Kendra Leigh Flores
Tatlong linggo. Tatlong linggo na mula nung makita ko si Mavy na naglalakad palayo sa akin sa hallway.
Tatlong linggo na nya akong iniiwasan. Mas naging malala ang pag iwas na ginagawa sa tuwing nakikita ako mula nung malaman nyang nililigawan na ako ni Drake.
Paano? Inanunsyo lang naman ni Drake sa lahat na nililigawan na nya ako nauna nya itong inanunsyo sa room na sya namang nagkaroon ng maraming reactions mula sa aking mga klasmeyts and i didn't know na nandun sya that time. Nakita ko nalang ang papalayo nitong pigura.
It's not like pumayag ako sa panliligaw nya. But he's courting me sa paraang gusto nya. Hindi naman ako nito pinipilit but he just told me that it's up to him. Kung liligawan nya ako o hindi pero syempre alam nyang sa huli, nasa akin parin ang desisyon kung sasagutin ko sya o hindi.
Siya na rin ang naghahatid sundo sa akin sa school na syang laging ginagawa dati ni Mavy maging sa breaktime, sya narin ang kasama ko.
Kung nasa ibang pagkakataon lang siguro. Baka kinilig na ako, kaso sa nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko magawang matuwa sa nangyayari sa paligid ko.
Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa lumalayo na sa akin ang bestfriend ko. Miss na miss ko na si Bakla.
Si Mama? Okay na naman kami kahit papaano. Hindi tulad nung gabing nagkasagutan kami na halos ayaw ako nitong tingnan. Pero nananatili paring malamig ang pakikitungo nito sa akin. Masyadong tipid magsalita si Mama na hindi naman nito ginagawa dati, dahil madaldal ito.
Bakit ngayong nakita ko na ang lalaking magiging kapares ko sa binubuo kong fairytale lovestory ay sya namang paglayo sa akin ng mga taong napakalapit sa puso ko. Akala ko sasaya na ako nung makita at mahanap ko na ang sariling Beast ng sariling Lovestory ko but it turns out na nilalayuan na ako ng mga taong mahal ko. Saan ako nagkamali?
Mali ba ang magkaroon ng isa pang kaibigan para layuan ako ni Mavy? Mali ba ang magkaroon ng kaibigan bukod kay Mavy at Mildred para manlamig ang pakikitungo ni Mama sa akin? Hindi naman masamang tao si Drake para ayawan nila uh?
Alam kong ayaw lang nila akong masaktan. But can't they give Drake a chance to prove himself? A chance to prove them na hindi naman masamang tao si Drake. He's a good guy. Nararamdaman ko iyon.
Pero minsan natatanong ko sa sarili ko sa tuwing nakikita ko ang Mama kong halos nagtitiis lang na kausapin ako. Si Mavy na nilalayuan ako. Tama bang nakakabuti sya sakin? Tama bang nakakabuti sa akin si Drake kung ang mga taong mahalaga sa akin ay kusa nang lumalayo sa akin?
Hindi ko na alam.
"Thank you." Mahinang sabi ko.
"Always welcome." Binigyan ko lamang ito ng maliit na ngiti saka ako lumabas ng kotse nya.
Kumaway lang ako kahit na heavy tinted ang kotse nya na parang nakikita nya ako. Umandar na ang makina nito saka umalis.
Isa pa sa napapansin ko tuwing inihahatid ako ni Drake sa school ay ang bigla nalang itong aalis. Hindi naman ako nagtatanong kung saan ito nagpupupunta dahil wala naman akong karapatan. Though, nag-aalala ako sa pag-aaral nya ay wala naman akong magagawa dahil hindi ko naman sya kaano ano.
Tsaka, nanliligaw palang din naman sya, hindi ko pa sya boyfriend. At sa nangyayari sa akin ngayon, hindi ko alam kung kaya ko pang magkarelasyon. Dahil alam ko sa sarili kong hindi ako magiging masaya dito lalo na't hindi pa maayos ang sa amin ni Mavy at Mama.
Mag-isa akong naglalakad sa campus. Maaga pa naman bago magsisimula ang unang klase ko sa araw na ito kaya hindi na ako nag abalang magmadali papuntang HRM building.
BINABASA MO ANG
A Beauty And The Beast Lovestory
General FictionA beauty and the beast Lovestory: This is not a fairytale Lovestory kundi Lovestory ni KendraLeigh na nainlove sa Bestfriend nyang Beauty. Yes Beauty! Hindi sya tomboy okey? She's Pure Anak ni Eva. Sino si Beauty? Sya lang naman ang DYOSA sa lahat...