Chapter 3 - You Stole My Heart

3 0 0
                                    

Ilang taong nakalipas bago ang kasalukuyang panahon…..

 

Si Raven inlove kay Chris… isang lalaking achiever kaya nga successful, mabait sa pamilya, God fearing, etc..etc.

 

Ideal Guy nya….Yung hindi magpe-pretend na magaling siya porke lalaki siya at hindi magpapaka-dominante para sundin siya kasi nga, lalaki siya. Nasa edad na siya na puwede nang lumagay sa tahimik, ngunit mas maganda kung sa soulmate niyang si Chris niya maririnig ang mga katagang, “Will you marry me?” kasi ramdam niya na basa siya nito kung paano siya mag-isip at pati na rin ang kanyang nararamdaman. Palagi niyang nasasambit na, “Sana siya na lang…”

 

Kahit pilit niyang sinasabi sa iba na hindi hinahanap ang “true love” kundi kusang dumarating ay gusto na niyang makilala ang lalaki para sa kanya dahil naging successful na naman siya sa career niya at ang lovelife na lang talaga ang kulang at saka 30 years old na kaya siya.

 

Sa church …………..

          “Hi! I’m Chris. Salamat at pumunta ka dito atnagpasya natumulong sa summer workshop para sa community service para sa mga bata.”

         “Nice to meet you! I’m Raven. Walang problema dahil ako ay isang guro at dating nagturo sa isang private school sa elementarya.

          “Ako naman ay isang engineer.”

 

Ilang araw pa………………

          “Raven, ok lang bang palitan ko yung isang parte ng programa para sa graduation?”

          “Actually, tatawagan nga sana kita para sabihing hindi na nga dapat isa yung parte ni Michelle. Yun ba ang nais mong sabihing palitan?”

          “Oo, kasi ay may seminar siya sa trabaho kaya di niya yun magagawa.”

          “Ang galing naman! Ok, sige pag-usapan na natin yung parte na iyon.” Nyeks! Pang-ilan na ito na kung hindi ako ay siya ang tatawag o magte-text para sa isang bagay na pagkakaisahan naming dalawa sa huli ukol sa programa. Are we soulmates?

 

Hanggang sa………………..

          “Chris, ito na yung sinasabi mo na love story na gusto mong mapanood!

          “Naku! Ang tagal ko nang gustong mapanood ito! Salamat talaga! Mahahalikan kita!”

          “How sweet! A, iyon ba yung di kagandahan yung babae na nagustuhan nung lalaki na mas bata sa kanya?” sabad ni Virgil.

 

Ano ba yan?! Nabali na ba ang tulay? Na “Bridge Over Troubled Water” na ba ako?  Si Reina na siyang tanging nakakaalam ng pagtingin ko kay Chris, ngayon ay maygusto na rin yata dito? Anong gagawin ko, super hurt ako. Alam ko na, alibi, alibi ang peg!

Hingang malalim!     

          “Hi, guys!” si Raven.  

          “Manood tayo mamya sa bahay!” alok ni Chris.

The Least You Expect It                                                    Ms RRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon