Kinabukasan...
Naglalakad na ako papaakyat sa building namin ng biglang may umakbay sa akin.
"Ano ba bak----"
"Oy, chill lang naman tayo Miss Flores. Masyado naman atang mainit ang dugo mo ngayong araw." Nakangiting aso na sabi nya. Tss. Ano na naman kailangan ng ano nga bang pangalan nito?
"Alam mo Mister Idunno-who-you-are. Lumayo layo ka sakin uh? Baka di kita matantsya." Iritadong sabi ko sa kanya.
"To naman, nakikipagkaibigan lang. Akin na nga yang mga libro mo. Masyado atang madami yang dala mo." Sabi nya habang kinukuha sakin ang mga librong dala ko. At hindi tulad ni Mavy na isang libro lang ang kinuha sakin itong si "Ano nga bang pangalan nito" ay kinuha na lahat pati na rin ang bag ko na syang tinanggihan ko.
"Hindi na ako na. Kaya ko na po." Pagtanggi ko.
"Hindi na. Ako nalang ang magdadala. Ang bigat pa naman nyan. Don't worry, walang kapalit to." Sabi nya sabay kindat at inunahan na ako sa paglalakad.
"Oh, okay thanks." Pagsuko ko. Kesa naman sa makipagbangayan pa ko diba? Edi nalate pa ako. Sus! Kahit na isa sa dahilan ng hindi na pagtutol ko ay talagang nabibigatan ako sa mga dala kong libro kanina.
Sinabayan ko sya sa paglalakad. At habang naglalakad kami papunta sa aking classroom ay nag uusap kami. Magaan naman palang kasama tong si--
"Ano nga pala ulit yung pangalan mo? Dylan, Durian, Dustin,D--"
"Haha! It's Drake. Kanina pa tayong nag-uusap di mo pa alam kung ano ang pangalan ko. Nakakatawa ka."
"Edi tumawa ka! Pasensya. Eh, kasi naman naiinis ako sayo last time na magkausap tayo. Ang kulit mo ee."
"Haha! Sorry about that. Nasanay lang"
Nagpatuloy lang kami sa aming kwentuhan at tawanan. Sa sandaling kasama ko si Drake ay pansamantala kong nakalimutan ang nangyari kagabi. Pansamantala kong nakalimutan ang ginawa ni Mavy kagabi. Pansamantala ko syang nakalimutan. Pero hindi ko maiwasang mamiss ang nag-iisang baklang bestfriend ko.
Ng malapit na kami sa classroom ko ay nagpaalam lang ako. At inaya nya na naman akong maglunch na syang tinanggihan ko ulit. But this time. Hindi nya na ako pinilit. Nadala na daw sya rati. HAHA!
Nung makaalis na sya ay dumiretso na lang ako sa aking upuan. Napansin ko ang kakaibang titig sakin ng mga kaklase ko sa subject na ito pero di ko nalang pinansin. Probably, they're thinking kung bakit may kasama akong cool guy. Ya know? Typical classmates na naiintriga kapag may kasama kang gwapo.
Yeah, gwapo. Gwapo naman talaga si Drake ee. Mas gwapo na nga lang si Mavy. Teka nga? Ba't ko ba iniisip yung baklang yun? At bakit ko sya kinukumpra sa kay Drake ee. Alam naman nating lahat that Drake is a straight guy while Mavy is gay. Dyosa ayon sa kanya. Oh diba? Bengga!
Nakapasok narin si Ms. Reyes ang aming Proffesor sa subject na ito. Kinuha ko na ang aking binder sa aking maliit Pink backpack. Napayuko ako ng malaglag ang isang piraso ng papel galing sa aking binder. Nahulog ito nung binuklat ko ang ang binder. Binuksan ko ang nakatuping piraso ng papel para tingnan kung ano ang nakasulat.
'Good morning beautiful.'
Ganyan lang ang nakasulat. Sino naman kaya ang mag-iipit nito sa pagitan ng pages ng binder ko? Imposible din na ako ang naglagay nito because it's not my penmanship. Ibang iba.
Inipit ko nalang itong muli sa aking binder at nakinig nalang sa aming proffesor sa subject na ito.
---
"Oy, Kendra wait!" Napahinto at napalingon ako ng marinig ko ang pangalan ko mula sa aking kaklase sa isang subject na si Jean.
"Oh bakit?" Tanong ko nang makalapit na sya.
"Wala, sabay na tayo." Sabi nya.
"Oh, okay." I responded.
"Himala ata, at di mo kasama si Mavy? Nag-away kayo?" Tanong nya bigla habang pababa kami ng hagdan ng building na to.
"Hmm, sort of? Why?" Sagot ko.
"Wala, i was just thinking kung you know? Bakla ba talaga sya. Because, to tell you frankly. I like him." Hindi ko nalang sya sinagot sa sinasabi nya.
"Haha! I just wished na lalaki nalang sana sya. I mean, nakakapanghinayang kasi. He has the looks and the body. Omygahd!" Ba't parang ang daldal naman nitong babaeng to? Sumabay lang ba to sa akin para dumaldal ng dumaldal tungkol kay Mavy? Bakit parang ang sarap nitong ipatapon sa ilog pasig? Tss.
"I think i need to go. Bye!" Pagpapaalam ko bigla. Kabanas ng babaeng yun. Sumabay lang pala para makipagchismisan tungkol sa bestfriend ko. Hmp! As if namang papansinin sya nun? Teka nga? Ba't na ako nagkakaganito? Ano naman kung may nagkakagusto sa kanyang ibang babae? Like i care! Ah, basta hindi kami bati. Nakakaletse yang baklang yan! Urgh!
Umuwi ako ng bahay ng mainit ang ulo dahil naaalala ko na naman ang bakla. Hanggang ngayon, hindi parin kami nag uusap. Hindi parin kami bati dahil naiinis parin ako sa kanya. Bahala sya sa buhay nya!
Alam kong salubong ang kilay ko pag uwi ko. Sinong hindi? Eh, badtrip nga ako diba? Badtrip ako.
"Mukhang badtrip ang bunso ko uh?" Pakinig kong sabi ni Ku----
"Waaaaaaaaahhh! Kuya Keeeeennn!" Tili ko at agad kong dinambahan ng yakap si kuya na sya namang ikinatawa nya.
"Hindi halatang miss na miss na ako ng baby bunso ko." Natatawang sabi ni kuya habang ginugulo ang buhok ko.
"Syempre naman kuya! Miss na miss ko na ang pinakapogi kong kuya." Medyo naluluhang sumbong ko sa kanya.
"Haha! Talaga bunso? O sige, at dahil pogi ang kuya mo. Punta ka sa kwarto mo nandun na ang mga pasalubong ko para sa baby ko."
"Yehes nemen! Ayan ang gusto ko sayo big brader ee! Love you kuya!" Excited akong pumanhik sa aking kwarto para matingnan ang mga regalong ibinigay nya. Hihi!
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nalaglag ang panga ko ng makita ang regalo ng kuya ko. Omaygahd!
"Waaaaaaaah! Kuyaaaaaa! I love you na talaga!" Narinig ko ang halakhak ni kuya mula sa baba dahil sa sigaw ko.
I'll treasure this gift kuya. Thank you...
BINABASA MO ANG
A Beauty And The Beast Lovestory
General FictionA beauty and the beast Lovestory: This is not a fairytale Lovestory kundi Lovestory ni KendraLeigh na nainlove sa Bestfriend nyang Beauty. Yes Beauty! Hindi sya tomboy okey? She's Pure Anak ni Eva. Sino si Beauty? Sya lang naman ang DYOSA sa lahat...