Chapter 14

14 0 1
                                    

Bakit nga ba kailangan nating mag-aral ng mabuti kung may mga tao namang nakakapasa kahit na halos hindi na pumapasok ng klase?

Bakit ba edukasyon ang susi para tayo ay maging successful sa hinaharap?

Bakit araw araw kailangan nating gumising ng maaga para lamang pumasok sa eskwela? Bakit kailangan pahirapan muna ang bawat estudyante sa kanilang subjects para lang machallenge at makakuha ng mataas na marka.

Wala bang madaliang paraan para matuto?

Araw araw kailangang laging makinig sa guro para may matututunan. Dapat laging nakikinig kay teacher para alam natin kung ano ang kailangan nating malaman at gawin.

Kasalukuyan akong nakikinig sa kay Miss Aguas ang aming proffessor. She's the most boring teacher i've ever met. Bakit? Lagi lang syang nagsasalita ng nagsasalita pero wala naman akong makuha sa mga pinagsasasabi nya. She doesn't even care kung may nakikinig pa ba or not. Basta ang alam nya, nagtuturo. Pero pagtuturo ba ang tawag kung yung mga tinuturuan nya ay wala namang natututunan? I bet not.

Magsasalita pa sana sya ng biglang nag ring ang bell, kung kaya't nagdismissed nalang sya at naunang lumabas.

I pack my things, and carried my bag along with my books. When i stepped outside of the homeroom. I saw Mavy, who's just standing holding his phone at nagseselfie. I rolled my eyes. Walang hiya talaga tong baklang to. Di man lang nahiya sa mga dumaraan. Dito pa talaga sa hallway nakuhang magselfie.

I just stood there watching him with my brows creased.

"So, balak mo lang bang magselfie ng magselfie dyan o maglalunch na tayo bakla?" I asked with my arched brows. Muntik pa nitong mahulog ang pinakamamahal nitong Samsung S9. He arched his eyebrow indikasyon na nainis sya sa pagkakagulat ko sa kanya. But i don't care. Gutom na ako at gusto ko ng kumain.

"Bruha ka talaga! Kung itong phone ko nahulog, sasampalin talaga kita!" Inis nyang utas with an annoyed face. I just rolled my eyes.

"Whatever."

Kung makikita lang talaga kami ng mga hindi nakakakilala sa amin, iisipin nilang nag-aaway kami. Pero hindi, ganun talaga kaming magkita. Minsan, uso ang beso. Madalas uso ang murahan. Ganun talaga pag True friends.

Naglalakad na kami ng hallway habang pinapakita sa akin ni Mavy ang gwapong guy na nasa phone nya na kesyo 'Ang gwapo nya.' 'Magiging akin to.' And the likes.

Ewan ko ba dito sa baklang to. Gwapo naman sana. Pero gwapo naman ang hanap.

Bakit kaya hindi nalang 'to sya maghanap ng girlfriend na maganda tulad ko. Ehem! I mean, gwapo kasi talaga sya ee. Bakit hindi maganda ang hanapin nya kesa sa gwapo. Ang gwapo ay para sa maganda. Ang maganda para sa gwapo. Hindi gwapo sa gwapo.

Konti nalang kaya ang gwapong natitira sa mundong 'to. Mas maraming pangit. Kung sino naman yung mga pangit sila pa yung choosy at manloloko. Nakakabuwisit!

Hindi na kami dumiretso sa school canteen or cafeteria dahil lumabas na kami ng school at pumunta na kami sa pinakamalapit na mall. They call this place 'mini starbucks' bakit mini starbucks? Ewan, tanungin nyo ang may-ari. Haha!

Mini Starbucks- ay isang maliit na mall na pinakamalapit sa Augustus University. Hindi naman talaga sya maliit but mas maliit ito kumpara sa Original Starbucks. However, kumpleto din naman to dito.

Pumunta na kami ng food court at dun na din kami bumili ng foods. Tatambay nalang muna kami dito. Palipas oras. Dalawang oras pa bago ang susunod na klase ko. Itong baklang to? Wala na syang klase sa afternoon ngayon araw. So uuwi nalang daw sya after this or maghahanap ng date. Kelan ba to naubusan ng date? I sighed at that thought.

A Beauty And The Beast LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon