaboy ang mga iyon. Sa totoo lang ay nabo-bore na si Choi sa company ng mga babaeng iyon. At kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang manatili na lamang sa unit niya kasama sina Lorie at Maja dahil pagdating sa dalawang iyon ay wala siyang nararamdamang boredom. But Choi knew this event was an exposure and would be a good for business. Isa pa, lalo lang magtataka ang mga reporter kapag hindi nagpakita sa madla si Choi. Lalo lamang maghihinala ang mga reporter tungkol sa pribadong buhay niya na paboritong topic na naman ng mga ito.

"Hoy, ano na? Pagkatapos kong magpakahirap hanapin siya para sa 'yo, hindi mo naman ako sinasagot," patuloy ni JT.

Bumuntong-hininga si Choi at umiling. "Not yet."

Kumunot ang noo ni JT. "Bakit? Ibinigay ko na sa 'yo ang bagong number niya, hindi ba? Hindi mo pa siya kinokontak? Akala ko ba nagmamadali kang makausap si Sheila para maibalik mo na sa kanya ang bata."

Napatiim-bagang si Choi dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi ni JT. Oo nga at kailan lang ay iyon ang sinasabi niya. But now, he hated the thought of giving Maja back to a woman who nonchalantly threw her to him. Kaya kahit na kay Choi na ang contact number ni Sheila at alam niyang nasa Maynila ang babae ay hindi niya ito magawang tawagan. In fact, deep inside, he didn't want to see her anymore. Ang gusto na lang ni Choi ay alamin kung talagang ibinibigay na ni Sheila sa kanya si Maja at siguruhin na lang na hindi manggugulo ang babae sa hinaharap. Dahil sa unang pagkakataon sa buong buhay ni Choi ay may nabuong plano sa isip niya tungkol sa hinaharap na excited siyang matupad.

"I will contact her soon," sagot niya kay JT.

Pinakatitigan siya ni JT habang bahagyang nakakunot ang noo. "You know, man, you've changed."

Natigilan si Choi sa sinabi ng kaibigan. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Lalong tumiim ang titig ni JT sa kanya. "I can't quite put a finger to it but I know you've changed. Nag-iba ang aura mo at nagmukha kang... bored. At least kapag kasama kita o tuwing nakikipag-usap sa 'yo ang mga kakilala natin. It's as if you always want to go somewhere else every time I see you. You have an aura of a... family man who could not wait to go home. What's the deal?" bulalas ni JT.

Ilang segundong pinroseso ni Choi ang mga sinabi ni JT bago siya ngumisi dahil nahulaan nito ang nangyayari sa kanya nang mga nakaraang araw. Lalo namang kumunot ang noo ni JT sa reaksiyon ni Choi. Mukhang may sasabihin pa ito ngunit hindi na natuloy dahil sabay silang lumingon nang tawagin siya ni Riki.

"Choi, are you fine now?" nakangising tanong ni Riki.

Gumanti siya ng ngisi. "Yes. Never been better," sagot ni Choi.

Umangat ang isang kilay ni Riki at biglang tumawa. "Let me guess, nagkaayos na kayo ng babysitter mo. That's why you're grinning stupidly like that. You're out of your mind to actually fall in love, brother," buska ni Riki.

"You are the one who's grinning stupidly, Riki. Palalampasin ko ang sinabi mong iyan sa ngayon but not next time. Especially if you say that in front of her," sagot ni Choi sa kapatid.

"Wait, what babysitter? I knew it, may hindi ka sinasabi sa akin, Choi," manghang sabad ni JT.

Nagkibit-balikat na lamang si Choi dahil alam niyang hindi iyon ang tamang lugar para pag-usapan iyon.

"Pero hindi ko alam kung dapat ka pa ring matuwa sa nalaman ko, bro," ani Riki sa mas seryoso ng tinig. "Raiven told me that Papa called him last night. Darating na sila bukas kahit dapat ay four days from now pa ang uwi nila. Do you know why? Because they saw an article on the Internet about you. Ano ang plano mong gawin?"

Bumuntong-hininga si Choi at wala sa loob na napahawak sa sentido. "The only thing I can do is to be honest with them, I guess. And to tie loose ends with Sheila. And to protect Maja for a possible stir," aniya kay Riki.

"So, hindi mo na ibabalik kay Sheila ang bata?" mahinang tanong ni JT.

Lumingon si Choi sa kaibigan. "Hindi na. I will keep her for good. In fact wala akong balak ipakita pa kay Shiela si Maja dahil napansin ko na kapag binabanggit si Shiela ay natatakot ang bata. Kakausapin ko lang siya para magkalinawan kami at hindi na manggulo sa hinaharap. Kakayanin ko ang eskandalo pero gusto ko munang makausap ang mga magulang ko bago ako gumawa ng susunod na hakbang," determinadong sagot ni Choi.

Ngumiwi si JT. "So, I think I messed up, huh. Sorry, man."

Natigilan si Choi at biglang kinabahan sa ekspresyon ng mukha nito. "What does that mean?"

Lalong tumindi ang pagkakangiwi ni JT. "Well, dahil akala ko nagmamadali ka... I gave your complete address to Sheila. Saka sinabi kong hinahanap ka niya. So, kung hindi mo siya kokontakin ngayon, malamang pumunta siya sa unit mo like maybe today?"

Tuluyan nang nataranta si Choi sa posibilidad na bigla ngang sumulpot sa unit niya ang babae at mapagbuksan ito ng pinto ni Lorie. Paano kung ano ang sabihin ni Sheila kay Lorie? Alam ni Choi na mapagmataas si Sheila. He knew because he was once like her. Ang isiping may gagawing hindi maganda kay Lorie ang babae ay nagpapakulo na ng dugo ni Choi. He would not let her or anyone else for that matter hurt Lorie in any way.

"I'm going home. Kayo na ang bahalang magsabi sa kanila kung saan ako pupunta. Tell them I have another appointment," sabi ni Choi, sabay tapik sa mga balikat nina JT at Riki. Magpoprotesta pa sana ang dalawa ngunit hindi na niya pinansin pa iyon. Mabilis na umalis si Choi sa pagtitipong iyon.

The Prince's Scandal Trilogy: CHOI AND THE BABYSITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon