Thirteen

225 2 0
                                    

Thirteen:

gusto ko sanang paniwalaan na bagay kami ni Nathan... kasi yun ang sabi ni Megan. pero hindi yun ang ibig nyang sabihin. at least gusto ko yung ibig nyang sabihin, I can make Nathan forget that girl named Brenna. kahit asar na asar na ko dito kay Cranford kasi puro magagandang traits ang sinasabi nya tungkol kay Brenna.

"and you know what, She's a real Daredevil... maybe that's another reason why Nate fall for her even more" he chuckled.


nagkamali pala ko nang sinabi kong di ko makakausap si Cranford, pede naman pala sya kausapin ng maayos. kaso di ko gusto ung mga pinagsasabi nya.

"Oh c'mon Demise, I know what you want to know"


"what?" tinaasan ko sya ng kilay "you want to know something Brenna can't do" aniya. umiling ako pero mukhang nahalata na nyang nagsisinungaling ko. "don't make me dumb Demise, I know what you're thinking"


 

"ewan ko sayo" masyado na syang pakielamero sa mga gusto kong gawin. di naman sya nangingielam sa mga ginagawa ko pero kung umakto sya parang lagi akong mali. pero nainibago ako dahil nagtatagal yung paguusap namin ng hindi ko sya nasisigawan. siguro sadyang Oa lang ako ng mga panahon na yun.

"salamat sa paghatid" sabi ko, tumango lang sya at nagsimulang umalis.

hinabol ko pa yung kotse ng tingnin at nang mawala na sya pumasok na ko sa loob. bumungad sakin ang prenteng prente na si Kevin, habang kumakain ng meiji na chocolate  habang pinapanuod si Kuya na naglalaro ng xbox. malamang dumating na kuya nya tsaka yung asawa nito.dire diretso ako sa paglalakad paakyat sa taas

"hoy! serenity" sigaw nya, bagot akong lumingon sa kanya.

"Akala ko ba Nathan lang... bakit hinahatid hatid ka ni Damon?" nakangisi nyang tanong.

nag tuloy tuloy ako sa pag akyat at di namalayan sumunod pala sya. masyado pang makalat yung kwarto ko kaya puro sya reklamo pag kapasok, kasalan ko bang pumasok sya agad agad. palibhasa ka lalaking tao ang linis masyado. nilinis nya yung mga nakakalat na notebook at damit sa kama ko at hinagis lang sa kung saan. tsaka sya humiga sa kama ko.

"explain" aniya habang inunan nya ang kanyang braso at nakatingin sakin. bored akong tumingin sa kanya at hinatak sya palabas ng kwarto ko.

"di pa ko tapos sayo!" sigaw nya ng tinulak ko sya palabas.

pagatapos kong maligo, umupo muna ko sa gilid ng kama sa harap ng bintana . nawala bigla yung antok ko. nakahalumbaba ako habang nakatingin sa labas, nang biglang pumasok sa isip ko yung number ni Nathan. kaso baka naman niloloko lang ako ni cranford. baka ibang number to, pero imposible yun si Cranford pa. pero wala namang dahilan yun para lokohin ako. nag message ako kahit 'Hi' lang, maninigurado muna ko kung si Nathan. Ilang oras ang lumipas nakatitig lang ako sa kisame habang nagantay ng reply. napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas.

Playing SafeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon