Chapter 21

5.8K 132 2
                                    


Zayn's POV,

Pumasok na kaming lima sa entrance ng head quarters namin kung saan magkikita kami nila Theo. Naabutan ko pa 'yung mga tauhan ko na busy sa pagbabantay sa bawat silid ng head quarters.

"Boss!" Tawag ni Buz sa akin. Isa siya sa mga katiwala ko dito sa head quarters .

"Oh, kumusta dito? May napapansin ba kayong kakaiba?" Tanong ko medyo umiling naman siya sa tinanong ko.

"Okay pakisabi nalang sa iba na mag handa sila pagdating nila Theo baka may hindi tayong inaasahang mangyayari ngayon!" Saad ko sa kaniya. Dahan-dahan naman siyang tumango saka umalis.

_______

"Dadating ba sila?  Kanina pa tayo dito e, paespesyal naman masyado 'yung Theo'ng na 'yun!" Pagmamaktol ni Josh.

"On the way na 'daw sila kaya tiis-tiis muna Josh. Bakit handa kana bang ma dead huh?" Biro ni Azu at agad ko naman siyang tinaponan ng masamang tingin.

Ang ganda ng mga biro nila? Tssk!

"Baka naputukan na 'yun ng gulong kaya natagalan. Hahaha, buti nga!" Isa 'rin 'tong si Azi. Magkambal nga talaga 'tong dalawa, parehas may tupak pero mas okay naman 'tong si Azu kompara kay Azi.

"Tumahimik ka nga Azi, ang ingay mo!" Sita naman ni Bryan.

"Boss, nandiyan na sila!" Sigaw ni Buz sa hindi kalayuan, kaya nagsihanda na 'rin kami. Hindi naman 'daw away ang pinunta nila Theo dito may kunting kasundaan lang 'daw. Pero hindi 'rin natin alam kong ano talaga ang tunay nilang pakay kaya mabuti na 'yung handa. Baka nga naghahanda na pala 'yung kabilang grupo kaya mabuti na 'yung alerto 'din kami sa mga susunod na mangyayari.

Nakita ko ng paparating na ang mga kampon ni Theo sa pwesto namin, may dala-dala silang apat na maleta ng pera kapalit ng talong kahong shabu galing sa amin.

Wala paring pinagbago si Theo, mayabang parin. Kahit ilang beses ko ng pinatumba ang lakas parin ng loob makipagtagisan sa akin ng lagim.

"Kumusta Zayn? Mukha nakahanda na kayo ah!" Sabi niya na may nginunguyang chewing gum. Ngayon ko lang siya nakita ng mas malapitan at masasabing kong may dating 'din ang isang 'to. Parang may hawig siya sa akin ng kunti, pero mas lamang parin ako syempre.

"Okay lang naman Theo buti naman at buhay ka pa! Mabuti na 'yung alerto baka susugod 'yung mga kalaban namin ng hindi namin inaasahan. May mga kalaban pa namang duwag na sinasamantala kapag hindi nakahanda." Sagot ko 'rin sa kaniya at bahagya siyang tumawa.

"Hahaha! Wala ka paring pinagbago Zayn, takot ka lang yatang matalo namin kayo. Pero wag kang mag-alala hindi 'yan ang pinunta namin dito, gaya ng kunting kasunduan natin. Walong milyon kapalit ng tatlong kahon!" Maangas niyang Sabi.

"Hindi naman ako talkshit Theo, kaya wag mong ibaling sa akin ang gawain mo!" Sabi ko sa kaniya. Sinenyasan ko lang 'yung mga tauhan ko, saka nila nilagay ang tatlong kahon sa unahan ko. Ganun 'rin siya sinenyasan niya 'rin ang isa sa mga tauhan niya na may dalang maliit na maleta ng pera at inabot niya sa akin. Sinenyasan ko naman si Marven na kunin 'yung maleta at agad naman niya itong tinanggap saka tinignan.

Tumango lang si Marven na hudyat na 'Okay na' kaya sinensayan ko lang 'din si Theo na pwede na nilang kunin. Agad naman nila iyon kinuha at agad 'ding umalis pagkatapos.

Sa totoo lang ang grupo namin ang pinakamataas sa rankings ng boung Mafia dito sa pilipinas ang LION TIGER. Bawat membro dito ay may tattoo ng mukha ng lion at tiger simbolo ng pagiging membro namin. Pero ako wala akong tattoo dahil hindi ako nagpagawa wala namang umangal dahil boss 'to. Kaya wala silang magagawa lalo na't ako ang leader ng organization namin.

Isa rin si Xian sa mga membro ng Organization namin kaya 'dun ko nakilala si Xy actually mula pagkabata kilalang-kilala ko na siya. Siya lang ang walang alam tungkol sa akin. Nung may party sa bahay nila syempre imbitado kaming lahat. Hanggang sa sinugod kami ng mga kalaban namin na wala kaming laban dahil sa hindi inaasahang pangyayaring 'yun.

Sunod-sunod nalang ang putok ng baril na naririnig namin, hanggang sa marinig na namin 'yung batang babae na umiiyak habang kandong niya ang katawan ng lalaki. Doon nanlumo lahat ng galit ko ng makita kung si Xian pala yung nakahandusay na sa sahig na walang malay.

Lalapitan ko sana sila pero nangingibabaw parin ang nararamdaman ko ngayon na may halong poot at galit. Sinundan ko kung sino ang bumaril at sumugod sa amin sa Party at 'dun ko nalaman na ang kampon pala nila Lucas ang sumugod sa amin. Simula 'nun palagi na namin nakakalaban ang kabilang panig nila Theo at Lucas.

Nung malaman ni Theo na may kapatid na babae si Xian ay nangati na naman ang mga kamay niyang makuha ito. Kaya palagi niya itong pinapasundan hanggang sa hindi ko na matiis kaya pinakidnap ko nalang si Xy kina Azu. Walang pwedeng umangkin sa kaniya maliban sa akin. Matagal ko siyang iniingatan ta's mapupunta lang sa mga walang kwentang kalaban. Tssk! Nagkakamali ka ng kinalaban Theo.

Pumasok na ulit kaming lahat sa loob ng building maliban sa mga nakapwestong magbantay sa labas.

"Ang hambog talaga ng Theo'ng 'yun! Ano kayang pinagmamalaki 'nun?" Naiinis na bulakbol ni Josh habang naglalakad.

"Tumahimik ka nga diyan, Josh. Nabakla ka naman dahil may dating ang isang 'yun, parang pamilyar 'yung itsura!" Sabay iling pa ni Bryan.

"Medyo may hawig kayo, boss!" Si Josh habang sinisipat ang bawat parte ng mukha ko. Anong problema neto? E halata namang mas gwapo ako 'dun.

"Baka naman may plano 'yung maging doppleganger ni boss!" Sabat ni Azi saka sila nagtawanan.

"Pambihirang Theo nakikipagkompetensiya talaga kay boss. Lahat nalang talaga gustong abutin, halata namang hanggang balikat lang ni Boss ang kaya niyang abutin." Si Azu naman. Ang ingay talaga ng mga bibig nila Wala ibang magawa kahit na naglalakad umaarangkada parin.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA!" Mahabang tawanan nila maliban sa akin na seryosong naglalakad, baka sa sobrang seryoso ko neto tubuan ako ng sama ng loob. Tumikhim pa muna ako bago pumasok sa loob ng head quarters kaya natahimik silang lahat. May pag-uusapan lang kami saglit, uuwi ako ngayon ng maaaga dahil ayaw kong maghinala sa akin si Xy.

Kidnapped By The Mafia Boss [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon