Chapter 6

34 1 0
                                    


Mavy Charles Hidalgo

Dahan dahan ko syang ibinaba sa malambot nyang kama sa kanyang kwarto. Mahimbing parin ang tulog nito. Kanina pa sya tulog pagkatapos naming dumalaw nina Tita sa sementeryo. Pagkatapos nyang magdrama sa harap ng puntod ng kanyang ama ay hindi na sya kumikibo sa loob ng kotse hanggang sa napansin ko nalang na nakatulog na sya. And i didn't bother to wake her up because i know that she needs rest.

Hindi ko parin makakalimutan ang itsura nya sa pag iyak. She's pretty kahit na umiiyak but i can't stand seeing my bestfriend's cry. I hate it. I just hate it.

Pinunasan ko ang luhang kumawala mula sa kanyang nakapikit na mata. Kahit na natutulog umiiyak parin sya. She really misses her Dad and she's in pain.

"If only i could take all your pains away right now. I already do that." I wispered.

"I know you're in pain and i hate myself because i can't do anything. I hate it when i see you crying." Pinunasan ko ulit ang luhang kumawala sa kanyang nakapikit paring mata. She's too beautiful to cry.

I stared at her face. I felt a pang of pain in my chest habang nakikita kong nasasaktan sya. Hindi ako sanay. Pinunasan kong muli ang kanyang luha. Bago tumayo. I planted a soft kiss on her forehead and leave her room.

Nagpaalam muna ako kay Tita bago ako umalis. Pagkapasok ko sa aking kotse i picked up my phone and began typing after i send it. Mabilis kong pinaharurot ang aking sasakyan.







Kendra Leigh Flores


Nagising ako ng marinig kong mag ring ang aking phone na nakapatong sa aking bedside table. I immediately get it to check kung sino ang tumatawag. And to my surprise it is KUYA KENNETH! Dali dali ko itong sinagot.

"Kuyaaaaaa!" Masiglang bati ko.

"Argh! Ang sakit mo sa tenga!" Napanguso ako sa sinabi ni kuya.

"Anyways, How's my baby bunso?" Malambing na sabi nya, pertaining to me. Napaismid ako sa tawag nya sakin.

"Kuya! I'm not a baby anymore! But, i'm fine."

"But you act like a baby. Haha! Anyways, tell Mama that i'll be home soon. I just need to fix my schedule here in Canada. Namimiss ko na kasi kayo ni Mama. I wanted to see you again. SOON. Kung bakit ba kasi ayaw nyong dito nalang sa Canada manirahan. You know i can give you what you want here at mas safe kayo kung kasama nyo ako." Mahabang litanya nya. Naparoll eyes nalang ako. Paulit ulit nalang kaming ganito. Sa tuwing tumatawag sya. Lagi nyang tinatanong kung bakit ayaw naming manirahan sa Canada with him.

"Kuya, paulit ulit nalang ba tayo dito? You know naman the answer to your questions diba? Ayaw naming umalis ng bansa because ayaw naming iwan ang mga alaala ni Papa dito." Malumanay Sagot ko sa kanya.

"Okay okay, just be safe there. Okay? I'll be home soon. I miss you baby. I love you." Pagsuko nya kahit kailan sweet talaga tong si Kuya Ken isa sa mga ugali ng aming ama na namana nya.

"Opo kuya. I miss you too. I Love you." Then i ended the call. Hayy, i miss my kuya Ken so much. Namimiss ko na silang dalawa ni Ate. I hope makita ko na sila ulit soon.

Mula ng mamatay si Papa, si Kuya Ken na ang namamahala sa business ni Papa na nalaman naming palubog na pala. It's because, mula nung mangyari ang aksidente. Maraming mga investors ang nagback out. But Kuya did everything para maisalba ang aming business. Which he did it successfully. I mean, hindi man nya naibalik ang mga investors ng aming kumpanya. He manage to create new sa business nila. Which lead na maraming business investors ang nag offer ng tulong. Basta ganun na yun. Kung nagtatanong kayo kung bakit nasa Canada sya? It's because nilipat nya ang branch ng aming business sa Canada. He says, he want to live there and its better if he'll manage our business dun sa ibang bansa. Mas malaki daw kasi ang halaga ng money in other countries. Which is true naman. He also want us to be with him doon but mom refuses. She loves my father so much at ayaw nyang iwan ang bahay na to na syang alaala ni Papa. And i chose to be with my Mom kasi hindi ko kayang iwan si Mama dito. Hindi rin namang pwedeng magpaiwan si Ate Kathy dito it's because that time she's new to modelling sa France. It's her dream. Gusto rin naman sana ni ate na idecline ang opportunity but ayaw ni Mama. Pangarap ni Ate ang makapunta sa France at ang matanggap sa isang Modelling company ay isang napakalaking Opportunity.

A Beauty And The Beast LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon