Thirty four:

165 2 1
                                    

Chapter thirty four:


Damn Serenity! Why did you even kiss him back. Hindi na ako nagsalita pagkatapos nung nangyari, ayoko nang magkaroon pa ng kahit anong kaugnayan sa kanya maliban sa trabaho ko. Umalis ako agad pagkatapos ng ilang paguusap tungkol sa event. akma niya akong pipigilan pero nang makita niyang namumutla yung mukha ko hindi na siya nagtangka pa.


Dumiretso ako sa hotel na pagdadausan ng event. Napakunot yung noo ko nang makita ko si Lucio sa lobby ng hotel na ito. nilapitan ko siya agad.

"Lucio!" tawag ko sa kanya.

napansin kong nagulat siya sa pagtawag ko. "Serene?"


"anong ginagawa mo dito?" tanong ko.


"Ah- yung i- isang boss ko dito nakatira." ngumiti siya ng bahagya. tumango naman ako.

"Ikaw, sweetheart?"

"dito ihe-held yung event na ino-organize ko" sagot ko sa kanya.

"yung sa Cranford?" tumango muli ako.


Sinamahan ako ni Lucio sa management ng hotel para sabihin yung magiging set-up ng event. katatapos lang daw ng pakikipagusap niya sa client niya kaya sinamahan niya na ako. Pagkatapos namin, the usual... inaya niya ako ulit sa isang date. pero hindi sa akin nakatuon yung atensyon kundi sa phone niya, kaya pinilit ko nalang ibaling yung atensyon ko sa pagkain. kinuha ko yung phone ko at nag- message kay Damon.


To: Damon Cranford


The hotel is already set.

Naghintay ako ng reply pero walang dumating. Pagkatapos namin kumain ni Lucio hinatid niya na ako sa bahay. Aaminin ko, nawawalan na ako ng gana sa ginagawa namin, parang laging masaya. ni hindi kami nagaaway tulad nila Adam at Megan noong highschool. Parang may mali. pinagsawalang bahala ko nalang yun.


Nitong mga sumunod na araw, iniwasan ko munang pumunta sa opisina ni Damon. ayoko kasing may maririnig na kung anu-ano. Baka pagpunta ko doon isang araw, maririnig ko nalang na ihinahalo ko daw yung mga ganun sa trabaho ko.


Tumunog bigla yung phone ko. napapikit ako ng mariin ng makita ko ang pangalan ni Damon sa screen.

"Hello" bumuntong hininga ako. "Why aren't you coming in my office?" tanong niya.

"M- may ginagawa ako" ibababa ko na sana nang marinig ko pa siyang magsalita.


"Really? staring at your ceiling is now a hobby" Napatayo ako nang marinig ko iyon sa kanya.

"N- nag-leave ako. Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.


He chuckle "You're not really aware of your surroundings."


akala ko kausap ko pa siya sa cellphone, nakita ko nalang siyang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko at wala nang hawak na phone sa kamay. kinusot ko pa yung mata ko, akala ko nag-iimagine lang ako. pagkamulat ko ng mata ko ay ang lapit niya na sa akin. hinawakan niya ang baba ko para mapatingala ako at makita yung mata niya.


"You're not imagining things baby" aniya.


Playing SafeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon