Sixteen:

185 3 0
                                    

Sixteen:

Nung mga sumunod na araw parang wala lang yung nangyari samin. kumabaga balik ulit sa dati. magkasabay kami ni Nathan mag-lunch. ang bago lang ay lagi akong hinahatid pauwi ni Damon, pero as usual wala paring nagbago. masama parin ang ugali. kung maka utos kala mo tatay ko sya at weirdo parin sya. di ko talaga malaman kung psychic ba sya o maraming lang talagang syang galamay. alam nya kasi bawat kilos ng mga kaibigan nya... sa mukha nya mukhang di naman, siguro nga marami lang syang source of information kaya ganun.

"pansin mo hindi na naguusap si Deana at si Lee" sabi ko tumango lang si Damon "bakit kaya?" pahabol ko pa.

"why are worried for them?" tanong nya.

"malamang kaibigan ko si Deana eh" sabi ko "paano nalang kung sinaktan nya si Deana. pero parang di naman magagawa yun ni Lee... pero pwede din, Ah ewan"

"stop thinking of them" aniya.

matagal rin bago ko napansin na hindi na naguusap si Deana at Lee. tinatanong ko si Deana pero lagi nyang sinasabi, wala lang daw yun kaya ipinagkikibit balikat ko nalang pero tuwing titingnan ko sya pagkatapos kong itanong yun. laging parang iiyak. pag napansin nyang nakatingin ako ngingiti sya... nakakaasar lang, yung ngiti nya pilit. Ah di ko alam ang gagawin ko. ayoko naman magtanong kay Lee, kasi para akong kumakausap sa hangin pag ganun. napasimangot ako tuwing iniisip ko yun.

"I said stop thinking of them" lumingon ako kay Damon. "paano mo naman nasabi na yun yung iniisip ko" pang hahamon ko sa kanya.

"because you look like a freaking duck when you pout like that" bale wala nya, grabe ang layo ng sagot nya sa tanong ko. at wala lang sa kanya kung mainsulto... Ah! Grabe! ano bang utak meron tong si Damon. umiwas sya ng tingin at parang may binulong pa pero di ko narinig. See? di ko alam kung abnormal ba sya o ano eh.

masyado akong naiistress sa kanila kaya di ko nalang sila inisip. di dahil sa sinabi ni Damon kundi dahil gusto ko. weekend kaya wala akong magawa sa bahay. nagikot nalang kami ni Kevin sa village. tagal ko narin syang di na ka kasama, di kaya may pinagkakaabalahan to. Babae? hmm siguro nga. baka naka-move on na sya dun sa ex nya. actually di ko kilala yung babae kahit pa bestfriend ko to si Kevin. masyado kasing tahimik pagdating sa ganyan. matanong nga malay mo sumagot.

"Hoy Kevin"

tinignan nya ko ng masama "wag mo nga ko ma-hoy hoy! di mo ko pinapakain" reklamo nya. sinimangutan ko sya "ano ngang tanong mo?"

"bakit ngayon ka lang nagpakita sakin, siguro may babae ka na no?" nginisian ko sya, ngumisi din sya... at binatukan ako. "Sira! Babae ka dyan! di ako katulad ng Nathaniel mo!" aniya.

"Hoy hindi na katulad ng Dati si Nathan! simula nang makilala nya ko" pagmamayabang ko, mas lalo pang luma ki yung ngisi nya nang makita namin si Nathan na nakasandal sa kotse nya. may kausap na babaeng mukha na namang kagagaling lang sa foundation day.

"hindi pala ah" utas nya. inismiran ko sya at naglakad ako palapit kay Nathan pero narinig kong sumigaw si Kevin sapat lang para di marinig ni Nathan "Possesive! di naman kayo ah!" yun yung sinigaw nya kaya nilapitan ko sya at tinampal yung braso, napangiwi naman sya. buti nga.

Playing SafeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon