Twenty One:

148 4 0
                                    

Twenty one:

natapos yung sembreak. umuwi narin kami nung sumunod na araw. nagulat nga kami nang umuwing mag-isa si Damon, dala nya ung Renault pala yung pangalan nung brand nung kotse. hindi na sya nagsalita nung umaga tapos hinanada nya nalang yung gamit at nagpaalam samin... ni Hindi pa nga pinakinggan yung reaksyon namin basta tuloy tuloy lang sya sa paglabas ng resthouse.

"Serenity bilisan mo na!" sigaw ni mama mula sa baba, pero agad ko ding narinig yung boses nya sa pinto ko.

"may nagaantay sayo sa baba, yung sumundo sayo nung party dati" si Nathan?

"sige po matatapos na po ako" sagot ko.

pagkababa ko kumain na ko ng almusal.muntik pa nga ako tanungin ni mama tungkol Damon pero di nya tinuloy. hindi ko alam kung bakit. ipinagkibit balikat ko nalang yun at nagpaalam sa kanya. pagkalabas ko nang bahay, nakita ko si Nathan nakasandal sa kotse nya

 "pasensya na natagalan ako" ngumiti lang sya at kinuha ang mga dala ko. the typical way of courting someone.

"Worth waiting... you look pretty as always" nag-init naman yung pisngi.

"tumigil ka nga" napatakip ako ng mukha sa sinabi nya. narinig ko pa syang tumawa "wag mo nga ko pagtawanan" reklamo ko.

tumigil naman sya pero nakangiti parin sya halatang nagpipigil ng tawa.

"I'm not kidding Serenity you really are pretty"

pumasok na ako sa loob ng sasakyan nang hindi nya tinigilan ang pambobola sa akin. I was stunned when we came at school. kasi talagang kina-reer nya ang panliligaw nya. nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain sya ng lunch. Maybe that girl named Brenna is really lucky to have Nathan in her life... she's too dumb to let Nathan go. pagkatapos ng lunch, pumunta kami sa lugar kung saan nandun sila Damon. speaking of Damon, nagbago rin sya pagkatapos nung araw na yun. tahimik na sya hindi na nya ko iniinis tungkol sa isang bagay, kada makakasalubong ko sya sa hallway hindi na sya nagsasalita tuwing magkakalagpasan kami.

pagkaupo namin ni Nathan, agad na tumayo si Damon.

"there's something I need to do, excuse me" aniya at umalis na. lahat naman kami nakatingin sa kanya habang naglalakad sya palayo.

napansin ko naman na iiling iling si Kevin sa tabi ko. kaya napatingin ako sa kanya. nakangisi naman sya ngayon habang nkatingin sa phone nya. may binasa sya doon, tapos biglang lumaki yung ngisi nya.

"Damon Cranford... you're a one big naive" mahinang sabi i Kevin sa sarili.

"anong tinitingin tingin mo dyan Serenity?" biglang tanong nya sakin ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya.

"anong problema ni Damon?" tanong ko. nakatingin lang sya sakin tsaka nagkibit balikat.

"bakit ako tinatanong mo dyan, mukha ba kong tanungan ng mga tangang tao?" napaismid nalang ako sa sinagot nya. wala talaga syang matinong sagot.

Playing SafeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon