Kendra Leigh Flores
"Baklaaaaaaaa" rinig kong tawag sigaw sakin ng maarte kong bespren.
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng HRM building ng Augustus University kasama ang aking mga Libro. Yes, Libro! In english Books. I'm a bookworm person.
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad at hindi pinansin ang madamdaming tawag sakin ng maarte kong bespren.
" Bakla naman eee!" Nagpapadyak na tawag nya sakin. Hulaan ko, nagdadrama na naman yang baklang yan. Tss, bahala sya dyan. Nagtatampo ako sa kanya. Hmp!
Napahinto nalang ako sa paglalakad ko nung nabangga ako sa pader. Este sa ---
"Bakla sorry na." - malambing na sabi sakin ng maarteng bakla na nakaharang sa dinadaanan ko. Dibdib nya pala yung matigas na pader na nabangga ko kanina? Di ko napansin, nakatungo kasi akong naglalakad kanina.
" Hmp! Ewan ko sayo!" - sabi ko sabay irap sa kanya. Tumalikod na lang ako. Magsisimula na sana akong maglakad ng hilain nya ang Maliit na Pink bagpack ko. Kaya napaharap ako sa kanya. " Tulungan na kita sa mga dala mo bakla" - maarte pero malambing na sabi sakin ng bakla habang kinukuha sa akin ang mga dala kong libro. When infact, isa lang naman ang kinuha nya among 5 books na dala ko. Grabe, ang laki ng naitulong nya sakin. Sobra!
" Sorry na bakla, nakipagdate kasi ako kay Stanleyhoneybebe ko kahapon kaya ako absent ee." - nakangusong sabi sakin ng bespren ko. Hayy, nagpapakyut na naman ang Lokaret.
"Tss, alam ko bakla. Kaya lang, alam mo namang may importanteng activities tayo kahapon diba? Inuna mo pa yang paglalandi sa Stanley na yan! Paano nalang kung mabuntis ka? Pananagutan ka ba nya? Paano nalang ang pag-aaral mo? Paano na ang mga pangarap mo sa buhay? Itatapon mo nalang ba lahat yan para sa lang sa Stanleyhoneybebelalabs mo?! Hindi mo ba---" hindi ko na natapos ang mahabang speech sa kanya dahil narinig ko syang tumatawa.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" o kitams? Kung makatawa akala mo katapusan na ng mundo. Tsk. Aba gago to uh?! Ako na nga itong nag aadvice, ako pa itong pinagtatawanan.
"HAHAHAHAHAHAHA" Halos mangisay ngisay na sya sa sahig kakatawa. Habang ako nakatingin lang sa kanya ng nagtataka. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko?
Nung napansin nyang seryoso akong nakatingin sa kanya habang nakataas ang kaliwa kong kilay ay sumeryoso sya bigla.
"Ang OA mo talaga bakla. HAHA!" Natatawang sabi nya. "Che!" Sabi ko sabay irap sa kanya. Naglakad na ako palayo sa abnoy kong bespren. Kabanas! Hinabol nya naman ako. "HAHA, sorry na bakla." tingnan mo to, nagsosorry daw pero tumatawa. Gaga. "Anyways bakla, o ayan na ang libro mo. Tutal bati naman tayo. Tsaka, Duh! Ang bigat kaya nyang dalhin. Nakakastress ng ganda!" Maarteng sabi nya sabay balik sakin ng librong TULONG daw nya kanina.
"Che! Oa mo din, makabigat ka dyan. Eh, isa lang naman ang dinala mong libro!" Naiiritang sabi ko sa walangyang baklang to.
"Haha!" Aba't tinawanan lang ako ng lokaret! "Bilisan mo ngang maglakad dyan, Kendraleigh! You're so bagal maglakad ee baka malate ka na sa first period mong lokaret ka! Madadamay pa ako!" Sabi nya habang kinakaladkad ako. Tamo to! Kung makakaladkad naman parang di babae. Ayt, hehe. Feeling babae lang pala sya. Haha!
Anyways, nakalimutan ko palang iintroduce sa inyo ang maarteng malanding baklang walangyang nanghihila sakin ngayon papunta sa room ko. Kung bakit ba kasi sa dulo pa ang room ng section ko! Hayyst.
Okey, ipapakilala ko na sya sa inyo.
~Tingggg tinggggg~ (Sound effects yan. Wag kayong ano!)
Ladies and Gentlemens, presenting! Her este his majesty. Mavy Charles A. Hidalgo. 19 years old, a 3rd year college student taking up a Business Management at Augustus University. 1 year older sya sakin. Pero same lang kami ng Year. I'm a 3rd Year College na din taking up Hotel and Restaurant Management. Magkaiba kami ng Course but we're classmates sa isang subject and absent sya kahapon because of that Stanley, His Crush. We've been Bestfriends for 3 years. Yeah, 3 years. Mula pa nung 1st year ako sa College dito sa Augustus ee sya lang ang naging Bestfriend ko. Kahit magkaiba kami ng bestfriend kong yan ay mahal na mahal ko parin yang baklang yan. He she he or whatever! is My best bestfriend. Ang maganda kay Mavy is that, kahit he's a gay. People respects him parin. Hindi naman kasi kaladkaring bakla si Mavy. The way he talk and move is gayish but yung pananamit nya is Daig pa ang mga Male model ng Bench! Panlalake yung mga damit nya, even his perfume? Gosh! Napakamanly. Kung minsan nga if di sya nagsasalita at seryoso sya? Mapagkakamalan mo syang PURE LALAKE. Kung bakit ba kasi naging bakla pa tong bespren kong to? Teka teka nga?! Eh, ano naman kung bakla sya diba? I mean, sayang kasi ee. He's Damn HANDSOME! Napakaguwapo nya kung tutuusin. He has well built body. I bet he has 6 or 8 packs of pandesals under his shirt. He has dark eyebrows, captivating dark brown eyes, And He's tall. Hanggang balikat nya lang ako. Kung kaya't madalas ay kinakaladkad nya pa ako para mapabilis sa paglalakad. Gaya ng ginagawa nya ngayon.
Nakarating na kami sa pintuan ng Room ng section ko pero di pa ako nakapasok sa room. "Oh andito na tayo Leigh ." seryosong sabi nya. Anyare dito bat naging seryoso? "Ah, okey. Salamat sa paghatid Bakla. Hintayin mo ko dito sa labas mamayang breaktime uh? Bye Bakla." Nakangiting sabi ko sabay beso sa kanya. "Basta don't make me wait forever uh? You know i hate waiting. Duh! Nakakasira ng ganda!" Maarteng sabi nya sabay flip hair akala mo naman ang haba ng buhok ee naka clean cut naman sya. Lokaret talaga. Haha! "Ang arte mo! See yah!" Mataray na sabi ko sabay flip hair at dahil mahaba ang maalon alon kung buhok ay alam kong tinamaan sya sa mukha. Kyahaha! Nakapasok na ko sa room namin at naupo na agad sa upuan ko. Wala pa naman ang proffesor namin sa First subject kaya nagbuklat nalang ako ng Libro at nagbasa.
Mavy Charles Hidalgo
"Ang arte mo! See yah!" Mataray na sabi sakin ng bespren ko. At nagflip hair pa ang lokaret! Natamaan tuloy ang precious Face ko. Gosh!
Naglakad na ako paalis ng classroom nila at nagmadaling magpunta sa Building namin. Ang layo pa naman nun! Argh! Kakastress ng ganda. Psh. Pataas na ako ng hagdan papuntang second floor ng building namin ng nagring ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at nakita ko ang pangalan ni Dad sa screen. Agad ko itong sinagot.
"Yes Dad?" Magalang na sabi ko. Boses lalaki ang gamit ko. Mahirap na baka majombag ako ng ama ko pag nalaman nyang sirena ang anak nya.
"Umuwi ka ng maaga, We'll be having dinner with the Arevalo's. I want you to meet her daughter---" hindi ko na pinatapos si Dad sa pagsasalita. Alam ko namang irereto nya na naman ako sa kapwa ko Dyosa!
"Dad! Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo na ayaw ko sa mga nirereto nyo sakin. I don't like them!" Medyo napataas na ang boses ko sa pagsagot sa Dad ko. He's always like that. Lagi nya akong nirereto sa mga spoiled brat na anak ng mga business partners nya.
"Charles! Don't you dare raised your voice on me! You should meet my business partner's Daughter!" Madiing sabi nya.
"And besides, Di kita titigilan hanggat di ka pa nagkakagirlfriend. Baka naman babakla bakla ka Charles! Don't you dare, kung ayaw mong baliin ko yang buto mo!" Maawtoridad na sabi nya sakin. Nanindig lahat ng balahibo ko sa sinabi ni Dad. Gosh! Ayokong mabalian ng buto no!
"Who told you i'm a gay dad? I'll prove you i'm not. I have a girlfriend. You'll meet her later. Bye!" Seryosong sabi ko sabay patay ng tawag. Nandiri ako sa sinabi ko kay Dad. Ewwws! Girlfriend? Yuck! I prefer boyfriends. Anyways, mukhang kailangan kong makausap ang bespren ko mamaya. Sya lang ang makakatulong sakin.
#QueenMavis :
Hello ebribadi! Pasensya na sa update. First time gumawa ng story ee. Pasensya if di nyo nagustuhan. I'll do better sa next chapters! Enjoy reading guys! Love Lots! Mwaaaaps.
BINABASA MO ANG
A Beauty And The Beast Lovestory
General FictionA beauty and the beast Lovestory: This is not a fairytale Lovestory kundi Lovestory ni KendraLeigh na nainlove sa Bestfriend nyang Beauty. Yes Beauty! Hindi sya tomboy okey? She's Pure Anak ni Eva. Sino si Beauty? Sya lang naman ang DYOSA sa lahat...